Kabanata 23

76 4 7
                                    

Bumalik ako sa aking upuan na wala sa sarili. Nang mag-angat ako ng tingin sa kay Yulos na nakatayo sa harap katabi ng mga casts at managers nila, kapansin-pansin ang tingin niya sa akin. Halos hindi na nga niya magawang tingnan ang mga taong nagpapalakpakan sa harapan nila.

Pansin ko ang... pagkabalisa niya. Pansin kong palagi akong hinahanap ng tingin niya at sigurado ako na kapag tumingin siya sa bandang 'to at nakitang wala ako rito, magpa-panic siya.

Not that I am being so full of myself, but that's what I am really thinking. I am certain that he will really act that way once I'll be out of his sight in here... tonight. And I am worried with that.

I realized that we've been so attached to each other, but him, he is the one who is greatly attached to me. Or maybe, he is just acting that way because he's aware that I am not comfortable when Marziy is around him.

Sino ba naman ang magiging komportable kung nasaksihan mo na kung gaano kadesperada ang babaeng 'yon na makuha ang mga gusto niya? Kitang-kita ko pa noon ang paghawak niya sa pisngi ni Yulos at pagtingkayad para humalik!

At kahit ang paraan ng tingin niya sa boyfriend ko, nakaiinis! Kung pwede lang na palitan ko 'yang posisyon niya riyan ay gagawin ko talaga!

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at kaunting umiwas ng tingin sa harapan. Fuck! I am acting like a so-so-jealous girlfriend that is willing to do everything just to take her man away from the girl she's uncomfortable with!

Pero kahit sino naman talaga ay ganito ang mararamdaman, 'di ba? Lalo na kung ang babaeng magiging leading lady ng boyfriend mo sa isang movie ay ang babaeng kinaiinisan mo na noon pa!

I clenched my jaw that it hurt a bit before finally bringing back my eye on the front. Mata kaagad ni Yulos ang una kong nakita, mata niyang may pag-aalinlangan.

"What's happening to you?" marahang tanong ni Sef habang himas-himas ang kamay ko. Rinig ko roon ang pag-aalala.

"Bakit, nak?" si mama na parang nag-alala na rin.

Umiling ako at sinikap na ibahin ang ekspresyon. Nilibang ko na lamang ang sarili sa mga media sa baba na parang may paligsahan sa pabilisan at paliwanagan ng flash! Sunod-sunod kasi iyon at nakasisilaw!

Ayaw ko rin na mapansin ni Yulos ang nararamdaman ko ngayon. Kung maaari, ayaw kong makaapekto sa proyekto nilang 'to. Ayaw kong maapekuhan ng nararamdaman kong 'to si Yulos.

"Hey, kanina ka pa tahimik. Is there any problem?"

"Wala," sagot ko sa tanong ni Sef at hinarap na lang ang pagkain ko.

"Hmm..." She sounds like there's a suspicious thing. "You're my twin. There's nothing you can hide from me. Not even that you're bothered with the upcoming movie wherein Aeolus and Marziy Santos will be around each other."

Kumamot ako sa aking batok. Magsasalita na sana ako, pero kita kong binuka niya ang kaniyang bibig kaya pinili ko na lang muna na manahimik.

"Don't worry. I got a talk with someone inside. Ang sabi ay hindi raw–"

"Hi!" Boses iyon ni Yulos. "Hello, Ma. Hello, Sef," bati niya sa mga kasama ko na siyang binati rin siya pabalik.

Habang gumagalaw siya para makaupo, siya namang pag-atake ng mamahaling pabango niya sa aking ilong. Pero imbes na lingunin siya dahil naagaw niya ang aking atensyon, nanatili akong nakatanaw sa plato.

"Hi, my baby," he softly greeted and snaked his arms around my waist and pulled me closer to him. He then planted a soft kiss on my left cheek.

Labis na nag-init ang pisngi ko nang gawin niya 'yon. Kailangan ko pang sikaping umaktong normal pagkatapos ng kaganapang 'yon kanina lang. Pakiramdam ko ay nagwawala ang mga insekto sa loob ko dahil do'n!

Melodic Breeze (Alamada Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon