Kabanata 11

133 7 19
                                    

Parang nawalan ako ng ganang ipagpatuloy ang tinatrabaho namin, pero sinikap ko pa rin. Nakahihiya naman sa kay Jianha at Klari na ngayon ay patuloy pa rin sa paggawa ng mga part nila.

I craned my neck and arched my back that's now a bit hurting. Hindi na ako nag-angat pa ng tingin dahil paniguradong mag-iinit lang ang ulo ko.

"Tama na muna siguro 'to," sabi ni Klari habang hinihimas-himas ang batok. "Kaunti na lang naman ang kailangan tapos finalize na lang."

Tumango ako para sumang-ayon. Halata na sa mga mukha namin ang pagod kaya niligpit na lang namin ang aming mga gamit at nagpaalam na sa isa't isa.

Si Jianha ay sa kabilang gate na dumaan dahil naroon daw ang sakayan pauwi sa kanila, samantalang ako ay sa main gate dahil mas malapit iyon sa uuwian kong bahay ni papa.

"Chres, sandali!"

Pumikit ako at pinilit na pakalmahin ang sarili nang marinig ang boses ng tumawag sa akin. Unti-unti na naman akong nilulukob ng pagka-irita!

Marziy's pouted lips was all I saw first when I turned. Mas lalo lang akong nainis nang makitang parang nagpapa-cute siya sa akin!

"Sabi mo ay hindi kayo ni Aeolus," panimula niya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Kung ganoon, pwede mo ba akong tulungan mapalapit sa kaniya?"

Kumunot ang noo ko sa narinig. Bulag ba siya? Nagbubulag-bulagan? Hindi pa ba klaro para sa kaniya iyong mga galaw ni Yulos tuwing magkasama kaming dalawa?

"Alam kong gusto ka niya."

'Yon naman pala, e!

"Pero hindi mo naman magawang i-reciprocate ang nararamdaman niya," sabi niya. "Kaya sa akin na lang siya. I can give him the love that he deserves, Chres."

Umawang ang labi ko at natulala habang pinipilit na irehistro iyong sinabi niya. Oo, alam kong showy at vocal siya pagdating sa nararamdaman kay Yulos, pero hindi ko naman alam na ganito pala siya kadesperada!

"People used to label you as a strong and unafraid woman, but you can't take risk when it comes to Aeolus!" sabi niya sa mataas na boses. "Are you really unafraid, Chres? O baka... you just like the feeling of wrapping Aeolus around your fingers!"

"Hindi iyan totoo!"

"Then what? Alam kong nanliligaw si Aelous sa 'yo, matagal na, pero hindi mo pa rin magawang sagutin. Bakit, Chres? Do you only like the feeling that you are being chased by him?"

I bit my lower lip to maintain my calm aura. Hindi ko gustong gumawa ng kahit anong eksena rito sa paaralan, lalo na kung dahil sa lalaki! Hinayaan ko rin siyang maniwala na nanliligaw sa akin si Yulos dahil iyon ang sa pakiramdam ko, gusto ko.

"Are you afraid to take commitment? I know that you're really willing to do whatever you want without any hesitation so it's making me confuse even more and it's leading me to be thirsty for your answer."

Nanliit ang kaniyang mga mata at bahagyang dumukwang para ilapit ang mukha niya sa akin.

"Hindi mo ba gusto si Yulos?" tanong niya na mas lalong nagpatindi ng inis ko sa kaniya. "Kasi kung hindi, then I'll do my move and I will make sure... that when he falls to me, it will be his greatest downfall that he can't get up."

Lumunok ako at pilit na isiniksik sa utak ko ang mga narinig mula kay Marziy. I admit, her words hit me like a big truck, running on its fast pace while I'm on the middle of the road, still confused which way to take.

She's right. People have known me as a strong and unafraid woman. I am willing to do everything I want without any hesitation. Pero hindi iyon nangangahulugan na hindi ako takot at handang gawin ang lahat ng bagay na gusto ko.

Melodic Breeze (Alamada Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon