Napatingin ako sa sahig nang mapagtanto kung ano ang desisyong ginawa ko lamang sa aking isipan. Lumaki akong hindi kasama ang tunay kong magulang, ngunit nariyan naman si mama at papa na hindi pinaramdam sa akin na hindi nila ako tunay na anak. Malaki ang pinakaiba namin ng anak ko kung sakaling gawin ko man ang desisyon ko.
I grew up, having a mother and a father. At kung ililihim ko ang pagbubuntis ko kay Yulos at itatago sa kaniya ang anak namin, lalaki ang anak ko nang walang ama. Para sa akin, okay lang naman 'yon dahil kaya ko naman siyang buhayin. Pero... hindi ko alam kung hanggang kailan siya mananatiling tahimik at hindi magtatanong tungkol sa ama niya.
What will I say? That I hid him or her because I want his or her father to be focused on his career? My child won't understand that especially if he's still a kid when he'll ask. And I do not want to lie to my child.
"Baby, you seem tired. Let's sleep?" boses ni Yulos na nagpagising sa akin mula sa malalim na iniisip.
Lumunok muna ako bago sumagot. "Si... sige." Nahirapan pa akong sumagot!
I heard him sighed. "Sige. I miss you, baby. I love you!" he said before finally ending the call.
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Nakatulugan ko na ang pag-iisip at kinabukasan, nagising ako na hindi maganda ang sikmura. Agad akong napabangon saka tumakbo sa banyo at roon sumuka.
Napanood ko na ang ganito sa mga pelikula, pero shit! Sobrang hirap nga talaga kapag ganito! Sobrang hirap magising na ganito ang eksena sa umaga. Iniisip ko pa lamang na ganito na naman ang eksena sa susunod na mga araw, parang gusto ko na lang manganak agad!
Paglabas ko ay amoy na amoy ko na ang mabangog niluto ni mama. Sakto naman dahil patungo pa lang ako sa lamesa ay ang pagkasalubong namin. Hawak-hawak niya ang dalawang plato at nang makarating sa lamesa, nilapag niya iyon.
Para pa akong prinsesang lumpo dahil sa sobrang pag-aalaga niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong bata na kailangan pang bantayan palagi. May dala akong bata, pero hindi na ako bata!
Bawat lakad ko ay palagi niyang sinusundan ng tingin! Maging sa pagpasok ko sa kwarto, pinagsabihan pa niya akong panatilihin lang daw na nakabukas ang pintuan para naman maririnig niya ako o makikita.
"Mag-iingat ka diyan sa banyo, Chrescent," paalala niya nang makita akong pumasok sa banyo.
I shortly closed my eyes and then breathe deeply. It will take me 9 months before finally escaping this kind of life. I know I have to be careful in everything, but I don't think I can stand that every time, I will hear those words from anyone around me.
Sana nga ay ngayon lang 'to dahil naninibago pa ang mga tao sa paligid ko. Kaya ko naman alagaan ang sarili ko at magmasid sa paligid, pero sa ginagawa nila, ni mama, pakiramdam ko talaga ay isa akong batang walang alam.
"Diyan ka na lang sa sofa, nak," si mama ulit nang makita akong nakatayo at tinitingnan iyong hagdanan na hindi naman mataas! "Paparating na rin dito si Madame Christina at ang Daddy mo."
"Po?!" gulat ko siyang hinarap. Nagulat din siya sa reaksyon ko. "Alam na po ba ni Dad?"
She immediately shook her head when I gave her a look. Nanatili pa akong nakatanaw sa kaniya hanggang sa makarinig ako ng kotse sa baba. Lalakad na sana ako kung hindi lang dahil kay mama.
"Ma, come on! Mukha pa naman akong hindi buntis. Hindi pa po mabigat ang tiyan ko at hindi pa nanakit ang likod ko. Mukhang iyang iyo nga po ang nananakit, e."
Sinamaan niya ako ng tingin bago pinayagan. When I told Dad and Tita... or Mom- as what she instructed me to call her, their reaction were the same with mama's reaction. Ni hindi ko man lang nakitaan ng galit ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Melodic Breeze (Alamada Series 1)
Teen FictionAlamada Series 1 | Ongoing Despite of the discomfort and pain, in a certain place in Alamada where you can see high mountains covered with fine grasses, feel the gentle blow of the wind, you may experience the soothing feeling you've been longing fo...