My heartbeat raced. I feel like my cheeks are burning and I am not able to think of anything. My mind is in the process of registering what he just said. And I think, it will be a long process since it's so sudden and it couldn't sink in fully.
I wasn't expecting a thing like this. Oo, nabanggit niya sa aking crush niya ako, pero hindi ko alam kung seryoso ba siya roon. Pero ngayon...
"Don't be surprised anymore, Ascella," bulong niya sa akin. "I know that you can see it based on my moves around you. Don't fool yourself anymore."
Am I fooling myself? Nagpapakamanhid ba ako rito? He's right. He did moves. Pero lahat ng iyon, binabalewala ko. Iniisip ko na wala lang. Dahil iyon ang gusto kong isipin. Dahil hindi ako handa. Dahil hindi ako buo.
There's still a part of me that's hollow and I do not know how or what to fill just so I wouldn't feel it anymore. I am out of clues.
"Hindi ba ay siya 'yan?" rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa gilid. "Iyong anak ng dating mayor dito sa Alamada na namatay dahil nagdodroga?"
I pressed my upper and lower teeth together, causing my jaw to clench and hurt a bit.
Iniwan ko si Yulos na nakatingin sa dalawang may katandaang babae at nagpunta sa parte ng pool side nila kung saan wala masyadong tao.
Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata ko. Nagbabadya ang luhang kumawala sa aking mga mata, pero hindi ko iyon hinayaang magtagumpay. I am in a place where there are so many people and may be considered as public now, so I shouldn't be weak.
Nang maramdaman ang presensya ng kung sino, tinaas ko ang aking paningin sa harap at nagkunwaring tinitingnan ang matatayog na bundok kahit wala naman akong masyadong makita dahil madilim na.
I inhaled a familiar scent as my heart beat raced again. Hindi ko alam ang dahilan ng biglaang pagganito ng puso ko. Pakiramdam ko ay may kakaiba.
"Ascella..." Yulos spoke in a soft voice and it almost caused my tears to successfully come out. He then held my chin softly. "Ascella, look at me, please..."
Pero nagmatigas ako. Ayaw kong ipakita sa kaniya ang aking mata. Eyes are the window to the soul. At sigurado akong kapag natitigan niya ang mga mata ko, malalaman niya ang nararamdaman ko.
Ramdam ko na pinagsiklop niya ang aming mga daliri saka ako marahang hinila para makasabay sa kaniya sa paglalakad. I am having a hard time coping up with his pace but I still tried. Mataas naman ako, pero mas mataas siya kaya malaki rin ang mga hakbang na ginagawa.
May kinausap muna siyang lalaki at hinintay siya nang sandali. Pagbalik ng lalaki ay may iniabot iyong susi sa kaniya at hinila na naman ako palabas sa bahay saka pinagbuksan ng pintuan ng shotgun seat saka siya umikot at pumasok sa driver's seat.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
His face doesn't show any emotion but I can feel it.
"To a place where you can feel at peace–"
"Pero birthday mo, Yulos! Baka hanapin ka roon–"
"Then let them look for me!" Tumaas ang kaniyang boses kaya bahagya akong napaatras dahil sa gulat. Nang mapansin iyon ay kita ko ang guilt sa mga mata niya at bumutong-hininga, pansin ko ang pagkalma niya. "I didn't mean to scare you. I'm sorry..."
Hindi na ako nagsalita pa at nakipagtalo sa kaniya. Hinayaan ko siyang magmaneho ng ilang minuto hanggang sa marating namin ang lugar na sobrang malapit sa akin.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko at humawak sa wooden fence at hinayaan ang mataas kong buhok na magulo ng hanging panggabi. Mayamaya ay naramdaman kong may lumapat sa likod kong makapal na tela.
BINABASA MO ANG
Melodic Breeze (Alamada Series 1)
Teen FictionAlamada Series 1 | Ongoing Despite of the discomfort and pain, in a certain place in Alamada where you can see high mountains covered with fine grasses, feel the gentle blow of the wind, you may experience the soothing feeling you've been longing fo...