"Tin, sa loob na lang kayo ng office," bilin ko sa tagabantay ni Ystral bago ako umalis para ipagpatuloy ang ginagawa kanina.
Pinili kong mag-lunch kami sa restaurant na may kalayuan sa building dahil palagi akong kinakabahan kapag naiisip ko na nasa parehong building lamang kami ni Aeolus.
Parang ayaw ko pang ipagpatuloy ang trabaho dahil sa sobrang kaba na baka magkita ang mag-ama habang wala ako sa paligid ni Ystral.
Good thing that I was still able to control myself while I'm doing my work. Bonus at hindi kami nagkita ni Yulos. Siguro ay magkasama sila ni Mom Christina dahil wala rin siya rito simula pa kanina no'ng bumalik ako.
"Is everything done?" maayos kong tanong sa nagma-manage sa amin. Nang tumango siya ay kaagad kong kinuha ang bag ko sa sulok at dali-daling lumabas sa kwarto para magtungo sa office ni Mom.
Hindi ko na namalayan kung nakahinga ba ako habang nasa elevator dahil ang tanging nasa isip ko ay ang posibilidad na narito pa rin si Yulos sa building.
Well, there's a big possibility that he's not here anymore. He's a busy person and to be here for straight four hours, it's impossible. Malamang ay marami pa siyang naka-schedule na appointment sa araw na 'to.
With those thoughts, I regained my calmness. When I turned to the path leading to Mom Christina's office, it looks normal so I had the assurance that he's not here anymore.
Nang dumating na nga ako sa harap ng pintuan ay kumatok ako nang tatlong beses bago pinihit ang door knob.
I inhaled the office's cold air that made me shiver a bit. When I lowered my gaze to look at my daughter, I smiled a bit and looked at the direction she's looking at. And that's when my shivering intensified.
Mom's talking with someone. I couldn't see his face but with his back, I can say that I know this person. Agad kong hinila pasarado ang pintuan at agad na lumayo roon.
Good thing that I am still familiar with the ways here so I made my way straight to the comfort room. Kinapa ko ang aking cellphone sa bag at agad na hinanap ang numero ni Mom Christina.
Mom
Mom, can you tell Tin to bring Ystral outside? We'll use your car too. Pakisabi sa driver.
I bit my lower lip as I am hoping that she'll read my message without Yulos knowing it. Panatag naman ako na hindi niya iyon ipapahalata dahil alam niyang hindi pa ako handa na ipakilala ang mga anak kay Yulos. Isa pa, hindi rin niya pangungunahan ang desisyon ko.
I also texted Tin and said that Louis is waiting, but made sure that she won't make it in an obvious way. Bago lamang siyang yaya ni Ystral kaya hindi niya alam ang tungkol dito.
Few minutes after I send messages to them, I saw Tin and Ystral looking around, perhaps looking for me so I immediately step out from where I was hiding and went straight to them.
"Mama!" si Ystral at niyakap ako. Hindi ko na pinatagal ang yakapan namin at agad nang lumabas sa building. "Where's Tito Louis?" tanong niya nang napansing walang nakaparadang kotse na naghihintay sa amin.
I just smiled at her, not having any plans to explain. Mamaya na, kapag nasa bahay na kami at siguradong malayo kami kay Aeolus.
Panay ang buntong-hininga ko habang nakasakay kami sa sasakyan ni Mom Christina. No one seems to notice it except Ystral. She's so observant.
"Ma, tired?"
Ngumiti ako sa tanong niya at tumango-tango. Sa totoo lang ay hindi ko talaga naramdaman ang pagod kanina. Mas nanaig ang pangamba ko na wala nang pwestong pwede paglagyan ng pagod.
BINABASA MO ANG
Melodic Breeze (Alamada Series 1)
Teen FictionAlamada Series 1 | Ongoing Despite of the discomfort and pain, in a certain place in Alamada where you can see high mountains covered with fine grasses, feel the gentle blow of the wind, you may experience the soothing feeling you've been longing fo...