"Chiara!" tawag ko sa kaibigan na kalalabas lang.
Hindi na niya nagawang ayusin ang sarili dahil agad na siyang lumapit sa akin at yumakap nang mahigpit.
Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko naman ang pagtapak sa lupa ni Phyr. Pagkatapos ay inalis niya ang kaniyang shades. Nagmukha pa siyang artista nang gawin niya 'yon. Napailing-iling ako. Dugo talaga ng mga Chlaviel.
"Huy," si Chiara at marahan akong siniko. Nang tingnan ko siya ay nginuso niya ang pinsan na papalapit sa amin. Hindi ko na namalayan na hindi na pala kami magkayap. "Baka matunaw niyan si Phyr sa titig mo."
Tumawa ako sa sinabi niya. Pansin ko naman na papalapit sa amin ni Phyr kaya medyo nataranta ako at hindi alam kung paano aakto. Titingnan ko ba siya? Ngingiti ba ako sa kaniya? Yayakapin ko ba siya?
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya yumakap na lang din ako sa kaniya nang yakapin niya ako. Hindi kagaya noong una, iba ang paraan ng yakap ko sa kaniya at alam kong napansin niya rin iyon.
It feels odd. Parang may bumabagabag sa akin na gawin iyon.
"Bro," rinig kong tawag ni Yulos na naging dahilan kung bakit kumalas sa yakap si Phyr. Nakipag-fist bump siya rito at umakbay para isabay si Phyr sa pagpasok sa loob.
Nag-aalangan naman si Phyr na sumabay sa kambal at nilingon pa kami, pero kalaunan ay nagpatianod na lang din kaya nilingon ko na si Chiara na may makahulugang ngiti sa labi.
Kumapit siya sa braso ko at sinabay na rin ako sa pagpasok sa mansion. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba akong asarin o iyon lang talaga ang dating sa akin. Maging ang paraan ng paglakad niya ay parang mapang-asar na rin.
Nang makita ni senyora na dumating na ang mga apo niya, napatayo siya at agad na sinalubong ang mga ito. Maging ang vice mayor ay napatayo rin at sinalubong ang mga dumating.
"Kumusta kayo ni Yulos?" pabulong na tanong ni Chiara sa akin habang nakakapit pa rin sa braso ko.
Nasa harap pa rin namin si senyora at iyong vice mayor kaya hindi niya ako magawang asarin nang labis.
"Okay lang. Tao pa rin."
Patago niyang kinurot ang tagiliran ko dahil sa sagot. Hindi ko naman magawang magreklamo masyado dahil baka mapansin kami ng kaharap kaya palihim ko na lang siyang pinandilatan na ikinatawa niya lang.
"Alam mo ba, palaging pangalan mo ang sinsabi ni Phyr habang nasa byahe kami papunta rito," pagku-kuwento niya. "Simula pagdating ko sa airport sa Davao, ikaw agad ang tinanong. Hindi niya man lang nagawang kumustahin ang maganda niyang pinsan."
Kita ko ang pag-ismid ni Chiara na naging dahilan ng pagtawa ko. Mabuti na lang ay walang nakakita.
Sa sumunod na araw ay naging abala na kami sa mga school works. Pinag-iigihan ko rin sa pag-aaral dahil gusto ko ng maayos na grado para naman hindi ma-disappoint si senyora at hindi masayang ang scholarship na binigay niya sa akin.
"Chres, iyong project natin, next week na lang natin pagplanuhan," sabi sa akin ni Jianha bago ako makalabas sa room.
Tumango ako sa kaniya at kumaway na para magpaalam. Dumiretso ako sa cafeteria ng school para kumain kaagad ng pananghalian. Sakto naman ng pagbaba ko ay nakasalubong ko si Dave na kagagaling lang sa isang building.
Agad siyang kumaway sa akin bago lumapit. "Kumain ka na?" tanong niya. Umiling naman ako. "Tara, sabay na tayo! Sa caf din ako papunta, e."
Agad akong pumayag para naman hind maging boring ang pag-kain ko. Masayang kausap si Dave. Marami siyang kuwento tungkol sa mga ganap sa pag-aaral niya. Hanggang nga sa paglabas namin sa cafeteria ay hindi pa rin siya nauubusan ng sasabihin.
BINABASA MO ANG
Melodic Breeze (Alamada Series 1)
Teen FictionAlamada Series 1 | Ongoing Despite of the discomfort and pain, in a certain place in Alamada where you can see high mountains covered with fine grasses, feel the gentle blow of the wind, you may experience the soothing feeling you've been longing fo...