On the next following days, I busied my mind thinking of ways how can I visit my kids without being obliged to ask Yulos' permission or even telling him because I don't know how or what to tell him.
Paano ko ba sasabihin? Paniguradong hindi 'yon papayag at kung papayag man, sasama 'yon! At kung hindi man siya ang sumama, paniguradong may mga guards na nakasunod sa akin. At syempre, dahil guards niya ang mga 'to, tapat sila kay Yulos at posibleng sabihin nila ang tungkol doon.
I heaved a sigh and sat on the sofa. Ngayon ko lang napagtanto na nanakit na pala ang paa ko katatayo at pabalik-balik na paglalakad na ginawa ko mula pa kanina. I then scratched my brow and looked on the ceiling, thinking, again.
Sobrang miss ko na ang mga anak ko at gustong-gusto ko silang makita. Kung wala lang siguro akong tinatago kay Yulos, matagal na akong umalis dito! I have connections. I have my dad, Phyr, and the team! Pero tangina naman kasi, konektado sila kay Yulos! Lalo na ang team na unang tatawagin ni Phyr kapag humingi ako ng tulong.
Hindi ako pwedeng magkamali ng iniisip. Aelous might have taken Ace's loyalty already. At kapag nanghigi ako ng tulong kay Ace, paniguradong tatanggi 'yon.
Frustrated, I thump my feet on the floor. Mabuti na lang ay marunong kumatok iyong tao sa labas ng kwarto ko kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon na umayos. Saka lamang siya pumasok nang sumigaw na ako, hudyat ng pahintulot.
"What's with your face?" natatawang tanong ni Yulos.
Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala nabago ang ekspresyon. "Nababagot ako rito sa bahay mo," sabi ko.
"There's a beach over there," he said and pointed out of the open balcony of my room. "Why don't you swim?"
"Ayaw kong lumangoy," I said as an idea pops out of my mind. "Gumala na lang tayo sa dagat!"
Natawa siya sa sinabi ko.
"What?"
"Gumala tayo! Sakay tayo sa bangka, gano'n!"
"I don't have one—"
"Magrenta tayo!" Kahit ano na lang ang pinagsasabi ko, basta ay gusto kong makaalis dito!
"Baby, they'll use that later. We can't just rent it—"
"Yate? Imposibleng wala kang yate.
Sumilay ang ngisi sa labi niya habang pinagmamasdan ako.
"What?" kunot-noo kong tanong.
"Are you thinking of escaping from me?" tanong niya, rinig ko ang kasiguraduhan doon.
"Hindi!" pagtanggi ko kaagad. "Hindi naman ako ganoon ka tanga para tumakas mula sa 'yo habang napapalibutan tayo ng dagat."
Humagalpak siya ng tawa. Hindi ko alam kung para saan at wala na akong planong alamin pa yon. I lied. Gusto ko talaga na makaalis dito para makita ang mga bata. Hindi na ako mapakali at alam kong kapag pinagpatuloy ko ito, konti na lang ay mabubuking niya na ako.
He's not that dumb.
Kaya paano nga ba ako makatatakas ngayon nang hindi tumatawag sa kahit na sino? Oh, please help! I can't stay here for long! I promised my kids that I will visit them and I don't want to break any promises.
"Are you honest with that?" he asked, doubt in his voice.
I sighed, almost losing hope. "Oo naman. What are you thinking? I will jump in the middle of the sea and swim towards the port that is obviously, too far? God! For sure I will lose air first before even reching the port!" Sinabayan ko iyon ng ekspresyon para maniwala siya.
BINABASA MO ANG
Melodic Breeze (Alamada Series 1)
Teen FictionAlamada Series 1 | Ongoing Despite of the discomfort and pain, in a certain place in Alamada where you can see high mountains covered with fine grasses, feel the gentle blow of the wind, you may experience the soothing feeling you've been longing fo...