"I like to see you wearing that."
Hindi ko naman alam kung anong ire-react dahil sa biglaang pag-iba ng ugali niya. Kanina lang ay binangga niya ako tapos, halos hindi pa ako magawang tingnan! Ngayon naman, parang concerned siya sa akin.
Umangat ang sulok ng labi ko pero pinigilan kong magtagumpay ito. I tightly pressed my lips together to stop myself from smiling. Ramdam ko pa rin ang paglapat ng palad niya sa tuktok ng ulo ko dahil sa ginawa niya kanina.
Umiling ako. Hindi ko pa rin talaga siya maintindihan.
"I'm... sorry about earlier," aniya at umupo sa upuang kahoy na hindi naman masyadong malayo sa duyan na inuupuan ko. "I'm... uhh..." Kumamot siya sa batok niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Whatever. Forget it."
Kumunot ang noo ko dahil doon. Ewan ko ba sa lalaking 'to! Hindi ko talaga maintindihan! But there's no reason for me to understand him, though. He's a mere acquaintance.
Pero kahit na ganoon, pakiramdam ko ay naiilang pa rin akong makita siyang ganoon. I saw this side of him, cold and snob. That was the first time I saw him. Pero noong hinayaan niya akong umiyak sa kaniyang balikat at nagkita kami sa barbeque stall ni Nanay Tes, my view for him had change.
I just couldn't point out what is it. Pakiramdam ko ay may dalawang personalidad si Yulos na ginagamit sa iba't ibang sitwasyon.
"Do you like my twin?" tanong niyang biglaan at pinilig ang ulo sa kanan habang naghihintay sa sagot ko.
"Crush ko siya," sabi ko. "Yes, I like him."
Wala naman kasi akong ibang dahilan para hindi magustuhan si Phyr. Just like what I've said, he's so ideal. In fact, most of the girls in this municipality like him. Hindi ko nga lang alam ngayon dahil narito na si Yulos. Baka magbago na.
"That's it?" Nagtaas siya sa akin ng kilay. "There's no more than that? Hanggang doon lang?"
Tumingala ako para mag-isip ng isasagot sa tanong ni Yulos. Is that is? Hanggang doon nga lang ba? Hanggang pagkagusto lamang ba ang meron ako para kay Phyr?
Nagkibit ako ng balikat bilang tugon sa tanong ni Yulos. Honestly, I don't really know the answer because I haven't thought of that before. Basta ay crush ko siya. Tapos!
Pero ngayon, napagtanto kong hindi ko ma-imagine ang sarili na lagpasan ang linya ng pagkakaibigan namin ni Phyr. I can't imagine us being in any relationship but friendship. Alam ko ring mas mainam iyon dahil wala kaming masisira.
Isa pa, wala rin akong plano na pumasok muna sa mga ganyan. Gusto ko lang mag-aral. Tamang stress na ang maibibigay no'n! Ayaw ko nang dagdagan pa dahil sa pagkakaroon ng boyfriend. Iniisip ko pa lang na magseselos ako, parang gusto ko na lang matulog.
Kaya hindi ko rin pinigilan ang sarili na magkagusto kay Phyr dahil happy crush lang naman 'yon. Kapag may gusto na siya at naging girlfriend niya, sigurado akong hindi ko iyon kikimkimin. Crush lang naman 'yon.
"Chres, hanggang doon lang ba?" tanong ulit ni Yulos.
"Oo. Hanggang doon lang."
I heard him breathe. When I looked at him again, there's this wide smile plastered on his visage. He then stood up and walk towards me, while I lifted my gaze to meet his mismatched eyes.
Ilang beses akong kumurap-kurap pagkatapos niyang hawakan ang baba ko at pumatak ng mabilis at malambot na halik sa aking noo.
What was that for?
Muli naman niyang hinawakan ang tuktok ng ulo ko at bahagyang ginulo ang aking buhok saka nagpaalam na aalis na.
Sinilid ko ang aking dalawang kamay sa pocket ng hoodie niya. Nakaramdam ako ng pagkabigla dahil doon. Bahagya ring nanlamig ang katawan ko. Mas malamig pa sa nararamdaman ko kanina na dulot lang ng ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
Melodic Breeze (Alamada Series 1)
Novela JuvenilAlamada Series 1 | Ongoing Despite of the discomfort and pain, in a certain place in Alamada where you can see high mountains covered with fine grasses, feel the gentle blow of the wind, you may experience the soothing feeling you've been longing fo...