I left the meeting room with so much questions consuming all of the spaces in my head.
Kahit sa pagdating namin sa mall kung nasaan si mama, hindi ko pa rin magawang umakto nang normal at maayos.
Questions clouded my mind thickly that I couldn't even think of any words to say to start questioning my mother.
Pansin niya ang usal ko, alam ko 'yon. Pero hindi niya ginawang magtanong sa akin, at hindi iyon ang nakasanayan ko.
Kapag napapansin niyang umaakto ako nang hindi normal o 'di kaya'y pansin niya ang pagiging balisa ko, palagi siyang magtatanong at hindi niya ako hahayaang umaktong ganoon nang matagal.
"Hijo, kumusta naman ang shoot? Okay lang ba? Natipalok si Chrescent kanina, e."
See? She can't even direct her question to me!
"Okay lang naman, Ma. She did really great! Akalain mo, natipalok na nga, sobrang galing pa ng mga kuha niya!"
Napairap ako sa sinabi ni Yulos. Tumawa lang siya nang bahagya nang mapansin ang ginawa ko. Tinawag na nga talaga niyang Mama ang ina ko.
"Naroon ba ang may-ari?"
"Maybe? I think she was the woman who was in the room earlier. Si Madame Christina. That's how the staffs call her–"
"Christina?!"
Naputol ang pagsasalita ni Yulos dahil sa bigla na ipinakita ni mama.
"You know someone named Christina here?"
Tumingin ako sa rear view mirror para pagmasdan ang reaksyon ni mama. Naging malikot ang paningin niya. Napadaan pa 'yon sa rear view mirror kaya nagtagpo ang tingin namin, pero kaagad naman siyang umiwas.
"Ah... Ano... Me–meron. Pero marami na-namang Christina rito sa Davao," aniya. "Pero malay mo, baka siya nga 'yong kilala ko."
I can hear how hard she tried to maintain the calmness in her voice when she said the last sentence.
Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ko, pero mas kapansin-pansin ang pagiging tahimik at kabado ni mama. Madalas pa niyang nililihis ang tingin sa akin kapag ramdam niyang titingnan ko siya.
"Have you meet Sef's father?"
Tumagal ang tingin ko kay Madame Christina nang tanungin niya iyon. Ayaw ko nang humaba pa ang usapan namin dito kaya pinili ko na lang magsinungaling.
Umiling ako. "Hindi pa po," sagot ko sa kaniya.
She raised a brow, as if questioning.
Ramdam na ramdam ko ang dagundong ng dibdib ko no'n habang naghihintay sa susunod pa niyang sasabihin, pero nang nagkibit-balikat lang siya, parang nakahinga ako nang maluwag.
Based on the look she has given to me, I know that she was somehow convinced. She just let me leave her meeting room after that conversation and acted normally every time we see each other around.
Sa mga nagdaang araw, pinili ko na lang na abalahin ang sarili sa mga offers ng mga kompanya.
Most of the offers are modeling and because I do not have any problem about it, I will agree right away.
Kagaya ng sinabi ko noon, pera na iyon. Trabaho na ang kusang lumalapit sa akin at wala namang masama sa trabahong inalok nila, kaya walang rason para tumanggi ako.
"Nak," tawag ni mama na naging dahilan kung bakit ako napalingon.
Handa na akong umalis. Hawak ko na ang bag ko at ang door knob para pihitin, pero dahil narinig ko ang pagtawag sa akin ni mama, huminto ako.
BINABASA MO ANG
Melodic Breeze (Alamada Series 1)
Novela JuvenilAlamada Series 1 | Ongoing Despite of the discomfort and pain, in a certain place in Alamada where you can see high mountains covered with fine grasses, feel the gentle blow of the wind, you may experience the soothing feeling you've been longing fo...