Chapter 9.5: Sorry
One week after.
Kinuha ko ang aking telepono sa shoulder bag ko at tinignan kung may mensahe.
*Huuuu* inihipan ko ang bangs ko “Bakit kaya hindi nagpaparamdam sa akin si Robert?” tanong ko sa sarili ko ng biglang may humawak sa balikat ko sa aking likuran.
“Ay kabayo!”
“Hahahah” si Jessica pala iyun.
“Grabe ka naman bhes, trip ba akong gulatin” nabigla kasi ako sa paghawak niya sa balikat ko.
“Masyado ka kasing seryoso dyan eh. Ano ba problema bhes?” curious na tanong ni Jessica.
*sigh* naalala ko si Robert. “Hindi pa kasi siya nagtetext eh.” Pagtutukoy ko kay Robert.
“Sino?” kunot noong tanong ni Jessica.
Binatukan ko siya. *toink* “Shunga ka talaga!! Si Robert malamang!! Nagtanong ka pa.”
“Hahaha ay, sorry naman daw! Nashushunga bestfriend mo, masanay ka na! Hahah, bakit? Ano bang nangyari?”
“Ehh kasi last week diba naaksedente si dad. Eh may dinner sana kami with his family but hindi ako nakapunta dahil nga dun, ni-text ko siya pero since that day hndi pa rin siya nagpaparamdam.”
“Hay naku, baka nagtatampo lang yun. Pero understanding naman yun eh. Maiintindihan ka nun. Ikaw pa! Mahal ka nun.” Nakangiting saad ni Jessica. Alam ko, gusto niyang pagaanin ang loob ko pero hindi sa ngayon.
“Hmmmm *sad face* hindi ko alam bhes.” Ni-tap ni Jess yung likod ko.
“’wag ka mag-alala bhes, kakausapin ko siya for you.^__^” Napaharap naman ako agad sa kanya.
“Talaga bhes???!!” Nguniti siya at tumango bilang sagot. Yinakap ko siya. “Salamat bhes, hulog ka talaga ng langit sa akin.”
“Oo na. nagdradrama ka na naman.” Hinawakan niya ang chin ko. “”wag ko na makikitang sisimangot pa yang mukhang yan ha! Kundi, ibuntok taka!” At nagtawanan na lang kami. (ibuntok taka means itapon kita J Pangasinense word)
Jessica’s POV
Naluluha ako. Sa dinami-rami kasi ng tutulungan ko sa boyfriend eh yung kaibigan ko pa na mahal yung taong mahal ko. Yung feeling na ikaw ang gagawa ng paraan para magkaayos sila. L ang tanga ko rin eh. Kung ibang tao lang siguro ako, wala na akong pakialam kung magkaayos pa sila o hindi. Pero hindi eh, bestfriend ko siya at mahal ko ang mahal niya. Parehas na ayaw ko silang masaktan……………… kaya ako na lang ang magpaparaya.
“Bye bhes~! Ingat sa pag-uwi. ‘wag tatanga-tanga! Hahahah”
“Grabe naman bhes! Hahah” sagot sa akin ni Anna na may ngiti na sa mga labi. At least sa lagay na yun alam ko okay na siya, napangiti ko rin siya.
Pagkauwi na pagkauwi ko sa apartment ko, agad kong tinawagan si Jake. *kriiiiiiiiing* (The number cannot be reach, please try again later) “Ay!! Ano ka ba naming lalaki ka, bakit ang tagal mo sumagot.” Tinawagan ko ulit siya. *krriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* this time, sinagot niya na yung call ko.
“Hello? Jake? Bakit ang tagal mo sagutin??!”
“Ay? Kailangan sumigaw? Naliligo kasi ako, tapos narinig ko na nag-ring yung phone ko.” Sagot ni Jake sa kabilang linya.
“Ahhh, ang tagal mo kasi maligo eh, daig mo pa ang babae maligo! Grabe ka!” pagbibiro ko sa kanya.
“Hahah oo na. Oh, bakit ka pala napatawag?” tanong niya.
“Hmmm kasi ano eh…….” Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko… “Ano kasi….ano…”
“Ano?? Puro ka ano eh. Heheh”
“Hmmm si Anna……” sinabi ko na…. para magkaayos na sila.
:Oh? Bakit yun?” sarkastikong tanong niya.
“Kung makabakit yun ka naman. Anyareh?? Bakit hindi ka nagpaparamdam sa bestfriend ko?” Mataray na tanong ko sa kanya.
“Ginawa niya naman kasi akong tanga.” Mahinang sagot niya.
“Tanga? Si Anna? Ginawa kang tanga? You suck man! Weeh? Talaga? Siya?” hindi kasi ako makapaniwala na gagawin siyang tanga ni Anna dahil mahahal na mahal nun si Jake. Hindi nagsasalita si Jake.
“Hoy Jake!! Andyan ka pa ba?? Knock knock! Jake, where na you?!! Ditto na me.” Hindi pa rin siya nagsasalita.
“Naku! Kung andito ka lang kanina pa siguro kita nabatukan. Magsalita ka nga, ano bang problema niyo? Ginawa ka niyang tanga? Papaano?”
“Kasi ano ehhh…” nagsalita na rin siya. “Last week kasi may dinner kami kasama ang family ko with my tito an tita and cousins. Ang tagal ko siyang hinintay sa labas ng bahay nila ngunit wala naming tao. Kahit nga text, hindi man lang ako naisipang itext eh. Nakakasama lang ng loob.” Pagpapaliwanag nya sa akin.
“Last week?? Naaksidente yung daddy niya, hindi mo ba alam?”
“Naaksidente?? Eh bakit hindi man lang niya ako naisipang itext??!” bulyaw niya sa akin.
“Ang pagkakaalam ko ni-text ka niya. Pero hindi ka raw nagreply.” Pagpapaliwanag ko.
“Text? Ni isang text niya wala akong natanggap ah! Tapos sasabihin niya nagtext siya? Wow naman! Ano yun? Magic? Nagtext siya sa akin pero wala akong narecieve. Grabe lang ah! Tsk tsk” sunod-sunod na saad niya sa akin sa sarkastikong tono.
“Hay naku! Mag-usap nga kayong dalawa. Tiyak may dahilan yun. Baka hindi nagsent yung text niya sayp akala niya lang nagsent.”
“Ang sabihin mo may iba na siya kaya parang ayaw niya na sa akin!”
“Ano ka ba? Hindi magagawa sayo ni Anna yun nuh! Mahal ka kaya nun.” Aray. Parang ang awkward namang sabihin ko sa kanya na mahal siya ng bestfriend ko hmmmm pero para sa ikakawayos nila kailangan eh.
“Kung mahal niya ako edi sana sinabi niya sa akin na hindi siya makakapunta sa dinner naming. Hindi yung paaasahin niya ako.”
“Basta, ayusin niyo yan. Pag-usapan niyo.”
“Oo na po. Sige bye na. thank you sa time ha!”
“Oo, sige. ASAP yan ha! Dapat ayos na kayo bukas. Kung hindi malilintikan ka sa akin.” *smirk*
“Hala! Grabe naman yan! Hahah, oo na po boss! Bye~!” *toot toot toot* pagkatapos nun ay binaba niya na ang telepono.
Jess’ Note: Sorry for being inactive here. L busy in school eh. Grabe, super hectic ng sched. Saturday nga ngayon eh kakauwi ko lang from school (6:30pm) kasi nagpractice kami para sa production play namin. Malapit na eh. Uyy, artista na raw si ako!! Haha sabay ganun. Sorry kung maiksi lang. medyo pagod kasi ako. Pero thank you kasi binabasa mo ang story ko at naghihintay ka pa rin ng update kahit natagal, *sniff sniff* na touch naman ako dun.
P.S. Thank you ng marami sa mga nag-fan sa akinJ Nakakagana magsulat.
BINABASA MO ANG
Triangles Of Love
RomanceSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano, kahit gaano kahirap ibibigay mo. Papatawarin mo kahit sobrang sakit para sa iyo ang nagawa niyang kasalanan. Handa kang magpakatanga para lamang sa kanta. Well, mahal mo siya eh. And you are willin...