Chapter 9.5: Sorry

25 0 0
                                    

Chapter 9.5: Sorry

“Ano ba pwedeng magawa ngayon?” *isip isip… isip isip* *Ting* “Bright idea!” with matching turo ng daliri sa utak. Kailangan ko makabawi sa kanya :’( *sigh* ang tanga ko kasing girlfriend eh! Sabi ni bhes nagtatampo lang daw si Robert. Hayyy, sana nga. Mga katagang sinasabi ni ko sa aking sarili.

Agad-agad akong nag-isip ng paraan para magkaayos na kami.

Robert’s POV

Nagulat ako ng biglang magtext sa akin si Anna.

Baby: Imissyousomuch baby! How are you? Pwede ka ba later? Please, magkita naman tayo sa lugar kung saan tayo nagcelebrate ng 2nd Anniversary natin. I’ll wait and see you there at 6pm.

Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari nung nakaraang linggo. Masama ang loob ko sa kanya. *sigh* bahala na.

Anna’s POV

Para makabawi sa kanya ni-text ko siya para sabihin na magkita kami sa lugar kung saan kami nagdiwang ng anniversary. Actually, may surprise ako sa kanya. Nagpatulong na lang ako kay Jessica na bestfriend ko na ihatid ako doon dahil may sasakyan naman siya.

“Bhes, thank you!! Maaasahan ka talaga!” yinakap ko siya ng sobrang higpit.

“Syempre, ikaw pa. malakas ka yata sa akin eh.” Ginantihan niya ako ng isang maghigpit din na yakap. “Oh tama na nga toh bhes, 4:30pm na oh! Mag-aayos pa tayo.”

“Oo nga. Salamat talaga.”

“Walang ano man yun.” At nginitian niya naman ako. “Tara na?” tumango na lang ako bilang sagot. Nagsimula na siya sa paglabas ng mga kagamitan sa loob ng van ng family nila. Yun na ang ginamit namin para mas marami ang mailagay. Ilinabas ni naming ang generator, dalawang lamesa na pwedeng i-fold, ihawan para sa barbeque at ang mga niluto ko. Iniluto ko na sa bahay ang ibang mga putahe para hindi na kami kapusin sa oras. Balak ko na magdinner kami rito. Hindi lang kaming tatlo ang magdidinner dito. Ni-text ko rin sila Spongebob (Jesz), Justine at Greg na sumunod dito. Tutal alam naman nila ang lugar.

“Wooooo!” punas sa pawis. “Natapos din tayo bhes!” nagtatalon kami sa tuwa at nagyakapan. “^__^ heheh hindi ko inakala na ganito pala kaganda ang magagawa natin!” at nag-apir pa kami.

May koste na dumating, color black na Mirage, kaya’t napahinto kami sa ginagawa namin at tinignan lang naming ito hanggang sa huminto. Nagulat ako ng makitang lumabas si Greg sa driver’s seat at kasunod naman sina Justine at Jesz.

“Hello!” bati ni Greg.

“Were finally here!!!! Yehey!” si Jesz namn iyon. Si Justine naman tahimik lang at ngumiti sa amin.

“Wow!” \(*O*)/ “Ang ganda naman dito, parang paradise.” Jesz

“Syempre, ganun talaga. Kami ang nag-ayos eh.” Jessica

“Yabang! Yung apartment mo nga parang walang destinasyon eh. Ang gugulo ng mga gamit mo.”

“uy, hindi naman ah! Inaayos ko kaya yun.” ;’3 with matching pout na pagtatanggol ni Jessica sa kanyang sarili.

“Ahh, halata.” Sarkastikong sabi ni Jesz.

“Ginaganyan mo na ako ahh.” Sad face at nagpout pa si Jessica na naging dahilan ng pagtawa ng lahat.

“Hahaha. Tumigil na nga kayo dyan para kayong mga sira ulo. Heheh”

“ehh ito naman kasi eh…” Si Jessica tapos itinuro si Jesz.

Triangles Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon