Nagising na lang ako ng marinig ko ang phone ko na nagri-ring.. May tumatawag.. Agad kong iniangat ang ulo ko para sagutin ito.. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag..
“Hello?” Mahinang sabi ko dahil inaantok pa rin ako.
“Good Morning Bhes!!!” Energitic na bati sa kabilang linya.. Si Jessica pala ang tumatawag..
“Ahh.. ikaw pala yan bhes. Good morning din.. napatawag ka?” nananatiling mahina pa rin ang boses ko. Parang bored-voice kumbaga.
“Hmm.. Tatanungin ko lang sana kung free ka today eh.. Btw, parang inaantok ka pa? Hahahaha. 6:54 am na kaya!! Kailan ka pa tinanghali ng gising?? Mag-se-seven na.. Dati-rati alas-quartro gising ka na. Nagpuyat kayo ni Jake nuh?” pang-aasar niya. Jake kasi ang tawag niya kay Robert.
“Ah.. hindi, nasa ospital ako na----“ hindi pa tapos ang pagpapaliwanag ko. Agad na siyang nagreact.
“Ano? Nasa ospital ka kamo? Anong ginagawa mo dyan? May nangyari bang masama sayo? Saang ospital? Sinasabi ko naman sayo bhes eh!! Mag-iingat ka lagi.” Alalang-alala na mga tanong ni Jessica. Oh, yan. Umatake na naman ang pagka-eksaherada ng babaeng ito.
“Teka lang bhes, huminahon ka nga! Hindi naman ako ang naka-confine eh, si daddy. Nasa Saint Peter’s kami.” Sagot ko naman sa kanya. Halatang medyo kumalma na siya.
“haaaay,” huminga siya ng malalim. “akala ko naman ikaw na ang nakaratay dyan eh.. kinabahan ako dun ah! Ano nga pala ang nangyari kay tito? Tanong niya.
“Car accident, bhes. Pauwi na siya galing Seminar ng may van na bumunggo sa kotse ni daddy.” Habang ikenukwento ko kay Jessica ang mga nangyari kay dad. Nakatingin ako sa daddy ko na nakahiga at may nakakabit na dextros sa kaliwang kamay. Hindi pa rin nagkakamalay si daddy simula pa kagabi.
“Ganoon ba bhes. Sige, dadalaw ako diyan. Hindi na lang ako mag-ma-mall. Iyon sana ang balak ko kaya kita tinawagan.”
“Sige, bhes. Salamat ha? Pasensya kung hindi kita masasamahan.” Pagpapaumanhin ko sa kanya.
“Ano ka ba bhes.?! Ayos lang yun nuh! Ito naman, sige, mamaya pupunta ako dyan. Anong number ng room niyo?” tanong niya. Halatang nakangiti siya sa boses niya. Haaay, ang bait talaga ng bestfriend ko. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit maraming nagkakagusto dyan eh. Hindi lang mabait. Maganda at matalino pa.
“Salamat talaga, bhes. Room 408”
“Walang anuman yun. Sige bhes, thanks din. Tawag na lang ule ako mamaya. May gagawin lang ako. Mag-iingat ka bhes. Pati na rin sina tita lalo na si tito. Mwah!”
“Sige, bhes. Salamat. Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na ang telepono.”
Tinignan ko ang oras. 7:24 am na. Mahaba-haba rin pala ang usapan naming ni bhes. Mayroon din akong 6 messages. Galing kay Robert ang isa. TM Advisory ang isa at puro GM na ang iba. Una ko munang binuksan yung kay Robert.
From: Baby
Message Body:
Good morning baby.. Grab your breakfast.. mwah.. Iloveyou.. Btw, don’t forget mamaya ah? Yung dinner natin, sunduin kita. Have a nice day.. :*
*end*
Kanina pang 5:40 am yung message. Aba. Ang aga yata nito nagising ah. Sa isip-isip ko. Ni-reply-an ko siya.
Option Back
---------------------------
BINABASA MO ANG
Triangles Of Love
RomanceSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano, kahit gaano kahirap ibibigay mo. Papatawarin mo kahit sobrang sakit para sa iyo ang nagawa niyang kasalanan. Handa kang magpakatanga para lamang sa kanta. Well, mahal mo siya eh. And you are willin...