Chapter 8: The Revealation

132 1 0
                                    

Anna’s POV

Hindi ko namalayan nakatulog na naman pala ako. Anong oras na ba?? Tinignan ko ang phone ko sa lamesa para tignan ang oras ngunit nung Makita ko ito ay shutdown na.

“Ma, anong oras no po?”  tanong ko sa mommy ko ng Makita ko siya.

Akmang tumingin si mommy sa relo niya. “4:24pm na anak. Bakit?” tanong ng mommy ko.

“Ahh. Naitanong lang po. Ma, may load ka po ba? Makikitext na lang ako kay mommy. Kailangan ko itext si Robert.

“Ahh. Oo anak. May natira pa yata.” Hinanap ni mommy ang phone niya sa bag at bulsa niya. Ngunit mukhang wala siyang nakita.

“Ay, anak. Pasensya na. Nakalimutan ko pala yung telepono ko sa bahay nung umuwi ako para kumuha ng mga damit natin.”

“Ganoon po ba? Salamat na lang po, ma” malungkot na saad ko.

“Ano bang gagawin mo?” tanong niya muli.

“Itetext ko lang po sana si Robert. Shutdown na po itong phone ko eh.” Sagot ko.

“Ay, pasensya na anak ko.”

“Ok lang po yun, ma” at nag-fake smile na lang ako.

                Haay. Maiintindihan naman siguro ni Robert yun. Nagtext naman ako kanina sa kanya eh. Kaso kanina pang umaga yun. Tsk.

Robert’s POV

10:28pm.  Andito ako ngayon sa rooftop ng bahay namin. Nakaupo sa bench habang tinitignan ang mga bituin sa langit at umiinom ng beer.

“Sh*t!! Anna!!!! Nasaan ka ba??!!” badtrip na badtrip talaga ako ngayong araw. Tapos nakita ko pa yung pagmumukha ng hayop na Keith na yan!! Sh8t! Parang gusto kong pumatay ng tao sa sobrang pagkabadtrip ko!

Kino-contact ko ang number ni Anna ngunit katulad kanina “The number cannot be reach. Please try again later.”

Sinubukan kong tawagan si Jessica Mae ang bestfriend ni Anna. Maya-maya pa ay

“Hello?” sa kabilang linya.

“Hello Jess” sagot ko.

“Oh Jake? Bakit ka napatawag? Gabing-gabi na ah!”

“Ahh. Pwede mo ba akong samahan?”

“Samahan saan? Dis-oras na ng gabi ah! Teka-teka. Parang nakainom ka ah! O lasing na?”

“Nakainom lang.” Pagsisinungaling ko. “Sige na. Punta ako dyan sa apartment mo.” Pagkukumbinsi ko sa kanya. Nakahiwalay kasi siya sa parents niya. Gusto niya raw kasi maging independent.

“Sige na nga. Ano ba ang gagawin?”

“Iinom lang. Heheh Samahan mo ako uminom.” Sabi ko sa kanya.

“Ano??! Dis-oras na ng gabi iinom pa?” gulat na sabi sa kabilang linya.

“Hoy. Bawal tumanggi. Pumayag ka na eh.”

“Bakit may sinabi ba ako?”

“Heheh. Wala. Thanks Jess dahil andyan ka!” sabi ko sa kanya.

“ngek! Lasing ka na nga yata Mr. Clemente. Saan tayo?”

“nagbago na isip ko.  Dyan na lang tayo sa apartment mo. Bibili na lang ako ng beer at pulutan natin tapos pupunta ako dyan.” Sabi ko na lang sa kanya.

“Beer?? Alam mo naming mahina ako sa beer at gin yan pa ang bibilhin mo!!” sigaw ni Jessica.

“Hahaha, oo nga pala. Pasensya naman daw ah! Rhum nga pala ang iniinom mo, hahaha”

Triangles Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon