Prolouge: 10 Years Ago

85 6 0
                                    

"Anak! Nasa-saan ka nanaman ba?" paghahanap sa akin ni mama habang ako naman ay nakatungtong sa isang upuan, kumukuha ng ice cream sa ref namin "Aya-Tsk, sinasabi ko na nga ba! Nangunguha ka nananaman ng ice cream ng walang paalam" galit na turan niya.

Inikagay niya ang parehas niyang kamay sa aking kili-kili para buhatin ako pababa ng bangkuan.

Tumingin pa siya sa akin ng galit na expresyon "Hay naku ka talagang bata ka! Kailan ka ba magtitino ha?" pagsusuway niya sa akin habang pinupunasan ang bibig ko na puno pa ng sorbetes.

Isinara niya ang ref namin bago ako muling binuhat papunta sa akibg kwarto "Maglinis ka na ng katawan mo at magbihis ka anak, i-wewelcome natin ang bagong lipat nating kapitbahay."

Tumingin naman ako sa nanay ko ng nakanguso "Ma naman... Kaylangan ko po ba talagang sumama?"
pagtatanong ko sa kanya ng nakanguso.

Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. Tumango siya "Oo naman! Alam mo, may anak din siya na ka-edad mo! Pwede kayong maging magkaibigang dalawa!" sambit ng aking nanay.

Ngumiti naman ako sa kanya ng malaki "Talaga ma?" pagtatanong kong may saya sa aking labi.

Hindi na ako naghintay pa sa isasagot ng aking nanay, tumayo na akong agad at naglinis ng katawan at nagbihis ng maayos na damit.

Hindi kalaunan ay pumunta na kami sa aming bagong lipat bahay at doon ko nakilala si Wendel.

This Feeling Sucks(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon