Naka-upo kami parehas sa sahig, nagsasagot ng mga takdang aralin na dapat naming ipasa kinabukasan.
Tumayo si Wendel saka may kinuha sa ref. Iniabutan niya ako ng isang lata ng malamig na serbesa na kakakuha niya palang sa ref.
"Pass muna ako" sabi ko habang nakatingin sa asignaturang aking sinasagutan.
Nag-tantrum nanaman siya na dahilan ng pagtingin ko sa kanya ng masama "Nakikita mong nagsasagot tayo ng assignment di'ba? Tapos gusto mag-inom tayo?" tanong ko sa kanya na kanyang tinanguan "Ayoko" patapos kong sabi at saka tumingin sa sinasagutan ko.
Pumunta siya sa likuran ko sabay inilahad ang parehas na hita sa magkabilang gilid ko saka ako niyakap. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko saka itinapat ang bukas na lata ng serbersa sa bibig ko.
Lumagok ako ng kaunti habang nagsasagot ng aking takdang aralin.
Binigyan ng serbesa ang lalamunan ko ng mainit na pakiramdam at nag iwan ito ng mapait na lasa sa aking bibig. Sanay naman na ako sa ganitong mga inumin, wala nalang sa akin ang lasa ng kahit na anong inuming nakakalasing dahil mataas ang toleransiya ko.Lumagok rin doon si Wendel sa nabanggit na lata ng serbesa "Iinom ka rin naman pala eh" bulong niya habang nakatingin siya sa sinusulat ko.
"May magagawa pa ba ako pag nakapulupot ka sa aken?" pagtatanong ko sa kanya habang nagsusulat ako ng sagot ko.
Ngumiti lang siya sa akin "Alam kong love na love mo ako eh" sabi niya sabay lagok uli sa serbesa.
Napairap nalang ako "Love kita pero putangina mo sa pamimilit sa akin palagi" Galit kong turan.
"Labyu too bespren!" masaya niyang isinigaw.
Napa-iling nalang ako sa inaasta niya.
Lumipas ang ilang oras at natapos ko na ang takdang aralin ko, naka apat na lata na rin ako ng beer na inaabot sa akin ni Wendel pero malinaw parin ang aking pagiisip hindi tulad niya, na tumatawa na mag-isa.
"Hoy Wendel, ako nanaman bang magsasagot ng assignment mong hayop ka?" asar kong tanong sa lasing kong kaybigan.
Ngumiti lang siyang tumango sa akin.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Alangan-namang mamilit ako ng lasing? Anong isusulat niya roon? Kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon, ganon?
Napa-buntong hininga nalang ako habang kinukuha ko ang mga kwaderno niyang dapat pang lagyan ng kasagutan.
Napatingin ako sa gawi ni Wendel habang iniisip ang sanaysay na dapat kong isulat sa kaniyang takdang aralin. Nakita kong naghuhubad na siya ng damit pang-itaas, ang mukha niya ay pulang-pula na.
Napa-iling nalang uli ako at tinapos na ang mga takdang aralin niya.
"Kaya mo pa ba?" tanong ko sa kanya.
Itinaas niya ang isang kamay at inilahad ang hintuturo habang ang iba pa niyang daliri ay nakatiklop, sinesenyas na kaya pa niya.
Tumayo siya at kinuha ang mga latang wala ng kalaman-laman.
"Ang bilis mo namang malasing Wendel, iilan palang ang nainom mo" tumingin ako sa sahig at nakita ang walong latang sinusubukan niyang pulutin.
Ginawa ko na ang trabahong gusto niyang gawin, ako na ang pumulot ng mga lata.
Inilagay ko na iyon sa basurahan. Naghubad na ako ng aking sando at ng aking shorts, briefs nalang parehas ang natitira naming kasuotan.
"Matulog na nga tayo Wendel, ayokong buhatin ka pag nawalan ka ng malay" saad ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin ng malaki at humiga na sa kanyang kama, sinamahan ko siya roon at kinumutan ko ang aming sarili.
BINABASA MO ANG
This Feeling Sucks(Completed)
Short Story~A very very short story~ Ang magustuhan mo ang best friend mo ay masakit na sa damdamin pero mas titindi ang sakit kapag alam mong nagkakagusto ka sa hindi mo dapat gustuhin, sa kadahilanang parehas kayo ng kasarian ng ilabas kayo sa mundong ibabaw...