Chapter One: Hill

64 5 0
                                    

"Dean! Tara na!" paghiyaw sa akin ni Wendel ng may ngiti sa mga labi. Sa nagdaang mga taon ay hindi parin ba siya nasasawa sa pagmumukha ko at palagi niya na gusto akong kasama?

Tumingin nalang ako kay Cheska na kasabay ko umuwi ng mga oras na iyon "Sorry Cheska, pero parang hanggang dito nalang kita masasamahan ah, mag iingat ka palagi" paghihingi ko ng paumanhin sa kanya.

Tumingin siya kay Wendel tapos sa akin. Nginitian niya ako at tumango "Wag ka mag-alala Dean, sa bungad ng eskenita na ito ang bahay ko kaya tama lang na hanggang dito mo ako ihatid. Sure akong alam iyon ni Wendel since nakapunta na iya roon" sabi ni Cheska bago kinaway ang kanyang mga kamay "Dito na ako Dean, ingat kayong dalawa" pagpapaalam niya bago niya binaybay ang kahabaan ng eskenita.

Lumapit na ako kay Wendel at inakbayan siya "Ikaw naman, hindi mo talaga mahintay na ma-solo ako ano?" pang-aasar ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin ng may malokong ngiti sa mukha bago ako sinuntok ng mahina sa braso "Siraulo ka talaga!" sabi niya bago tumawa "Eh ever since eight years old tayo eh solo na kita" pagsakay niya sa biro ko na dahilan ng pagtawa ko.

Ewan ko ba, pero pag kasama ko si Wendel ay ang gaan gaan ng pakiramdam ko, siguro sa kadahilanan na rin na matagal na talaga kaming magkaybigan, 10 years na rin kasi ang nakararaan simula ng lumipat sila dito sa amin.

"So saan mo balak na pumunta, Dean?" tanong niya sa akin habang tumitingin siya sa paligid.

Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka "Ha? Eh ako nga ang dapat na magtanong sa'yo niyan dahil ikaw ang nang-imbita eh" pagsagot ko sa tanong niya.

Napatingin naman siya sa akin "Paanong ako eh ikaw nga itong nakaakbay sa akin" pagturan niya.

Ini-iling ko nalang ang ulo ko "Ah basta, di ko alam saan tayo patungo" sabi ko sa kanya.

Napapitik siya at tumingin sa akin "Alam ko na kung saan" sabi niya sabay hila sa braso ko.

Hinatak niya ako hanggang sa makarating kami sa isang burol na walang katao-tao.

Napatingin naman ako sa kanya "Ano naman ang gagawin natin dito?" pagtatanong ko sa kanya.

"Wala lang, uupo at manonood ng paglubog ng araw" sabi niya bago umupo sa isang malaking bato.

Sinamahan ko siyang umupo roon "Ang ganda rito hindi ba?" pagtatanong niya sa akin.

Tumingin ako sa paligid. Malawak na kapunuan ang makikita at maraming iba't ibang halaman ang nakapaligid rito "Maganda nga" pagsagot ko habang pinagmamasdan ang tanawin.

Biglaan nalang may ibinato sa akin si Wendel na ikinagulat ko "Hoy! Nakakagulat ka naman!" paghapyaw ko.

Napahalakhak siya ng makita niya ang kakatuwa kong ekspresyon sa mukha "Tragis, hindi ka pa rin ba nasasanay sa akin, Dean? Sa tagal na nating mag bespren eh nagugulat ka pa rin sa t'wing magbabato ako ng pagkain sa gawi mo?" pagtatanong niya sa akin.

Napa-irap nalang ako at napatingin sa magandang kalawakan ng bundok "Para saan nanaman ba itong chocolate na ito?" tanong ko sa kanya habang sinusuri ang balot nito "Yung paborito ko pa talaga ang binili mo ano?" pagtatanong ko sa kanya nang may ngiti sa aking labi.

Nagkibit balikat lang siya "Gusto lang kitang ilibre, bakit may problema ka ba?" paasar niyang tanong sa akin.

Binuksan ko ang balot ng tsokolate na bigay niya sa akin ng may ngiti "Hindi naman sa may reklamo ako pero... Salamat" sabi ko sa kanya.

This Feeling Sucks(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon