Naglalakad lakad kami ni Cheska sa paligid ng aming paaralan habang hinihintay na lumabas si Wendel ng kaniyang silid.
Una kaming tumungo sa fountian ng aming paaralan at tumambay na panaglitan habang nahiling si Cheska. Naniniwala kasi siya na sa tuwing hihiling siya roon ay natutupad.
Syempre kapag maaring matuoad ang hiling ay talagang matutupad iyon. Subukan mong humiling na umulan ng karne sa fountain, baka hindi kita matantsa.
"Hoy, Dean" tawag ni Cheska sa aking atensiyon. Nakatulala kasi ako sa gumagalw na tubig ng fountain, sinusuri kung gaano karami ang naniniwala sa fountain na ito.
Tumingin ako kay Cheska "Ano yon, Cheska?" taka kong pagtatanong sa kaniya. Hindi ko na namalayan na tapos na pala siyang humiling sa fountain.
Tumingin na muna sa paligid si Cheska. Nang makita niya na walang tao ay agad bumuka ang kaniyang mga bibig "May gusto ka kay Wendel, hindi ba?" pag-uusisa niya.
Tumango lang ako ng dahan-dahan nakatingin sa kanya na may pagtataka sa aking mukha "Oo, gusto ko siya, ano naman sa iyo iyon?" taka kong tanong sa kaniya "Wag mong sabihin na may gusto ka sa kaniya? Gusti mo tulungan kita sa kaniya?" pag-aanyaya ko.
Natawa siya. Iniling niya ang ulo niya "Jusko naman Dean, hindi ko naman aahasin sa iyo si Wendel" saad niya "napansin ko lang kasi, parang enjoy na enjoy niya na humalik sa iyo" sabi ni Cheska "Both sa cheeks mo at sa lips mo" dagdag niya.
Tumango ako dahan dahan "Oo hinahalikan niya ako sa pisngi at labi" sagot ko sa kaniya "pero wala namang kahulugan iyon, kahit nga gusto ko siya ay wala akong nararamdaman sa halik na pinagsasaluhan namin" dagdag ko sa sagot ko.
Napabuntong hininga nalang si Cheska "Ganto nalang, alam ko namang hindi ka naniniwala sa wishing fountain na ito pero eto oh piso" saad niya sabay abot sa akin ng barya "Hilingin mo, na sa susunod na hahalikan ka niya ay may meaning na" sabi sa akin ni Cheska.
Wala naman akong pakialam kung hinahalikan ako ni Wendel nang walang kahit na anong kahulugan. Mas maganda pa nga iyon para sa akin, dahil iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nahuhulogbsa kaniya ng todo. Dahil napapatay non ang nadarama ko kay Wendel.
Mas natatakot ako na kung sakali mang halikan akong muli ni Wendel at iyon ay mayroon ng kahulugan, ay baka mahulog ako sa kaniya ng tuluyan at masira ang pagkakaybigan namin.
Yung magkagusto nga ako sa kaniya kahit alam kong imposibleng magkagusto siya sa akin ay nakakatakot na, iyon pa kayang hilingin ko na magkaroon ng ibig sabihin ang ginagawa ni Wendel?
Ang lahat ng pakahulugan nang kanyang mga ginagawa ay pangkaybigan lamang. Ganon din ako sa kaniya, pangkaybigan lang lahat ng ginagawa ko sa kaniya.
"Kase sa alam mo lang, kung walang gusto sa iyo yang si Wendel, magjojowa yan eh" sabi sa akin ni Cheska habang nabato siyang muli ng piso sa fountain "dapat may jowa na yan matagal na, ni wala nga siyang nasabi na may nagugustuhan or nililigawan siya eh" paglilinaw ni Cheska sa aking isipan.
Ayokong umasa. Walang ganoong ganap. Walang gusto sa akin Si Wendel sa akin. Pero may parte sa utak ko na sinasabing tama si Cheska.
Itinapon ko ang barya sa tubig na may kasamang hiling na kung may gusto man si Wendel sa akin ay ipaalam na niya.
BINABASA MO ANG
This Feeling Sucks(Completed)
Short Story~A very very short story~ Ang magustuhan mo ang best friend mo ay masakit na sa damdamin pero mas titindi ang sakit kapag alam mong nagkakagusto ka sa hindi mo dapat gustuhin, sa kadahilanang parehas kayo ng kasarian ng ilabas kayo sa mundong ibabaw...