Tumingin sa akin si Wendel ng kakaiba, sure na ako na lasing na siya. Tila wala na siya sa kaniyang normal na pag-aasta "May available kayong kwarto?" tanong ni Wendel kay Cheska.
Tumango naman si Cheska "Oo, doon sa guest room sa taas" sabi niya.
Tumango naman si Wendel bago tumingin sa akin "Tara, punta tayo doon" paanyaya sa akin ni Wendel.
Nagtataka man ay sumunod nalang ako sa kaniya. Pagkasara na pagkasara ng pintuan ay agad niyang nilantakan ang bibig ko.
Nagulat man ako sa ginawa niya ay agad akong nakabawi at hinalikan siya pabalik. Alam kong alak ang dahilan nang paghahalikan namin at alam kong maari naming pagsisihan ito kinabukasan pero hindi ko na mapigilan ang nadarama. Sumidhi ito ng halikan ako ni Wendel kanina, mas lalo pang umalab ang nadarama ko ng dahil sa alak.
Inihiga ako ni Wendel sa kama bago nito hinubad ang damit niya. Hinubad niya rin ang damit ko at tinapon kung saan.
Matapos lantakan ang bibig ko ay tumigil siya sa paghalik. Parehas na kaming naghahabol ng hininga.
Nagkatitigan kami ni Wendel. Wala akong nakikitang kahit na anong pagsisisi sa kaniyang mga mata "matagal na kitang gustong matikman, Dean" usal niya, ang boses niya ay medyo mababa sa normal na lakas nito.
Hinalikan niya ako sa leeg na dahilan ng aking pag-ungol "Wendel" ungol ko na dahilan upang mas pag-igihan pa ang ginagawa niya.
Bumaba ng bumaba ang halik niya. Haggang sa ipinasok na niya sa bibig niya ang aking taguro.
-
Nagising akong katabi si Wendel sa kama. Bumangon ako at pinulot ang aking mga saplot na kung saan saan inihagis ni Wendel kagabi. Pinulot ko na rin ang sa kaniya.
Nagbihis na ako, alam ko na hindi magigising agad si Wendel kaya ako na ang nagbihis sa kaniya.
Medyo nag-aalala ako sa maaaring mangyari pero mukhang tama si Cheska, may gusto talaga sa akin si Wendel.
Nagising na si Wendel mga ilang minuto pagkatapos kong gumising.
Kailangan kong makipag-usap sa kaniya. Hindi ko kayang itago itong nangyari kagabi lalo na at biglang umusad ang pagkagusto ko sa kaniya.
Tumayo siya at yumakap sa akin "Goodmorning, Dean" masaya niyang pagbati pero hindi ako sumagor "Anong nangyari?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"nag-isa tayo kahapon, Wendel" sagot ko sa kaniya.
Napabungisngis pa siya "Anong nag-isa? Ano yun?" pagtatanong niya sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako "Nag-sex tayo kahapon, sinasabi mo pa na matagal mo na akong gustong maangkin at matikman, sinabi mo pa na may gusto ka sa akin" sagot ko sa kaniya.
Napabitaw naman si Wendel sa pagkakayakap sa akin "S-seryoso ka ba?" takot na tanong niya akin.
Tumango ako saka tumingin sa kaniya "Sabihin mo, ngayong nahimasmasan ka, may gusto ka ba talaga sa akin?" tanong ko kahit alam kong marami ang mawawala.
Umiling siya ng matindi "W-wala akong gusto sa'yo!" padepensa niyang sagot "Alam mo, kalimutan nalang natin yung nangyari, okay?" tanong niya sa akin.
Umiling ako "Hindi ko malilimutan lahat ng nangyari, dahil ako, may gusto ako sa'yo" sinabi niya sa akin.
"Nahihibang ka na" sabi niya saka labas ng kwarto.
Maaaring malimutan ko ang pag-iisa namin ngunit hinding-hindi ko malilimutan kung paano niya itinanggi ang nararamdaman niya para sa akin at kung paano niya binasag ang puso kong walang ibang ginawa kung hindi ang gustuhin siya.
—Fin—
BINABASA MO ANG
This Feeling Sucks(Completed)
Short Story~A very very short story~ Ang magustuhan mo ang best friend mo ay masakit na sa damdamin pero mas titindi ang sakit kapag alam mong nagkakagusto ka sa hindi mo dapat gustuhin, sa kadahilanang parehas kayo ng kasarian ng ilabas kayo sa mundong ibabaw...