Chapter Ten: Spins

26 3 0
                                    

"Dean, alam ko namang bakla ka pero mamaya sa iyo ako ha" bulong sa akin ni Cheska, o dapat kong sabihin ay sigaw niya sa akin. Masyadong malakas ang musika sa loob ng pamamahay ni Cheska kaya naman hindi kami halos magkarinigan.

Marami rin ang pumunta. Dagsa ang mga kabataan na lasing at sumasayaw sa saliw ng musika, ang iba ay naggigilingan habang ang iba ay kaswal na nasayaw habang nag-uusap.

"Anong ibig mong sabihin don?" tanong ko kay Cheska.

Tinapik niya lang ako sa braso "Basta,  mamaya malalaman mo rin" sabi niya sa akin.

Nang mapuno ang upuang nakapalibot sa amin ay agad na nag anunsiyo ang isa sa mga babaeng nakapabilog. Kasama si Cheska, Wendel at ako sa nasa bilog na iyon "Okay! Guys! Sure naman ako na nakainom na tayong lahat kaya medyo masaya tong game naten!" anunsiyo ng babae.

Naka-ilang laro na rin kami sa lumipas na mga oras. Si Wendel, nakarami na ng inom, buti nalang ay hindi parin siya nalalasing.

"Spin the bottle! Pero pag sainyo tumapat ang bote dapat halikan niyo ang sa tingin niyo ay pinaka-attractive" saad niya.

Napatingin naman ako kay Cheska "Ito ba? Ikaw sakin?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya "wala nama akong nakikitang nakaka-akit na kahit na sino sa kanila, ikaw nalang halikan ko" sabi niya.

Biglang inikot nubg babae yung bote at agad namang tumapat kay Cheska yon "Puta naman" napabunting hininga nalang siya bago ako hinalikan sa gilid ng labi, para magmukang totoo ang halik.

Nagpalakpakan naman sila, kasama na si Wendel.

Si Cheska naman ang nagpa-ikot non at tumapat ito sa isang lalaki.

Nakahalik na ang halos lahat, ako nalang at si Wendel ang hindi pa nakakahalik.

Ako ang unang naturo kaysa kay Wendel "Okay, so! Sinong pinaka-attractive sa circle na 'to para sa iyo?" tanong ng babae.

Hindi naman ako mag-aalinlangan na halikan Si Wendel dahik may iilan naman din na humalik sa kapwa kasarian at lahat naman sila ay game.

Tumayo ako at nakita kong may ngisi sa labi si Wendel, alam niya agad na siya ang hahalikan ko.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Ibamg klase iyon ng halik, iyon ay may kasamang pang-aakit. Hindi ko alam bakit ganong uri ng halik ang nabitawan ko sa labi niya. Marahil siguro ay dahil naaapektuhan na rin ng alak ang isip ko.

"Okay! Si Wendel nalang ang natitira!" usal ni Cheska "Para much better! Takpan natin ang mata natin gamit ang kamay at magbilang ng sampu, mabagal lang ah, sasabayan niyo ako" sabi ni Cheska. Tiningnan niya ako at kinindatan.

Tinakpan na nilang lahat ang mga mata nila, kasama na rin ako. Nagbilang na ng sampu ang nakabilog. Bago pa man magsimula ang pagbibilang ay nakarinig na agad ako ng paggalaw ng upuan.

Tinanggal ni Wendel ang kamay ko sa mga mata ko bago niya ako hinalikan. Hindi iyon tulad ng ibang halik na binitawan niya.

Ang halik na iyon ito ay nag-aaya, tila sinasabing mas gusto pang lumalim ang halikan namin.

Sinubukan kong tugunan ang halik niya na ikinatuwa naman niya. Binukasan niya ang bibig niya para siya ay mapasok ko. Malugod ko namang tinanggap ang paanyaya at ipinasok ang dila ko sa loob ng bibig niya.

Ito ang sinasabi ni Cheska, ang nag-iinit na halik.

Naghalikan kami hanggang sa matapos ang pagbibilang nila. Nagpalakpakan nanaman sila nang makita na ako ang hinahalikan ni Wendel. Napasipol naman si Cheska nang mapansing niyang napakalalim ng halikan namin.

This Feeling Sucks(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon