Chapter Two: Dinner

43 5 0
                                    

Talagang hinatid pa ako ng mokong na akala mo eh babae akong pinipilit siyang ihatid at sundo ako.

"Bakit ka pa nandito?" tanong ko sa kanya habang ang kamay ko ay hinihigit ang strap ng bag ko "Dito ka kakain?" tanong ko sa kanya na paanyaya. Madalas pa sa madalas kung kumain siya sa amin sa kadahilanang madalas siyang walang kasama sa kanilang bahay dahil na rin sa parehas na wala ang magulang niya, parehas silang nasa ibang bansa. Sa katunayan, ang mga magulang niya ang dahilan kung bakit nakapag-abroad si papa kaya malaki ang pasasalamat namin sa kanila.

Ngumiti siya at pumasok na sa bahay namin. Napa-irap nalang ako sa gawain niya pero hindi nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Ma! Na-andito si Wendel!" sigaw ko na dahilan ng paglabas ng nanay ko na nasa kusina.

Ngumiti siya at una pang niyakap si Wendel "Oh Wendel! Ngayon ka na lang uli nakapunta rito ah?" pagbati ni mama kay Wendel.

Iniwan ko na muna silang dalawa sa salas ng aming kabahayan, hinayaan na magkamustahan sila, ayoko ngang maipit sa ganong tipo ng diskusyon.

Umakyat na ako sa aking kwarto at agad na binaba ang bag ko sa sahig, nagtanggal ako ng school uniform at pinunasan ang basa kong katawan dahil sa pawis.

Humiga na muna ako sa aking kama at nagcheck sa social media ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto pero di ko yon pinansin, si Wendel lang 'yon, alam ko.

Narinig kong binagsak niya rin ang kanyang bag sa sahig. Narinig ko rin ang kaluskos ng pag aalis niya ng uniform pero hindi ko narinig ang pagbukas ng aparador ko.

Bigla nalang siyang tumalon sa akin at dinag-anan ako, dahilan upang lumisan lahat ng hangin na naka-imbak sa aking baga at tyan.

"Phuuuuh, jusku ka" pagbuga ko ng hangin sa bibig ko nang bigla siyang tumalon sa akin.

Suminghap ako ng maraming hangin upang mapalitan lahat ng nawala sa akin. Nasa tuktok ko parin siya, nakayakap sa akin at ang ulo niya ay nagpapahinga sa aking dibdib "Anong trip mo, Wendel?" tanong ko sa kanya habang nahigop parin ng hangin.

Iniling niya muna ang ulo bago tumingin sa akin ng may malapad na ngiti "Wala naman" sagot niya sa akin.

Nilapag ko ang cellphone ko sa kama at hinawakan siya sa pisngi na may kasamang sampal "Aray naman!" angal niya. Pinisil ko yung pisngi niya na dahilan ng pagtawa niya at pag-upo sa akin.

Hinaltak niya ang kamay ko papalayo at saka pinatong ang kamay niya sa dibdib ko at nilagyan yun ng pressure, dahilan nanaman para mawalan nanaman ako ng hangin sa baga ko. "Puta ka" sabi ko sabay ng paglabas ng hangin sa baga ko at sabay sa pagtawa ko.

Nagulat ako ng marinig ko ang pinto na bumukas na agad ding sumara "May naabala ba ako?" kabadong tanong ni mama.

Napatingin kami sa isa't isa ni Wendel. Bigla kaming natawa na halos hindi na kami makahinga "Ma! Wala kaming ginagawa!" pagsigaw ko habang natawa.

Tumayo na papalayo sa akin si Wendel at ginawi ang aparador ko para manguha ng damit.

Bumukas uli ang pinto at nakita ko ang nanay ko na nagpapawis at may pilit na ngiti sa labi "Luto na ang pagkain, mga anak. Baba na kayo at kumain na tayo" pag-aanyaya niya saka isinara ang pinto ng aking kwarto.

This Feeling Sucks(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon