"Ang galeng ano? Ang casual niyong dalawa pagmagkasama" sabi ni Cheska habang pinapanood akong maglinis ng suka ni Wendel.
Napatingin naman ako sa kaniya nang may nakataas na kilay "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya.
Ginalaw galaw niya ang kaniyang mga kamay na akala mo ay nagrarap siya "You know? Yung sanay kayong maghalikan kahit na magkaybigan lang kayo?" sabi niya sa akin habang nakatingin sa naka-upong si Wendel.
"Bakit, hindi ka ba nahalik sa labi ng kaybigan mong babae?" tanong ni Wendel sa kaniya, naka-upo lang ito at tila ipinapahinga parin ang ulo.
Napa-isip naman bigla si Cheska "Oo nga ano, humahalik rin pala ako sa labi ng mga kaybigan kong babae" sabi niya. Napapitik siya ng daliri "Pero iba talaga pag sa lalaki eh, patingin daw uli" paghiling pa nito sa amin.
Napa-irap naman ako "Wag ka ngang-" turan ko pero bigla akong hinatak ni Wendel at hinalikan nanaman ako. Mabuti nalang at nakapagsipilyo na siya.
Nakatingin lang sa amin si Cheska "Ayon, ayos na ba yon? O habaan pa namin?" tanong ni Wendel kay Cheska.
Napatingin naman ako sa kaniya ng nakakunot ang mukha "Anong habaan? Nahihibang ka na ba?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin sa akin si Wendel "Ikaw naman yan bro, wala naman akong pakealam kung halikan kita magdamag" sabi niya saka tingin kay Cheska.
Nag-iisip ng malamim si Cheska "Iba talaga pag mga babaeng magkakaybigan yung naghahalikan eh" sabi niya "hindi ko ma-pinpoint yung pagkakaiba" sabi niya bago tumungo sa kusina.
Tumingin naman sa akin si Wendel "gusto mo pa ng halik ko?" tanong niya sa akin.
Natatawa naman akong umiling "Gago ka ba? Nakakakota ka na nga sa paghalik-halik mo sa akin eh" sabi ko nang may iling. Mahirap talagang magkaroon ng kaybigang masyado nang komportable sa iyo.
Pero hindi ko na rin iniisip 'yon. Bata palang kasi ay alam ko na hindi ako purong lalaki, alam rin iyon ni Wendel. Iyon rin nismo ang dahilan kung bakit hilig niya akong halikan sa labi, dahil sa bakla ako.
Bata palang kasi kami ay may nakikita na kaming mga babaeng magkakaybigan na hinahalikan ang isa't isa sa labi. Kaya ginaya naman iyon ni Wendel. Ginagawa niya parin iyon kahit alam niyang may pag-asang magkagusto ako sa kaniya.
May gusto naman talaga ako sa kaniya, pero hindi na umusad ang pagkagusto ko sa kaniya dahil nga sa sanay na ako sa mga gawing ginagawa ng mga magkakasintahan kapag sila ay nag-iisa lamang sa bahay.
Mahilig mag-eksperimento si Wendel, at sumasabay lang ako sa kaniya palagi. Mabuti nalang ay hindi niya sinusubukang magsaliksik tungkol sa sekwal na kagustuhan ng mga lalaki. Dahil kung hindi, alam kong ako nanaman ang gagamiton niya sa bagay na iyon.
Matapos kong malinis ang suka ni Wendel ay tumungo na ako sa banyo, inilagay ko ang mop na ginamit ko sa gilid matapos banlawan iyon.
Nagtungo na kami ni Wendel sa kusina. Inabutan naming naka-upo roon si Cheska, tangan niya ang cellphone niya.
"Kumain ka na ba, Cheska?" tanong ko sa kaniya.
Tumango aiya at itinaas ang kapeng tinimpla niya "pero pakape ako habang hinihintay kaya ha" sabi niya sabay higop sa kape.
Tumango ako at umupo na sa upuan, kailangan ko nang mag-ayos at maghanda sa pagpasok.
BINABASA MO ANG
This Feeling Sucks(Completed)
القصة القصيرة~A very very short story~ Ang magustuhan mo ang best friend mo ay masakit na sa damdamin pero mas titindi ang sakit kapag alam mong nagkakagusto ka sa hindi mo dapat gustuhin, sa kadahilanang parehas kayo ng kasarian ng ilabas kayo sa mundong ibabaw...