Chapter Three: Invitation

37 5 0
                                    

Katatapos lang naming kumaing pamilya kasama si Wendel. Umuwi na ang kaibigan ko matapos kaming makakain.

Naka-upo ako ngayon sa malapit sa bintana kung nasaan ang study table ko, nakadungaw sa bintana habang iniisip ang sagot sa aking takdang aralin.

"Bulaga!" panggugulat ni Wendel sa bintang aking dinudungawan na dahilan ng pagkagulat ko at pagbaliktad ng silyang aking kinauupuan.

"Putris ka!" sigaw ko sa kanya "May pintuan naman! Bakit hindi ka nalang doon pumasok?" asar na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at pumasok sa loob sa pamamagitan ng bintana "Tara sa bahay, doon ka nalang matulog" paanyaya niya sa akin.

Umiling ako at bumalik sa study table "Hindi, nagsasagot ako ng assignments natin, aabalahin mo lang ako doon sa inyo" sagot ko saka bumalik sa pagsasagot ng aking takdang aralin.

Niyugyog niya ako ng marahan. Napapikit nalang ako at napabuntong hininga "You won't stop until I say yes, will you?" pagtatanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin nang may pagkagulat "Wow! Dean, sa sobrang lalim ng tagalog mo, marunong ka pa palang mag-english?! Wow!" manghang turan niya.

Napa-irap nalang ako "Tigilan mo nga ako Wendel sa kalokohan mo" pagsasaway ko sa kanya habang ineempake ang mga asignaturang aking sinasagutan.

Niyakap niya ako galing sa likod habang nagliligpit ako ng aking gamit "Yehey! Papayag na siya!" natutuwa niyang turan sabay halik sa pisngi ko.

Napabuntong hininga nanaman ako at napatingin sa kanya "Talaga ba Wendel?" pagtatanong ko sa kanya "Isang halik pa-" pagsisimula ko pero hindi ko na naituloy nang halikan niya ako sa labi.

Bakit ba ako nagkaroon ng ungas na kaybigan?

Napatingin nalang uli ako sa nililigpit kong gamit habang siya ay nakayakap parin sa akin na parang tuko "Uyyyy! Hindi makapagsalita nung hinalikan ko siya! Nabigla yan?" pang-aasar niya pa sa akin.

"Alam mo, meron ka na talagang topak sa utak, Wendel" turan ko sa kanya. Tumingin ako at nakitang nakatingin parin siya sa akin ng may ngiti. Tinulak ko ang mukha niya gamit gamit ang isa kong kamay "Tang-inis na ngiti yan nakakaloko!" saad ko habang natatawa sa pagmumukha niya.

Bumitiw na siya sa akin. Umupo siya sa kama ko habang pinagmamasdan akong gumalaw sa loob ng aking silid "So, ano pang kukunin mo?" pagtataka niyang tanong sa akin.

Kinuha ko ang sapatos ko sa shoe rack ng aking kwarto at pinagpag iyon ng kaunti, kinuha ko rin ang P.E uniform ko sa aparador ko.

"Friday na bukas kaya kaylangan kong dalhin 'to" sabi ko sa kanya sabay tingin kay Wendel "Wala ka namang extrang ganto diba?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya at pinagmasdan ang dala dala ko "Doon ka na matutulog?" tanong niya sa akin.

Napahagikik naman ako ng tahimik sa tinuran niya "Anong ibig mong sabihin na kung doon ako matutulog? Siyempre naman alangan-namang bumalik pa ako sa bahay ng dis oras ng gabi" sagot ko sa tanong niya.

Napatango nalang siya na parang isang hangal "Sa tutal may point ka naman sa sinabi mo" sabi niya saka tumanaw sa bintana "Tara na?" pagtatanong niya.

Tumango ako at sinundan siyang bumaba gamit gamit ang hagdan na dala dala niya.

This Feeling Sucks(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon