Pumalakpak si Cheska nang makita niyang itinapon ko ang barya sa tubig "So, anong hiniling mo?" tanong niya sa akin.
"Na kung mayroon ka mang maisip na may namamagitan sa amin ni Wendel bukod sa pagiging magkaybigan ay sana tumigil na" pagsusinungaling ko sa kaniya.
Hinampas niya ako sa braso "Alam mo, ang nega nega mo" turan ng babaeng kasama ko "Masaya ka na ba na nagsasalo kayo sa halik na walang pakahulugan?" tanong niya sa akin "kung alam mo lang kung gaano kasarap ang halik na may meaning, yung pagsasaluhan niyo yung init at pagnanasa sa isa't isa" saad ni Cheska bago tumirik ang mga mata niya sa kilig.
Umiling nalang ako "Hinahalikan niya ako, nakakatabi ko siya sa kama kahit na minsan ay naka underwear lang kami, niyayakap niya ako, ayos lang sa kaniya na hawakan ko siya sa kahit saang parte ng katawan niya, ayos lang na nakadagan ako sa kaniya" paliwanag ko kay Cheska "wala na akong mahihiling pa, baka nga alam niya na my gusto ako sa kaniya eh, pero andiyan parin siya, hindi nagbabago ng pakikitungo sa akin, kahit na alam niya pang maaring maypakahulugan iyon sa akin" saad ko sa katabi ko "ayos na ako sa ganong set uo namin, walang nasasaktan, walang nahihirapan, hindi nga umuusad ang pagkagusto ko sa kaniya eh" paliwanag ko rito.
"Hindi umuusad, pero never nawala" pagpapaalala ni Cheska "Hindi ka na umaasa na magkakagusto sa iyo si Wendel pero yang puso mo" sabi niya sabay turo sa puso ko "umaasang may pag-asa ka sa binatang 'yon" saad ni Cheska "Papunta na siya" bigla niyang saad.
Lumapit si Wendel sa aming dalwa ni Cheska. Hindi ko siya nililingon sdahil nasa likuran ko siya. Hindi kayang isipin na pinag-uusapan namin siya habang wala siya rito.
Yumakap ito sa akin at hinalikan ako sa leeg. Ang isang kamay ay nasa kalamnan ko habang ang isa ay nasa parted dibdib ko "Piggyback!" hiling ni Wendel sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako "Antanda mo na pero gusto mo parin na binubuhat ka?" napa-iling nalang ako pero tumayo parin ako at isinakay si Wendel sa likod ko.
Alam ko kasing hindi niya naranasan ang mga ganitong pangyayari nang dahil na rin sa kadahilanang ang kaniyang mga magulang ay nangibangbansa.
Namamangha naman si Cheska sa tagpo. Ang braso ni Wendel ay naka-hang sa harapan ko at ang baba niya ay nakapatong sa ulo ko.
"Sure kayong maglalakad kayo ng naka ganyan" tanong sa amin ni Cheska.
Tumango kaming parehas ni Wendel "Oo naman, bakit hindi?" tanong ni Wendel kay Cheska.
Nakatingin lang siya sa amin habang siya ay tumatayo mula sa kaniyang upuan "Good yan, dapat di niyo iniisip ang sasabihin ng iba" sabi niya, naka-thumbs up ang isa niyang kamay.
Naglalakad na kami papunta ng kantina, gusto na muna naming bumili ng pagkain bago kami umuwi sa kani-kaniya naming mga bahay.
Humarap bigla sa amin si Cheska "By the way, may Friday Night Party pala sa amin mamaya, dapat naroroon kayong dalawa ha" pag-aaya sa amin ni Cheska.
BINABASA MO ANG
This Feeling Sucks(Completed)
Short Story~A very very short story~ Ang magustuhan mo ang best friend mo ay masakit na sa damdamin pero mas titindi ang sakit kapag alam mong nagkakagusto ka sa hindi mo dapat gustuhin, sa kadahilanang parehas kayo ng kasarian ng ilabas kayo sa mundong ibabaw...