Chapter Five: Breakfast

23 3 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng mga ibon at sa liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ng kwarto ni Wendel.

Nakayakap sa akin si Wendel at nakayakap rin ako sa kanya, tulad lang rin ng dati sa tuwing matutulog ako sa kanyang kwarto.

Inalis ko ang pagkakakapit sa akin ni Wendel na mahimbing paring natutulog sa gilid ko.

Umalis na ako ng kama at pumunta na muna sa banyo upang magmumog at maghilamos ng mukha.

Bumaba na ako sa unang palapag at tumungo sa kusina ng pamamahay ng aking tinuluyan sa magdamag.

Naghanap ako sa mga platera ng kusina ni Wendel, mga pagkaing pwede kong lutuin.

'Pancit Canton at itlog, pwede na ito' turan ko sa aking isipan habang nangunguha ng tatlong balot ng pancit canton at ng tatlong itlog.

Nakakita rin ako ng mushroom soup mix kaya ay isinabay ko na iyon sa pagluluto ng aming magiging agahan.

"Dean! Nandiyan ka ba?!" narinig kong isinigaw ng aking nanay, gustong malaman ang aking kinalalagyan.

Lumabas ako sa bahay at nakita kong nakadungaw ang nanay ko sa pultahan ng aming kabahayan. Kumaway ako at tumango "Oo ma! Nandirito ako kina Wendel! Dito na rin ako magbe-breakfast kasi nakapagluto na ako!" pasigaw kong turan sa aking nanay.

Tumumango siya "Sige anak!" saad niya bago pumasok sa bahay.

Pumasok na ako sa pamamahay ni Wendel. Nakita kong bumababa na siya sa hagdan, hinihilot ang ulong tiyak kong sumasakit nang dahil sa marami ang nainom niya kagabi.

"Ansakit ng ulo ko..." angal niya.

Tinignan ko siya "Tukmol ka kase, alam mong may pasok pa tayo, uminom-inom ka ng pagkarami-rami" pagsagot ko sa kaniya "Dyaan, niluto ko na yung mushroom soup na nakatabi diyaan sa cupboards niyo, nagluto na rin ako ng canton at ng itlog" saad ko sa kaniya.

Umupo na siya sa upuan ng lamesa. Ang kaniyang mukha ay nakadukmo sa lamesa, iniinda ang sakit ng ulo.

"Deaaaaaaaaannnnn" pag-ungol niya ng pangalan ko na halatang halatang nasakit ang kaniyang ulo.

Napa-irap nalang ako "Ano? Iinom ka pa kahit na may pasok?" tanong ko sa kaniya.

Tumango naman ang mokong "Oo naman! Walang makakapigil saken—Aray! Deaaaaannn ansakit ng ulo kooo" pagmamalaki niya kahit na kumikirot ang kaniyang ulo.

Magkaroon ka nga naman ng matalik na kaibigan na may saltik sa utak. Kumuha ako ng gamot sa lagayan ng gamot nila at kumuha na rin ako ng malamig na inumin sa ref.

"Uminom ka na ng gamot" utos ko sa kaniya.

Ibinuka niya ang bibig niya saka tumingin sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay "Ano mo ako? Yaya?" tanong ko sa kaniya. Ini-abot ko sa kaniya ang gamot at ang inumin "O ayan, inumin mong mag-isa"turan ko sa kaniya.

"Nubayan! Panira naman 'to sa mood" pag-aangal niya na parang bata, ngumuso pa siya sa gawi ko.

Inilapag ko ang plato niya ng pancit canton na may itlog, naglapag rin akong mangkok na mayroong mushroom soup "Wow ha, ako pa ang dapat mahiya sa'yo?" saad ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako "Salamat, Dean ko" sabi niya saka halik nanaman sa labi ko.

Tumitig siya sa mga mata ko. Napatingin naman ako ng may nakataas na kilay "Nahimasmasan ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

Hinalikan nanaman niya ako sa labi "Oo naman" sabi niya sa akin.

Bago siya sumuka sa damit ko.

This Feeling Sucks(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon