Chapter 00

902 45 8
                                    

Life is not the beginning, deaths is.
-Archteo

WARNING
Any reader who mentions other stories or fictional character that are not created by the author shall be muted.

All rights reserved© archteo2021

All rights reserved© archteo2021

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Must be a happy ending

"Beatrice, hindi ka ba dadalo sa engagement party ng ating katrabaho? Sabay na tayo kung dadalo ka." Nilingon ko si Paul na nagliligpit ng kanyang gamit . Tumigil muna ako sa pagsulat ng mga schedule ko sa susunod na week at sinagot siya.

"Hindi 'e. Alam mo namang madami akong schedule, magpapahinga muna ako sa ngayon." Mukhang na gets niya agad ang sinasabi ko. Agad naman s'yang umalis.

Sinundan ko muna siya ng tingin at ngumiti ng malaki. Sa wakas, makakapag-basa na ako ng walang istorbo. Gusto ko naman talagang umattend sa party kaso, nag-release ngayong araw ang author ng 'Loving the second Prince.' At kailangan ko yung mabasa dahil yun ang huling kabanata ng libro. Bago ako nagsimula ay kumuha muna ako ng aking makakain, Piatos at C2, siguro ay tama na 'to. Inaayos ko naman ang aking pagkaupo.

The plot is very-common at cliche ng story. Pero andoon parin ang part na hindi mo matigilang basahin kasi gusto mo malaman kung ano mangyayari sa bida. But the book is very popular this day kahit ata grade 6 ay nagbabasa nito. Sa sobrang sikat ng novel, ay gusto nilang ipalabas ito sa sinehan.

Isa lamang akong ordinaryong office worker na nagtratrabaho sa company, kapag wala akong trabaho o malungkot nagbabasa nalang ako ng nobela. 3 year's naakong naadik sa 'I love the Second prince. '
Kwento tungkol sa Prinsipe na babaero.
Maraming tao ang nahuhumaling sa kwento, lalo na sa Prinsipe dahil daw gwapo.

Maraming nagkakagusto sa Second prince pero naiiba ako ayaw na ayaw ko sa lalaking 'yon.
Nakararamdam ako ng pandidiri kapag sa kanya nakatuon ang Chapter. Sakim siya sa trono ewan ko sa female lead kung bakit nagustuhan niya yung manipulative prince. Ang mas nakaiinis ay ayaw niya sa babaeng may utak gusto niya yung may sus*.

Hanggang sa may dumating na babaeng bumihag sa kanyang puso kaya na itigil niya na ang pagkakalaban sa crown prince. Hanggang don' palang ang nabasa ko.

Nasa kalagitnaan naako ng chapter nang biglang gumalaw ang gusali. " Lumilindol ba?" Bigla namang sumulpot ang katrabaho ko.

"Owemji! Lumilindol Beatrice."

"Jona, magtago ka sa ilalim ng desk mo!" Dali dali naman akong dumapa, pero anak ng goldfish, nakatayo parin ang kaibigan ko. Nilabas niya ang kanyang cellphone at kinulikot ito.

"Teka lang beh, post ko muna sa social media na lumilindol." Seryoso ba 'to? Mamatay ka na e'

Sasabihan ko pa sana siya ng biglang lumakas ang pag -galaw ng gusali kaya, palakasan nalang ito ng guardian angel.
Sa wakas ay naisipan na niyang' magtago sa desk. "Akala ko magpapakamatay ka na?"

Natawa lang ito sa sinabi ko. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa paa ng mesa ko. Pumikit ako dahil ayaw ko mastress sa kaibigan ko, kaya't inaalala ko ang nobelang gusto kong basahin kaya hinihiling ko kay God na sana hindi ako mamatay sa lindol, dahil nasa 7th floor ako ng building at bago ako mamatay ay matapos ko munang basahin ang libro.

Nanalangin ako sa lahat ng diyos na itigil ang lindol, at tumigil nga. Tatayo na sana ako nang biglaan magsihulog ang mga ilaw sa kisame at ang pader naman ay gumuho. Kaya't na nawalan ako ng balanse, napadaing paako sa sakit ng matama ang aking ulo sa sahig.

"Beatrice! Mamatay na ata tayo dito?"
Rinig ko ang hikbi ng aking kaibigan, medyo malayo s'ya sa pwesto ko, Sinubukan kong abutin siya ngunit nahuli ako. Bigla nalang ako nahulog, mamatay na'ba ako? Kanina lang ay excited pa akong magbasa.

Gusto kong imulat ang aking mata ngunit isang malakas na ilang ang humaharang, hindi ako makagalaw.

"Paki- bilisan n'yo, Beatrice kumapit kalang malapit na tayo sa hospital." Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi.
Ano gwapo, saan? Bakit wrong timing.

"Pa-Paul?"

"Hi-Hindi ko ma-Maigalaw ang mga binti ko." Ganito na ba ako kamanhid. Gusto ko ng matulog, inaantok ako.

"Beatrice, magagamot natin yan, basta ipanganko mo sa'kin na hindi ka pipikit."
Hindi ko maaninag ang mukha ni Paul. Wala naakong makita, bulag na'ba ako? Hindi maaari. Hindi ko manlang maamoy ang nasa paligid ko.

Sa lahat ng diyos nanalangin ako, bago ako mamatay ay malaman ko manlang ang huling kabanata ng librong binasa ko.
Wala na akong maihihiling pa, wala rin' naman akong pamilyang uuwian, wala akong pamilyang maitatawag lumayas ako. Kasalanan ko naman yon' wala akong maisisi.

'Ayaw kong mamatay.' Yan ang huling salitang nasambit at may mga luhang tumulo mula sa aking mga mata.

Bakit ang tahimik- at napaka-dilim?

May liwanag pa bang maghihintay sa'kin?

Huling minuto ng buhay ko bilang Beatrice Zuckerbg.

Ganito ba ang pakiramdam pag patay kana? Para bang' nakalutang ka at ang bango?

Teka, mabango? Sa pagkakalala ko ay wala naakong pangamoy.

"So this is heaven feels like?"

"Lady Leylin?"

"Lady Leylin."

"Hmmm?" Sinubukan kong idilat ang aking mga mata at ikapa ang paligid. Napaka lambot, mabango sobrang bango.
"Peach?" Ipinikit ko ulit ang aking mga mata.

"Walang nagsabi sa'kin na peach kulay ng heaven." Minulat ko ulit ang aking mga mata . Inilibot ko ang aking mga mata puro bulaklak kaya pala napakabango kanina habang nakahiga ako.

Huminga ako ng malalim. "Panaginip lang ata ito " Lahat ng gamit ay halatadong mahal, maibebenta sa halagang million.

"Lady Leylin, magandang umaga. Nag-aalala po ang inyong papa." Napatigil ako sa paglibot ng may magsalitang babae.
Kulay pula ang buhok, na naka Maid costume. Maid?

"Sino ka?" Yumuko ito at lumuhod nang ikinagulat ko. Bago pa siya makasagot ay may pumasok na lalaking may edad at maayos ang uniform na para bang butler.

" Sino kayo?"

" Patawad Lady Leylin, kasalanan ko ang lahat kung bakit nakainom ka ng lason."

Lason? Naguguluhan ako, sino si Leylin? Bakit parang ako ang tinatawag nila.
Madaming sinabi ang Maid saakin pero kahit isa manlang ay hindi ko maintindihan.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng hapon. Dali dali akong naghanap ng salamin, napakaganda ko- hindi ibang tao ito. "Bakit mas mukhang bata ako dito?" Kulay itim ang buhok, mga mata ay napakalinaw na berde . " Normal lang ba ito?" Tiningnan ko ang buo kong reflection.
Mukha akong prinsesa dahil sa suot kong pantulog.

Pumunta ako sa terrace para makita ang kabuohan ng lugar. Iniisip ko kung saang parte ako ng pilipinas. Simula sa pananalita, ibang wika ang gamit nila subalit naiintindihan ko at nakakomunikasyon ako sa kanila. Ang damit na kanilang gamit, para bang nasa kingdom ka. Pero ang tanong ko bakit napaka familiar ng lahat? Mahaba pa ang oras makakapagisip paako .

Lumabas ako ng kwarto. Sa paglilibot ko ay may nakita akong nakasabit na larawan, larawan ng isang pamilya. May lalaking nakasuot ng isang suit na parang heneral. Kulay itim din ang buhok. Babaeng hindi mo maitatawag na matanda dahil sa kutis nito. Nakasuot siya ng magarbong damit. May batang babae din' na kulay itim ang buhok at berde ang mata. Sa ilalim ng larawan may nakaukit na 'Floyn Family.' pagkabasa ko.

Familiar? Floyn Family, ang pamilya ng mga Knight kung saan kumukuha ang mga Royalties ng makakasama sa gyera. Floyn the family of beast.

Napaka imposible pero " I'm inside of a famous novel, Goddddd!"

Must Be A Happy Ending  (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon