Chapter 01

735 44 16
                                    

          I think being extra is not bad.
                           -Leylin

Parang kailan lang ay nagtatrabaho ako sa isang malaking kompanya sa maynila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang kailan lang ay nagtatrabaho ako sa isang malaking kompanya sa maynila. Nagbabasa ng novels, kumanta pag wala akong trabaho. Minsan nakatambay ako sa social media, o kaya matulog nalang ng mahimbing sa kwarto dahil sa pagod. Pero ngayon... mukhang magbabago na ang lahat.

Nag-iisang buwan naako sa mundong 'to ngunit wala parin akong plano kung ano ang aking gagawin. Naghalungkat ako ng mga gamit sa working table ni Leylin- no working table ko. May nakita naman akong isang notebook na maliit, siguro ay diary ito ng dating Leylin. Pagkabuklat ko ay mahahalata mong mahilig siya sa mga halaman, iba't ibang klase ng gamit.

"Ingredients?" Binasa ko ang lahat na nakalagay sa isang pahina. Perfumer, kaya pala ang bango ng kwartong ito.

Balik tayo sa topic kung saan isusulat ko ang aking mga naalala sa kwentong. 'Loving the second Prince.' Simulan natin sa umpisa.

Wren Dues the sadistic second prince, he's handsome pero babaero. Etc.

Iris Vanguard the angelic female lead.

Here comes the villain. Kaito Maximilian Dues,he have a crimson eyes that screams madness. Pati ako ay takot sa kanya. Noong nabubuhay pa'ko as Beatrice, siya ang may madaming fanbase kahit na hindi niya pa pinapakita ang kanyang mukha. Palaging may suot na armor at akala mo susubok lagi sa gyera. And he's the student of my father.

Natiklop ko agad ang notebook na aking sinusulatan ng pumasok si Sia, ang Maid ni Leylin- my maid. "Lady, ayusan ko na po kayo." Binuksan niya ang isang cabinet kung saan nakalagay ang iba't ibang klaseng gown, shoe's hat, bags. May inilabas siyang damit, hindi gaanong magarbo tama tama lang. Haggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa pananamit nila. Paano nila nakakayang suutin ang ganitong damit araw -araw?

I stare at the mirror in front of me. Taking the appearance of Leylin Floyn. Dark hair wavy and smooth, hindi katulad nung akin na kulot at buhaghag pa. Clown. Kulay berde na mga mata. She's really a hottie.

"Napakaganda niyo talaga!" Gigil na wika ni Sia, ngumiti lang ako sa kanya. Siguro nga kung nag-eexist na ang cellphone dito nag selfie na ako at i-post sa Instagram. Sinong hindi mahumaling sa gandang taglay ko ngayon.

" Maistorbo ko muna kayo. Tinatawag na kayo ng Duke at Duchess sa Dinning Hall, Princess Leylin." Napabaling ang tingin ko sa butler na pumasok sa kwarto at agad naman itong umalis.

Sa sobrang laki ng bahay-mansion ay nakailang liko pa kami bago makarating sa Dinning hall. Finally ang sakit na ng paa ko.

I stand straight, chin up and smile. Kaya mo ito Beatrice, alalahanin mo mas nakakatakot ang boss mo nong nasa maynila ka pa. Bago nila buksan ay nagkatinginan pa, this is not a bl okay? The double door opened katulad nung sa frozen, the light from the chandelier seems blocking my view. Jusko, balak ba nilang sirain ang mata ko.

Must Be A Happy Ending  (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon