Chapter 11

294 14 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I would gladly to be the villain if what you really want is to be the hero
- Arthur


William's Pov (Cousin of Leylin)

Napakaganda talaga ng araw ngayon, hindi mahapdi sa balat kung baga ay tama-tama lang. Sabayan pa ng hangin na humahaplos sa aking balat. Nandito ako sa ibabaw ng puno nakaupo, katatapos ko'lang mag-ensayo. Matutulog muna siguro ako. Pipikit na sana ako nang may marinig ako na boses na nangagaling sa ibaba ng puno.

"Hindi ka ba nangangamba, Sia? I mean, lady in waiting ka ni, lady Leylin nasa tamang edad na kayo para pumili ng mapapangasawa." Humikab pa ito at umupo sa gilid ko.

"Alam mo naman na walang karapatan ang isang kagaya ko para pumili ng asawa, siguro dati ay makakapili pa ako sa ngayon, ay hindi na dahil bumagsak ang pamilya namin at hindi na kami kagalang-galang na pamilya." Tiningnan ko naman' ang ilalim nito kung saan sila naka -pwesto, nakita ko ang maid ni Leylin kasama ang hindi familiar na mukha. Babalik na sana ako sa paghiga sa sanga nang marinig ko ang hindi ko inasahang sagot. Dahil don' ay hindi ko maiwasang makinig sa kanila.

"Pero may nagugustuhan ka naman diba? Sia, love is hurricane!" Tumayo pa ang kasama niyang maid at umasta na parang may suot na kapa.

Tumawa naman ng mahinhin si Sia bago sumagot. "Oo naman, meron at hindi ko ikakahiya na nagustuhan ko siya."

"Talaga! Sino?"
"Uhm ano.. ang knight Captain ng Floyn family si Sir William Rhys Floyn!"

Napanganga ako sa aking narinig. Unang beses ko itong narinig, ni isa manlang ay walang nagkakagusto sa'kin kaya nababahala ang papa ko sa aking pagtanda. Nvm. Aatras na sana ako nang biglang nabali ang isang sanga ng puno kung saan ang isang kamay ko ay nakapatong, ngayon ay nakakabit nalang ang kalahati ng katawan ko sa puno.

'kailangan ba talaga itong mangyari?'

"S- Sir Knight?" Napatigin ako sa ilalim at nakita kong nakatitig na silang dalawa halata ang pagkagulat sa kanilang mukha.

"Hi?" Matipid kong bati. Buntong hininga akong tumalon mula sa taas, lumapag naman akong maayos sa harap ng maid ni Leylin kilala bilang lady in waiting.

"Na-Narinig mo ba lahat?" Ngumiti ako at tumango sa kanya. Tumakbo ang kasama niyang maid at naiwan siyang kasama ako kaya't napatawa nalang ako—

"Gusto mo nga ako?"

✿ ✿

Leylin's POV

"Hindi mo ba alam ang salitang kiss? Yung babae at lalaki yung nag-mwa mwa?" Explain ko kay with matching nguso pa. Kanina pa kasi itong nakatulala at namumula. Allergic ba siya sa kagandahan ko?

"A-a-alam ko." Matipid niyang sagot. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay at sinuntok-suntok ang kanyang dibdib. Guard may baliw. "Alam mo naman pala bakit ayaw mo akong i-kiss?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Nilapit ko ang aking ulo sa kanyang balikat nang bigla naman itong tumayo kaya't na out balance ako. Katangahan naman ba? Hinawakan ni Kai ang aking kamay sabay hila papalapit sa kanya kaya nagmumukhang nagyayakapan kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Must Be A Happy Ending  (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon