Chapter 7

337 29 9
                                    

"Ma-Master, are you okay?" Nagaalalang tanong ni Arthur sa'kin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma-Master, are you okay?" Nagaalalang tanong ni Arthur sa'kin. Paano ako magiging okay kung nandito ang lalaking kinatatakutan ko? Ngunit wala naman akong magawa dahil kasama paring ito sa original plot, hindi ko mababago ang lahat maliban sa pag-iwas ko sa aking kamatayan. Gusto ko'lang naman mabuhay ng maayos.

"Announcing Princess Iris Vanguard!" Napatigil ako sa pagalala nang marinig ko ang anunsyo galing sa guard sa labas.

"The main character." Mahina kong wika.

"She's too pretty."

"Nakakaadik ang kanyang pabango."

Kanina lang ay ang crown prince ang kanilang topic ngayon naman ang prinsesa na magiging kasintahan ng second prince.
Dahil anak ako ni marites lumapit ako ng kunti kung saan nakapwesto ang prinsesa.
Tama nga ang hinala kong lalapitan siya ng second prince at magpakilala sa isa't Isa, ang Reyna naman ay tuwang tuwa dahil sa nakikita niya.

Dahil sa mundong 'to kahit ikaw pa ang crown prince kung wala ka fiance ay pwedeng bawiin sayo ang titulo at ipapasa ito sa isa pan anak, sabihin na natin ang second prince ang tinutukoy ko.

Napagisipan kong umuwi nalang dahil wala naman akong mahalagang role sa gabing ito. Habang kami ay papaalis sa loob ng palasyo ay dumaan kami sa hardin at nakita ko ang crown prince na papunta sa loob ng mazed. Huminto ako sa paglalakad ganon din si Arthur.

"Mauna kana sa karwahe may titngnan lang ako." Pagpapaliwanag ko. Yumuko ito at umalis, sinigurado ko munang nakalayo na siya bago ako pumasok sa maze. Hindi naman ang crown prince ang aking pupuntahan kundi isang bulaklak na matatagpuan lang sa loob ng palasyo at sa black market.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sobrang laki pala nitong maze, paano kung ako ay hindi na makalabas? Bahala na si God Fish. Nagtago naman agad ako nang makita ko ang imahe ng crown prince at.... ang bulaklak, hindi ko alam ang pangalan.

Paano kung papatayin niya ako rito sa loob ng mazed? Napapikit ako sa sobrang kaba. Magtatago muna ako sa kabilang si-

"You're not supposed to be here." Napatayo ako sa aking kinaroroonan nang may magsalita mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya at tinaas ang magkabilang kamay.

"Ahhh ehhhh"

"Princess of Floyn family." Malamig niyang wika. Nanagpatindig sa mga balahibo ko.

Mamatay naba ako?

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya.
Lumunok muna ako ng aking laway bago siya sinagot. Kung sasagutin ko siya na hindi ay alam kong hindi siya naniniwala kaya stick tayo sa sinusundan ko s'ya, bahala na.

"Oo." Paano ako mageexplain nito?

"Bakit?" Nilabas niya ang kanyang dalang espada at tinapat sa leeg ko. Jusko, bulaklak lang naman pinunta ko dito. Sa pagkaalala ko ang scene dito ay si princess Iris kung saan mag-aaway silang dalawa bakit naman sa'kin napunta ito.

Must Be A Happy Ending  (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon