"Jamie! Saglit lang." tawag ni Felix kay Jamie habang hinahabol ito. Uwian na nila noon sa school kaya lahat ng estudyante ay naglabasan na sa kani-kanilang room. Hinahanap niya kasi si Jamie at nadatnan niya ito na may nilalagay na books sa locker at may kinuhang ibang book, pero mabilis na sinara nito ang locker at mabilis na naglakad.
"Jamie!" tawag niya uli rito at malapit na siya sa kinaroroonan nito.
Tumigil sa paglalakad si Jamie at unti-unting humarap sa kanya. Makikita sa mukha nito ang kagandahan pero mukha itong mataray at matapang ang tabas ng mukha nito.
"Bakit Felix?" tanong nito sa kanya.
"Huwag ka munang umalis please. May nais akong ipagtapat sayo!" sabi niya.
Nagtaka si Jamie sa sinabi niya.
"Ipagtatapat? Anong ipagtatapat mo Felix?"
"Sumama ka muna sakin! Halika magtago tayo doon!" yaya ni Felix at mabilis na hinila niya si Jamie habang patungo sa fire exit.
Naagaw ang atensiyon ng mga taong naroon dahil sa pagkakahatak ni Felix kay Jamie at daing ng daing si Jamie
"Felix ano ba!" sigaw nito ng nasa fire exit na sila at kumalas sa pagkakahawak ng kamay ni Felix.
"Bakit dito pa tayo nagpunta ha? Ano ba talagang sasabihin mo?" angil nito.
"Jamie!" ani niya na may kinuha sa bulsa niya at inilabas niya ang silver ring. "Jamie, alam mo bang isang taon akong naghintay para sabihin sayo ito, would you be my girlfriend?" sabi niya habang nakahawak sa singsing na tinitingnan ni Jamie. Halatang-halata sa mukha nito ang gulat.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend (On-Going)
Подростковая литератураFelix Buenaventura, Grade 12 student sa St. Stephen's High School, kilalang-kilala siya sa buong campus hindi dahil sa siya ang pinaka-gwapo sa lahat ng mga lalaki sa campus na halos kinagigiliwan ng mga estudyanteng babae doon. Dahil kundi sa mayam...