(Winnie's POV)
"Winnie?"
Teka sino toh?!
May stalker yata ako! From unknown number! Kilala niya ako pero ako di ko siya kilala?!
Naku wala pala akong load pano ko kaya sasagutin to? Di bale huwag ko na lang intindihin baka sina Cyrille at Yvonne lang iyan nanghihiram sa mga kakilala nila maloko lang ako sa text. Ganyan ginagawa nila noon sakin eh. :P Kaya alam ko... :P
Pero mga ilang minuto nag-ring nanaman cellphone ko. Ganung number nanaman ang nag-text...
"Uy sumagot ka naman o!"
Hay ano ba kailangan nito... Huwag ko na nga uling pansinin!
Wala pang 1 second nag-ring nanaman....
"Winnie please!"
Hindi ko nanaman uli pinansin...
Mga ilang beses rin siyang nag-text.... Ganun-ganun rin ang laman ng text messages niya... Dito na ako napuno, teka magpapa-load nga ako.. I checked my wallet kung may pera pa ako, luckily meron pa akong 40 peses na tinipid ko...
Nagtungo na ako sa tindahan at nagpa-load... Syempre GLOBE ang network ko para UNLI diba.
After kong magpa-load umuwi na ako...
Ti-nype ko muna sa text message.... UNLITXT at si-nend to 8888.
Ayun may pang-unli na ako for two days... Kaya for two days lagi load ko para maka-text ko naman si Cyrille at Yvonne.
Ite-text ko muna kung sino naman tong mokong na to na nagte-text sakin.
"Sino ka ba ha? Bakit text ka ng text sakin ha!"
Mga ilang saglit nag-ring uli ang phone ko.
"Winnie its Felix!"
HUWAAAT!!! Si FELIX ANG NAG-TEXT?
"Huh? Ikaw si Felix? Paano mo nalaman number ko!"
Tapos nag-text uli siya....
"Sa facebook mo nakuha ko number mo!"
Oh my! Paanong---- Teka nga mai-check ko uli fb ko.... >.<
Binuksan ko laptop ko at sinilip ko yung info ko sa fb... WAAHHHH!!! Naka-display nga number ko doon.....
Ibig sabihin habang naka-offline siya ay sumisilip pala siya sa fb ko....
Pero kung nasilip siya sa fb ko... Bakit niya ako babarahan ng offline? Wala namang mali sa sinabi ko ah!
"Hoy ikaw! Bakit mo ako binarahan ng offline kanina ha? May mali ba sa sinabi ko?"
Nag-text back naman siya kaagad...
"Napa-isip kasi ako sa sinabi mo kanina eh!"
Napaisip siya kaya siya nag-offline, naku baka galit siya sakin... Kaya niya ako siguro ti-next para siguro sumbatan ako baka sabihin niya bakit ako nangingialam sa buhay niya....
"Sorry sa nasabi ko sayo kanina Felix, pinilit ba kita sa sinabi mo? Sorry talaga!!! Hindi naman kita masisisi kung di mo pa rin siya makalimutan eh... Syempre ang tagal na naging kayo kaya hindi mo siya malilimutan kaagad... Sorry talaga! Choice mo naman yan kung kakalimutan mo siya agad or it will take time!"

BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend (On-Going)
Fiksi RemajaFelix Buenaventura, Grade 12 student sa St. Stephen's High School, kilalang-kilala siya sa buong campus hindi dahil sa siya ang pinaka-gwapo sa lahat ng mga lalaki sa campus na halos kinagigiliwan ng mga estudyanteng babae doon. Dahil kundi sa mayam...