Chapter Six

101 3 3
                                    

(Winnie's POV)

 Akala ko magiging boring ang buhay ko dahil nilipat ako nina mama at papa sa ibang school... Paano naman kasi simula ng pumasok ako sa St. Stephen's High School... Parang iba na buhay ko di tulad sa dati kong school... Wala akong kaibigan... At kung makatingin sila sakin parang ngayon lang sila nakakita ng nerd.. Mukha akong tanga!!!

NERD? That term NERD! I'm not officially a NERD! Wala akong salamin dati!!! Pero dahil sa maghapong babad sa kaka-computer at pagbabasa  ng mga pocketbooks... Eto nangyari lumabo mata ko. 400+ on both eyes... 

And for your info... Kung sa ngayon nerd na ako... Hindi ako tulad ng mga ordinary nerds na tatanga-tanga... Yung boring kausap na kapag kasama mo... Hawak lagi ang libro at yung iba pa minsan babasahin pa ng malakas ang nilalaman ng libro hanggang antukin ang kasama mo... Tsaka hindi ako yung nerd na laging may dalang libro... Yung parating basa ng basa ng pocketbooks... Na hanggang sa school dinadala... Hindi no! Hindi na ngayon! Dati kasi dinala ko iyon at binasa habang nagkaklase yung teacher namin... Muntik ng ma-confiscate... Kaya ayun... Simula noon natuto na ako... Sa bahay na lang ako magbabasa ng pocketbooks pag walang ginagawa... 

I'm a nerd that acts like ordinary people... Kaya nga diba hindi nga ako nerd, wala akong salamin dati!!! Hindi ko pa nga nake-claim yung contact lens ko sa duktor para hindi na ako mag-salamin... Pang-abala lang eh! 

Kung ano ba kasi pumasok sa isip ni papa at kailangan pa akong papasukin sa private school na mahal ang matrikula! Buti na lang nakakuha ako ng scholarship dahil kundi wala...

Mas gusto ko pa dun sa dati kong school, sa "Radar Melancholy High School", andun kasi yung mga true friends ko, tatlo kami, ako, si Cyrille, at si Ivonne. Pero ng pumasok ako sa St. Stephen, parang iba, para akong tangang pinagtitinginan ng mga taong nawi-weirduhan sakin kahit hindi naman ako tanga kung kumilos.

At isa pa, nitong nakaraang linggo hindi pa nakukuha ni mama yung uniform ko kaya naka-civilian clothes lang ako. Kaya pinagtitinginan ako ng mga tao sa suot ko, nothings wrong with how I dress naman eh? Ano bang problema nila at pinagtitinginan ako na parang ngayon lang nakakita ng nerd sa buong buhay nila kahit naman yung ilang estudyante nakasalamin rin na mas panget pa sakin!!

AWW!! Sorry for the word "PANGET" 

Pero ngayon nakuha ko na uniform ko at bukas ko pa susuotin.. Since no assignment for today dumiretso ako sa bookstore para bumili ng bagong pocketbooks... Hanggang sa may nakabanggaan akong isang lalaki.. 

Gwapong lalaki as in gwapong lalaki talaga....  Nakaka-stun talaga ang mga mata niya... Hindi ko alam kung nagmamadali talaga siya kaya nabangga niya ako o wala siya sa sarili niya... But it doesn't matter... Sobrang gwapo niya para magalit ako sa kanya no. Tsaka mukha siyang mabait kamo.... Sana nga siya na lang ang prinsipe ko...  Si Felix Buenaventura... The one and only Felix Buenaventura.... Pag pinagsama ko ang surname ko sa surname niya.... Its "Winnie Villacorta-Buenaventura."

Hahaha ilusyonada naman ako ngayon... Hehehe joke...  Ngayon ko lang siya nakilala no... Hindi ako magpapadala sa gwapo at mabait niyang mukha... Baka nakakubli sa maskara niya ang baho ng ugali niya no... Hehehe...

Well nakalimutan ko palang ipakilala sarili ko... 

Ako pala si Winnie Villacorta... 16 years old... Grade 10 student ngayon sa St. Stephen's High School... Which means Junior High School na ako ngayon... Kapatid ko sina Wilson at Wallace... Si kuya Wilson ang panganay... Syempre si Wallace ang bunso... 

Akala ko magiging boring na ang buhay ko... Pero ngayong nakilala ko na si Felix... Mukhang buo na ang buhay ko...  Naiiisip ko ngayon. Ako kaya naiisip niya rin??? Sana?? 

Saang school kaya siya nag-aaral??? Sa St. Stephen rin kaya??? Kahawig niya kasi yung uniform ng St. Stephen eh... Sayang walang logo uniform namin...  This week kasi may naririnig akong rumour about Felix Buenaventura sa school ko ngayon... Na playboy raw siya at maraming girlfriend... Siya kaya yung Felix Buenaventura na iyon... Mukha naman kasing mabait yun at hindi playboy... Mapanghusga talaga ang mga tao ngayon no... Haist... 

Basta ang gusto ko sa lalaki yung mabait, yung laging may time sakin, yung tanggap ang tunay na ako at yung mahal talaga ako at hindi ako lolokohin... Sana ganun din si Felix...

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Eto na yung simula ng story about Winnie! :)

Anyway enjoy reading... :)

-Mae Alejo

My Nerdy Girlfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon