Chapter Seven

129 3 0
                                    

(Felix's POV)

Hindi mawala sa isip ko si Winnie hanggang ngayon, ewan ko ba kung ano ang meron ang nerd na iyon at hindi siya mawala sa isipan ko ngayon... Pero kakaiba siya sa mga nerd na nakita ko, although makapal ang eyeglass niya, maayos siyang manamit at wala siyang brace... Na-imagine ko tuloy kapag wala siyang salamin... She's beautiful...

I'm walking out of nowhere kasi wala pa yung mga tropa ko sa school at kung andiyan man sila... Tiyak  hindi nanaman nila ako papansinin... Wala rin.... Wala pang isang linggo yung pustahan namin na hindi muna nila ako kakausapin kasi alam nila kailangan ko muna ng space... Ayaw nila kasing umiiwas ako sa kanila kaya eto ngayon.... Why I need to run away from them??? Naupo ako ngayon sa bench... Tingin-tingin sa malayo... Wala namang ibang gagawin eh.... Mga namamataan ko lang mga girls na naglalakad kahit saan... Yung iba... Naghahagikgikan... Naghihiyawan... Yung iba nagchi-chismisan... Hay what are they talking about??? Maybe their topic is all about me again... Iyon naman lagi eh...  Ako na lang ng ako ang topic ng mga babae rito.... Because while they're gossiping, they are glaring at me... Pero napansin kong mukhang masaya silang pinag-uusapan ako.... Maya-maya'y lumapit sila sa pwesto ko... Ngumiti ako sa kanila....

"Hi Felix!" bati nila sakin.

"Hi!" bati ko rin. I'm not snobbish para hindi maging cold ako sa kanila...

"It looks like your alone, would you like to join us?" tanong nila sakin...

"Ah hindi huwag na lang! May hinihintay kasi ako eh!" tanggi ko.

"Well Felix, were a new student here... We heard rumours about you... Pero we don't believe it... Masyado silang judgemental no... Mukha ka kayang mabait..." sabi ng isang girl na pinakamatangkad sa kanila at nag-pout pa...

"Ui ano ka ba? Masyado kang flirt... Tingin mo ba papansinin ka niya... Dapat siya magfi-flirt sayo eh! Ayan tingnan mo ang sama na tuloy ng timpla..." sabi nung isang fat girl sa babaeng kausap ko na sinabayan pa ng siko.... Napansin nila kasi na sumimangot ako... Hindi sa sinabi nung tall girl but rumours about me...

"Bakit ano tingin mo kay Felix huh? Bago-bago natin dito sa St. Stephen napaka-judgemental mo na!" bara nung tall girl.

"Ah tama na yan!" sabi ko naman sa kanila... Ayoko kasing may nag-aaway sa harapan ko lalo na pag mga girls ang nag-aaway... Pag ganyan... Inaawat ko sila in a gentle way...

Ngumiti sila sa akin...

"HOY!" may narinig akong sumigaw sa likod nila.... Nagulat sila at nagtinginan sa mga likod nila.... Tumambad sina Nicko sa harapan namin...

"Ang aga-aga pa'y kalandian na inaatupag niyo!" bara ni Nicko sa mga girls...

"Umalis kayo! Alis! Alis! Alis! Tingnan mong torpe ang tao eh!" taboy niya sa mga babae na agad naman nagsi-alisan....

Hay!!! WHATTA RELIEF!!! 

Bumaling sila sakin...

"Hoy pare! Sino yung mga babaeng yun?" tanong naman sakin ni Hanson.

"Mga new student sila... May tinanong lang..." sagot ko sa kanila... "Teka, akala ko ba wala munang pansinan..." sabi ko sa kanila..

Wala pang one week.... I know yun an

g usapan namin... They won't talk to me for one week... Eh wala pa ngang one week... Etong sila naman eh... Hindi naman pala marunong tumupad sa usapan eh.... 

"Bakit ayaw mo?" malamyos na tanong ni Nicko sakin... Ala-boses Bibi Gandanghari... 

At inirapan pa ako...

My Nerdy Girlfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon