IKASIYAM NA KABANATA

54 5 0
                                    

Kylie's POV
Bumalik na si Kenji ngayon dito sa ospital. Akala ko, unti unti na akong gumagaling sapagkat lumalakas na ako. Ngunit mali ako. Makalipas ang ilang araw ay lalong lumala ang sakit ko.

"Mister and Misis, habang tumatagal, lalo lang pong lumalaki ang gastusin niyo rito sa ospital. Kylie's situation is getting worst." Sabi ng doktor kina mommy at daddy. "Paano pong getting worst e nakakakain naman po siya nang maayos at tsaka malakas  naman po siya, di ba?" Tanong ni mommy. "Misis, in her case, malabo na pong gumaling siya. We tried na magturok ng gamot sa kanya and yet her organs are not cooperating well. Hindi na po nila tinatanggap yung tinuturok naming gamot. Maybe you are not seeing it physically but Kylie wakes up in the middle of the night and vomit all of the medicines na pinainom niyo sa kanya pagkatapos niyang mag dinner. Kapag natutulog na kayo, lumalabas siya and she goes to the balcony para makahinga nang maayos. Her oxygen level is so low. Her blood pressure is not even going back to normal. Lagi siyang lumalabas kapag walang nakakapansin. Even Kenji." Sabi ng doktor.

Tumingin silang lahat sa akin. Pakiramdam ko ngayon ay manghihina na naman ulit ako matapos kong marinig ang lahat nang iyon.

"Kylie, what are you doing? Bakit ganoon? Ayaw mo na bang gumaling?" Tanong ni daddy sa akin. "Dad, gustung gusto kong gumaling kung alam mo o kung alam nyo lang. Pero dad, may mga bagay na mahirap kalabanin. Ang tadhana, minsan mapaglaro, mapagbiro. Hindi mo na mababago. Tingin ko, ito ang nakatakda. Gusto ko pa naman kayong makasama nang mas matagal e pero dad, alam din naman nating lahat na sa kaso ko, sa kondisyon ko, malabo nang mangyari yun." Sabi ko. "Pero pwede naman nating gawing posible yun, di ba? Hindi naman ako o kami  makakapayag na ganoon ganoon na lang. Kasi mahal na mahal ka namin. Hindi ka maaaring mawala nang basta basta." Saad ni Kenji. "I know what brought us together was fate and what will keep us together is destiny. But this time, I am pretty sure that we are no longer in control of what's going to happen to our love story. We are meant to end this way. I don't want you to be stacked to where you are now. I'm giving you the freedom and option to love someone else not because I don't love you anymore but because I wanted you to be happy even if I'm no longer the reason behind your happiness. You don't deserve to stay this way my love. Set me free, let me go. Stop preventing yourself from loving anyone else apart from me. I will never be your "The One That God Allowed" even if "I love you since 2015." Always remember that "I Trust and Love You" that will never change. Maybe "God Gave Me You" for me to realize that there are things na kahit anong pilit mo, hindi talaga aayon sa kagustuhan mo. I'm your  "The One That Got Away". In another life, I can say na, "pwede na" when the stars aligns, we can finally say that we're into each other pero sa ngayon, hindi muna." Sabi ko.

Nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

"Love, paano kung hindi ko kayanin?" Tanong niya. "Alam kong kakayanin mo. Nagagawa mong maging matapang sa harap ko kahit na alam kong maraming beses ka nang napanghinaan ng loob. Alam ko ring sa likod ng iyong matatamis na ngiti ay mayroon kang lungkot na ikinukubli. Lahat yan alam ko pero hindi mo alam na alam ko." Sabi ko. "Ang bilis mo talagang makaramdam." Saad niya. "Ako pa ba?" Biro ko. "Sige, para sa'yo, kakayanin ko. Kahit mahirap." Sabi niya.

"Tara love, pahangin muna tayo para at least hindi ka na mag- isip ng kung ano ano." Aya niya sa akin.

Lumabas kami papunta sa balkonahe para magpahangin.

"Pagkatapos nito, pahinga ka muna ha?" Bilin niya.

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon