UNANG KABANATA

137 10 2
                                    

Kenji's POV
Hanggang ngayo'y patuloy pa ring lumalaban si Kylie sa cancer. Ang ikinakatakot ko, bigla siyang sumuko. Tuwing gagalaw siya, hindi ko maiwasang mag alala...

"Bub, kaya mo? Baka mapano ka." Sabi ko. "Ano ka ba, kaya ko. Minsan ko na nga lang maigalaw ang katawan ko e. Masyado niyo na akong bine baby. Alam ko namang concern lang kayo sa kalagayan ko. Pero love, ilang buwan na lang ang itatagal ko sa mundong to. Alam mo, makakahanap ka pa naman ng iba e. Yung maaalagaan ka. Yung makakasama mo sa pagtanda. Unlike me na malabong makasama mong bumuo ng pamilya. Look at my situation. Nakaratay na ko dito sa kama ng halos isang taon. Love, ayoko namang magdusa ka. Alam kong nahihirapan ka nang alagaan ako. Sa halip na nag aaral ka, nag- enjoy ka, nandito ka sa ospital, nagbabantay ng taong walang kasiguruhan kung hanggang kailan Ang itatagal sa mundo mong ginagalawan. Love, better go home, take a nap. Go to the cinema, bond with your siblings. Nawawalan ka na ng panahon sa pamilya mo dahil sa akin. Nandito naman sila mommy at daddy. Kaya na nila akong bantayan. Go home, I'll be fine, okay, love?" Mahaba niyang paliwanag. "Eh mahal, paano ka? Paano kung may mangyari sayo dito habang wala ako? Hindi kita iiwan dito. Dito lang ako sasamahan ko ang parents mo sa pagbabantay sayo. Alam kong kaya na nila. Pero gusto kong samahan sila sa pagpapalakas ng loob mo habang lumalaban ka." Sabi ko. "Kenji look, ayokong magmukhang mahina sa harap mo. Kaya ko nang lumaban dito kahit na wala ka." Sabi niya. Naramdaman kong unti unti niya akong tinutulak palayo. Pinagbigyan ko siya kaya naman nagpaalam ako sa kanyang mga magulang para umuwi. Hanggang dito na lang ba ang aming pag- iibigan? Umiiyak ako sa loob ng kotse. After hearing those words from the person I love, nanghina ako. How can I live if my reason for living is almost dying? Seeing her situation makes my heart tear apart and break into pieces. Kilala ko si Kylie. Matapang siya. Hindi siya basta bumibitaw. Pero kanina, parang pinanghihinaan na siya ng loob. Parang gusto na niyang sumuko.

Nang makarating ako sa bahay, agad akong kinumusta ni mommy.

"Anak, how's Kylie? Okay lang ba siya? Bakit bigla kang umuwi?" Sunud sunod niyang tanong sa akin. "Ma, Kylie's situation is getting worse. Kanina, she told me na hindi na raw siya magtatagal. And tinutulak na niya ako palayo. Ayaw na niyang ipakita sa aking nahihirapan na siya. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa ba kasi maski ako napapagod na rin po e. Gusto ko siyang alagaan habang buhay pero pilit niya akong itinataboy. She wanted me to be happy by finding another woman to fall in love with. We've been together since high school. Ayoko naman pong tapusin ang lahat nang ganoon ganoon na lang. Nahihirapan ako pero hindi ko pinapakita sa kanya dahil alam kong makakasama sa sitwasyon niya. Pero ma, hinang hina na rin ako. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Malapit na siyang sumuko. Pero heto pa rin ako umaasa na gagaling siya. Kahit na paulit ulit niyang sinasabing hanggang dito na lang kami, nararamdaman kong maraming taon pa ang pagsasamahan namin pero ma, paano kung sa aming dalawa, ako lang ang lumalaban? Dapat na po ba akong bumitaw?" Saad ko kay mommy. "Anak, alam mo, sa kalagayan niya ngayon, mas kailangan ka niya. Maniwala ka sa akin. Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Tsaka dapat iparamdam mong mahal na mahal mo siya. Yun ang isa sa mga maaaring maging dahilan para muli siyang lumakas at lumaban. Sa pamamagitan ng pagmamahal mo. Kapag sumuko ka, baka lalo siyang manghina anak. Isa pa, malay mo pagmamahal mo ang bumuhay sa kanya, di ba? Tiwala lang anak." Sabi niya sa akin. Niyakap ko si mommy pagkatapos naming mag- usap. At tsaka ko naman nilapitan si daddy. "Ayos lang yan anak, magiging maayos din ang lahat. Dasal ka lang." Sabi ni dad sa akin. Napakaswerte ko din dahil meron akong mga magulang na suportado ang relasyon namin ni Kylie mula umpisa hanggang sa malaman nilang may taning na ang buhay ng babaeng iniibig ko. Pero iniisip ko pa rin ang mga huling salitang namutawi sa bibig niya. Paano nga kaya kung malapit nang bawiin ng Poong Maykapal ang kanyang hiram na buhay? May magagawa pa ba ako para iligtas siya sa kanyang Tadhana? May magagawa pa ba ako upang mapigilan ang nakatakda?

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon