IKALAWANG KABANATA

88 7 3
                                    

Kylie's POV
Matagal ko nang tanggap ang mga nakatakdang mangyari. Pilit akong pinaniniwala ng mga magulang ko at ng nobyo kong si Kenji na magiging maayos ang lahat pero alam ko naman sa sarili kong hindi iyon totoo dahil noon pa man, nararamdaman ko nang hindi na ako magtatagal. My parents resigned to their stable job just to take care of me. My boyfriend even gave up almost everything since I told him about my condition. They let me experience a normal life. They let me attend a normal school. But the moment na nanghina ako habang nasa kalagitnaan kami ng performance task sa Physical Education class, muli na naman akong nakulong sa apat na sulok ng puting kwarto kasama ng mga maituturing nating tunay na bayani, ang mga frontliners(Doktor at Nars).

"Ma, umuwi po muna kayo ni dad." Sabi ko kay mommy. "At sino namang magbabantay sayo dito, aber? Anak, pinaalis mo na nga si Kenji tapos pati ba naman kami paaalisin mo rin?" Sabi niya sa akin. I wore my headphones on and listen to one of my favorite songs, Una't huling pag ibig. I can imagine myself singing this song in front of Kenji few hours before I tell him my farewell. Nang makatulog ako, tinanggal ni mommy Ang earphones ko at pinatay ang tugtog. Paggising ko, agad akong inabutan ng pagkain ng isang nurse. Agad ko siyang kinausap. "Hi nurse Hannah." Panimula ko. "Hello, Belle." Sagot niya. By the way my full name is Kylie Belle Enrile. And Kenji's full name is Kenji Jerome Del Valle. "Nasaan po sila mommy at daddy?" Tanong ko sa nurse.  "Naku, umalis sila. Ang paalam nila sa information desk kanina, bibili ang daddy mo ng pagkain sa labas habang ang mommy mo naman, pinauwi muna ng daddy mo para makapagpahinga. Ilang gabi na daw kasi siyang hindi nakakatulog nang maayos." Sagot niya. Tinext ko si Kenji para magpasama dito.

 Tinext ko si Kenji para magpasama dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I am so lucky to have someone like him in my life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I am so lucky to have someone like him in my life. He can understand my humors like no one else can. Hay, sana lahat talaga. Yung taong kahit ilang beses mong itulak palayo sayo, babalik at babalik pa rin sayo. Parang alon.

After almost 30 minutes of waiting, dumating na si Kenji.

"Ano bub, you okay? Kinabahan ako sa chat mo kanina. Akala ko may nangyari nang hindi maganda. Wala pa rin si tito? Akala ko ba bumili lang ng pagkain sa baba? Bakit parang ang tagal?" Tanong niya. "Love, baka sa malayo bumili si dad kaya matagal. Or baka naman kasi umuwi muna para magbihis." Sabi ko. "Ha? E anong kakainin mo? Nagugutom ka na ba?" Tanong niya. "So far, hindi pa naman. Pero malapit na. Kanina pa ako nauuhaw. Tsaka–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong naduwal. Sunud sunod ang naging pagsuka ko at ang ikinagulat ko ay nagsuka ako ng kulay dilaw na likido. Hindi ko malaman kung saan ito nanggaling. Agad humingi ng tulong si Kenji sa mga nars at doktor.

"Tulooooong! Tulungan niyo kami!!" Sigaw niya. Agad na nagsitakbuhan ang mga nars at doktor sa kinaroroonan ko. "Room 610." Saad ng isang doktor.

Pagbukas nila ng pinto, tumambad sa kanila ang napakaraming dilaw na likido na patuloy na umaagos sa sahig.

"Anong nangyari dito?" Tanong ng doktor. "Dok nag- uusap lang po kami tapos habang nag- uusap kami, bigla na lang po siyang nasuka. Nagulat din po ako dahil kulay dilaw yung suka niya." Sagot ni Kenji. "Kylie are you alright? Ano bang huling kinain mo bago ka nasuka?" Tanong ng doktor. "Uminom lang po ako ng juice." Sagot ko.

Bago pa magsalita uli ang doktor, dumating na si daddy.

"O Kenji, bakit nandito ka?" Tanong ni dad. "Tito nagpapasama kasi si Kylie." Sagot niya. "Ah eh ano namang nangyari dito? Bakit ang daming likidong dilaw?" Tanong ni daddy sa amin. "Dad, nagsuka po ako. Uminom po kasi ako ng juice kanina." Pag amin ko. "Di ba bawal sayo ang juice? Belle naman. Bakit ka naman uminom habang wala kami? Alam mo namang hindi pwede di ba? Tingnan mo tuloy nangyari sayo. Wala pa ang mommy mo dito. Magagalit yun sayo. Jusko naman anak. Sa susunod, wag mo nang uulitin ang ginawa mo, ha? Anak makinig ka naman sa amin. Alam naming napapagod ka na sa sitwasyon mo. Gusto mo bang mapaaga ang pagsundo sayo ng puting liwanag?" Tanong ni daddy. "Dad, ayoko na kayong mahirapan." Sagot ko. "At sa tingin mo, kapag nawala ka, hindi kami mahihirapan? Anak naman. Kylie sana naman bago mo gawin kung ano man yung pinaplano mo kanina, naisip mo kung ano ang mararamdaman namin ng mommy mo." Sabi niya. Sabay patong ng pagkain sa lamesa.

Napaisip ako sa sinabi niya. Kung mawala ako ngayon, ano nga kayang mararamdaman ng mga magulang ko? Anong mararamdaman ni Kenji? And I realized, I am surrounded with a lot of people who loves me so much.

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon