CHAPTER 12

60 6 0
                                    

Kylie's POV
Unti unti na naman akong nakaramdam ng sakit. Pakiramdam ko, unti- unti na akong bibigay anumang oras. Nanghihina ako araw araw pero pinipilit ko pa ring lumaban para sa mga mahal ko sa buhay at para sa sarili ko.

"Kylie, you okay?" Tanong ni mommy. "Nah. Ma ang sakit na naman ng ulo ko." Sagot ko. "Uminom ka ba ng gamot??" Tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Anak uminom ka na. Dali na. Kailangan mo to para kahit naman paano, lumakas ka." Sabi ni daddy. "Daddy hindi ko na po kaya." Sabi ko sa kanya. "Anak, kailangan mong kayanin. Hindi pa kami handang pakawalan ka." Saad niya. "Pero dad, kayo lang din po ang nagpapahirap sa sarili niyong pakawalan ako. Alam ko namang mahal na mahal niyo ako at ramdam ko yun. Pero dad, ako po kasi yung mas nasasaktan at nahihirapan ngayon. If I had a choice, I'd love to surrender kaya lang kayo itong may ayaw. Mom, dad, hindi niyo ba napapansin? Kayo na lang tong pilit na kumakapit habang ako, pilit nang kumakalas sa pagkakakapit ninyo." Sabi ko. "Anak bata ka pa. Marami pa kaming pangarap para sayo." Sabi ni daddy. "Mga pangarap na malabong magkatotoo at maisakatuparan dahil sa kondisyon ko. Aminin na natin dad, mahirap malagay sa ganitong sitwasyon. Hindi natin kayang pigilan ang tadhana. Tsaka hindi naman tayo ang nakakaalam kung kailan babawiin ang buhay nating hiram sa Maykapal. It's hard to hold on dad. Lalo na kapag yung kinakapitan mo, hindi nakakapit sayo pabalik or matagal nang bumitaw sayo." Sabi ko. "Anak, mahal mo naman kami, di ba? At alam ko na ayaw mo kaming nakikitang malungkot." Sabi ni mommy. "But mom, sometimes you should learn the art of letting go. If you truly love me, you'll understand. Let us face the truth that I'll not be with you forever. But someday I'll be your guardian angel. And for you Kenji, ilang gabi ka nang nanghihina dahil hindi ka nakakatulog nang maayos. Better get some rest. I'll be fine. In another life, we can do whatever we want." Sabi ko sa kanila. "But love, for now,can you at least be strong for us? Kahit pretend lang. At least makita man lang naming malakas ka kahit isang beses lang. Kahit na minsan lang." Sabi niya. Tumango ako. "Love, lalabas lang ako." Paalam ni Kenji. Bigla akong nakaramdam ng takot. Baka kung anong gawin niya.

Kenji's POV
Pansamantala muna akong lumabas sa kwarto ni Kylie sa ospital at pumunta sa dagat para maglabas ng sama ng loob na matagal ko nang dinaramdam pero walang nakakaalam.

"Bakit?! Bakit kailangang magdusa ni Kylie nang ganito, ha? Bakit?! Ano bang kasalanan niya sayo? Bakit mo siya pinarurusahan ng ganito? Sagooot! Alam mo ha? Ang di ko maintindihan kung bakit kailangan pagdaanan lahat ng ito. Bakit nahihirapan siya ng ganito? Hindi niya deserve to sa totoo lang. Sobrang layo na ng personalidad niya dati sa personalidad niya ngayon. Masayahin naman siya dati pero ngayon, biglang nagbago ang lahat. Bigla siyang nanghina, naging mainitin ang ulo, tapos minsan naman okay siya minsan hindi. Ano bang problema? Sabihin mo sa akin, anooooo??!" Sigaw ko habang patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata. "Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. Nahihirapan na akong makita siya sa ganoong kondisyon kasi ako yung nahihirapan para sa kanya. Hindi naman sa nagrereklamo na ako pero kasi nasasaktan na ako e. Nasasaktan ako para sa kanya. Kasi nakangiti nga siya ng matamis pero sa likod ng kanyang mga ngiti ay ang nararanasan niyang pait. Pwede bang ako na lang, ha? Pwede?" Sigaw kong muli habang patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Napaupo ako sa buhangin habang umiiyak. Pagkatapos ay naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin na yumakap sa akin. Bigla akong kinabahan noong mga pagkakataong yaon. Napatakbo ako pabalik ng sasakyan at agad ko itong pinaharurot ng napakabilis. Pagbalik ko sa ospital, nakita ko silang nagkumpulan sa kama ni Kylie at rinig na rinig ko ang kanilang mga pagtangis. Sa sobrang takot ko, dahan dahan akong lumakad papalapit sa kanilang kinaroroonan. At nakita ko ang ventilator na nagiging flat. Hanggang sa pilit na nagsalita si Kylie at kinausap ako.

"Take care of yourself. Never let anyone hurt you. Always guard your heart. I'll always guide and love you no matter what. Thank you for taking good care of me, love. Now, it's time for you to have time for your family and yourself. I love you, bubby. Always in all ways." Sabi niya at tsaka niya ipinikit ang kanyang mga mata. And after that, all the alarms went off and all the doctors and nurses came in and they let us go outside for awhile while they checked Belle's vital signs and all. Sa mga sandaling iyon, nakaramdam ako ng matinding takot. Nakaramdam ako ng matinding pag-aalala. I really was so scared of what's going to happen to her. If she's going to survive or not. I started surrendering everything to God hoping that my prayer will be heard. Pagkatapos ng labinlimang minuto ay narinig namin ang isa sa pinakamasakit na salita mula sa mga doktor.

"Time of death, 06:10 pm." Wika ng isa sa mga doktor na nasa loob. At kasunod nito ang sunod sunod naming pag- iyak. "Belle!!! Kylie!! Noooo! Kylie!!!" Paulit ulit kong sambit. Nagbabakasakaling kapag narinig niya ang boses ko, she will come back to life. But no. Kahit mamaos na ako kakasigaw ay hindi pa rin nagkakamalay ang taong mahal ko. Totoo nga ang sinabi niya. Baka nga hindi talaga kami nakatadhanang magsama sa ngayon. Maaaring nakatadhana kaming magsama sa susunod na habang buhay.

A/N: That's the update for today. Happy eleven eleven. I hope you liked it. We're halfway through the Epilogue. Konting push pa. Malay niyo matapos tayo sa 12.12. Make a wish. Hehe. Thank you for waiting and supporting. Till my next update. Good night, everyone! Keep safe and God bless!

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon