IKAWALONG KABANATA

65 4 0
                                    

Kylie's POV
"Love, please take me back to the start." Saad ko. "Let me court you for the second time around then." Saad niya. "Are you willing to wait?" Tanong ko. "Yes. I am always willing to wait for you no matter how long it takes." Saad niya.

Napakaswerte ko dahil mahal na mahal ako ng taong mahal ko. Hindi ko inakalang mamahalin ako ng isang tao sa kabila ng karamdaman ko. Hindi madaling magmahal ng taong may sakit pero bilib ako sa kanya dahil nagawa niya akong mahalin nang walang pag- aalinlangan.

"I will always love you no matter what happens. I will always choose you over anything. You are my one and only happiness." Saad ni Kenji. "Thank you for that. I didn't imagine that someone would fall for me despite my condition." Sabi ko. "Of course. Sino ba namang di maiin-love sayo? Ang ganda mo, ang bait mo, maalaga." Sabi niya. "Maalaga? Parang mali naman yata. Ako nga yung inaalagaan tapos maalaga?" Sabi ko. "Maalaga ka pa rin naman. Kasi the fact na ayaw mo kaming napupuyat dahil sa pagbabantay sayo, that's your way of showing care for us." Sabi niya. "Pero can you take me back to the start? Where everything was alright?" Sabi ko. "Sure. No problem. Sandali lang lalabas lang ako para bumili ng sunflower sa labas." Sabi niya. "Bakit? Anong gagawin mo sa sunflower?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay nagtungo agad siya sa pinto at umalis.

Naiwan akong tulala. Ano kayang gagawin niya? Anong mga plano niya???

After 15 minutes.....

"I'm back. Bulaklak para sa aking paboritong binibini." Saad ni Kenji. Agad ko itong tinanggap. Ang bulaklak ng Mirasol.

"Teka nga lang, alam mo ikaw, ang dami mong mga paandar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Teka nga lang, alam mo ikaw, ang dami mong mga paandar." Sabi ko. "Basta para sa'yo." Sabi niya. "Salamat. Maraming salamat." Sabi ko. "Mabuti pa, kumain ka muna pagkatapos tsaka ka magpahinga." Sabi niya. Agad niya akong tinulungang makaupo at kumuha siya ng pagkain sa refrigerator.

"Kumain ka na." Utos niya sa akin. "Hindi mo ako sasabayan?" Tanong ko. "Hindi pa ako gutom, bub. Okay lang ako. Kumain ka na. Bibili na lang ako ng pagkain ko jan sa labas mamaya." Sagot niya. "Sigurado ka? Pwede kong sabihan sina mommy na magdala ng mas maraming pagkain mamaya para share tayo." Sabi ko. "Hindi na, okay lang." Sabi niya. "Sigurado ka ba? Kasi okay lang namang—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Sinabi ko naman sayong okay lang, di ba? Bakit ba ang kulit mo? Alam mo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang lumakas ka. Nahihirapan na akong palakasin ang loob mo kasi punung puno na ako. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin lahat ng to para sayo kasi sa totoo lang, alam mo, nakakapagod na. Hindi ko na alam kung kaya ko pang magpanggap na malakas sa harap mo." Sabi niya. Nagulat ako dahil hindi ko akalaing ganoon ang mga salitang maririnig ko mula sa kanya.

"Pagod ka na? Sige. Papayagan kitang magpahinga muna. Wag muna tayong mag-uusap ng ilang araw para makapagpalamig ka. Alam kong hirap na hirap ka na. Sorry kung nahihirapan ka na dahil sa akin. Sorry kasi problema ang dala ko sayo. Sorry kasi hindi mo magawa ang mga bagay na gusto mong gawin dahil madalas kang nandito at binabantayan ako. Sorry kasi may taning na ang buhay ng taong pinili mong mahalin. Alam ko marami ka pang pangarap na gusto mong matupad kasama ako pero dahil sa kondisyon ko, Hindi mo magawa kasi pakiramdam mo, responsibilidad mong alagaan ako. Alam mo sa totoo lang, mga magulang ko naman ang may responsibilidad non at hindi ikaw. Sana nung una pa lang, hindi mo na lang ako minahal para hindi ka na nagdurusa nang ganito. Problema lang naman ako sayo. Okay lang kung iwanan mo na ako. Maiintindihan ko naman kasi pakiramdam ko rin pabigat lang ako sayo. Kahit hindi mo sabihin sa akin nang harapan, marunong akong makiramdam." Sabi niya. "Matigas lang ako sa labas pero sa loob loob ko, bub durog na durog na durog na ako. Kasi alam mo, ha? Alam mo? Tuwing nahihirapan ka, gustung gusto kitang yakapin at sabihin sayong okay lang pero hindi ko magawa kasi hindi pwede dahil pag lumapit ako, bub sasabihin nila sa aking wag muna akong lumapit dahil baka matalsikan ako ng kung anong gamot na tinuturok sayo para lang hindi mo gaanong maramdaman yung sakit. Kung pwede ko lang saluhin yang sakit mo, ginawa ko na. Aalis muna ako. Pupunta ako sa balcony. Magpapalamig. Babalik na lang ako mamaya o bukas." Paalam niya.

So far, yun ang pinakamalalang away naming dalawa. I never knew that he felt that way. Medyo na- guilty ako dahil inaway ko siya through letting him eat kahit na hindi pa naman niya gustong kumain. Dapat pala hinayaan ko na lang siyang kumain kung kailan niya gusto..

Few minutes later, dumating sila mommy at daddy.

"Anak, nasaan si Kenji?" Tanong ni mommy. "Lumabas po." Sagot ko. "Bakit?" Tanong ni daddy. "Nag- away po kami. Sinabihan ko po kasi siyang kumain muna tapos po ayaw niya. Pinilit ko kaya ayun nagkasagutan kami." Sabi ko. Ganoon? Hayaan mo muna siyang magpalamig. Babalik din siya mamaya hintayin na lang natin." Sabi ni mommy. "Kasalanan ko rin po kung bakit kami nag- away. Kung Hindi ko po siya pinilit kumain e di sana maayos kami ngayon. Okay lang po. Kain na lang po muna tayo." Aya ko sa kanila. Ilang sandali pa, bumalik na si Kenji. "Bub, okay ka na ba? Gusto mo na bang kumain?" Tanong ko. "Hindi pa. Uuwi na lang ako. Sa bahay na lang ako kakain. Tita, tito, babalik na lang po ako next week." Paalam niya. "Sige, mag- iingat ka, Kenji." Sabi ni mommy. Tumango siya bilang sagot.

Ito ang pinakamatinding away namin. Hindi pa naman kami umaabot sa pisikalan. Baka maghiwalay na kami nang tuluyan kapag nangyari yun.

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon