EPILOGUE(Part 1)

66 5 0
                                    

Kathryn Luna Belle's POV
After 5 years...
Kenji and I have been in a relationship for two years now. He courted me for one year.  Well nung una hindi madali. Kasi naman he's still in the process of moving on from the sudden death of his girlfriend. Pero after a year, siyempre maraming nagbago, maraming nangyari.

Nalaman kong ampon lang ako at ang tunay kong magulang ay ang magulang ni Kylie. Kambal kami pero ipinaampon ako dahil hindi nila kami kayang buhayin noon. Sabi sa akin ng Foster parents ko, nasa pilipinas din ang tunay kong magulang. Pero hindi nila ito kilala. Nung unang beses akong makabalik sa pilipinas, bumisita kami sa puntod ng kapatid ko. Sa kapatid kong minsan ding minahal ng taong pinakaminamahal ko. Kaya siguro mabilis na naging malapit ang loob sa akin ni Kenji ay dahil talagang nakikita niya sa akin si Kylie. We really are sisters.

Ngayon ay ang kanyang fifth death anniversary at muli namin siyang binisita. Kasama kong bumisita ang mga tunay kong magulang.

"Hi Kylie! I'm Luna, your twin sister. Yes, we're twins but we got separated when we were young. Sayang nga hindi kita nakilala bago ka nawala. Kung nakilala  sana kita ng mas maaga, sana mas nagkaroon tayo ng bonding moments. Sayang talaga. Belle, I mean Kylie, patawad. Patawad dahil minahal ko rin ang lalaking pinakaminamahal mo. Patawad kasi ako na yung kasama ni Kenji na tutupad ng ma pangarap niyo." Sabi ko. Bigla akong nakaramdam ng isang malamig na hangin na nakayakap mula sa aking likuran. Bigla akong nakarinig ng boses ng isang dalaga. Kaboses na kaboses ko. At sinabi niya ang mga katagang, "matagal ko nang alam na magkapatid tayo. Hindi mo rin kailangang humingi ng patawad sa akin dahil na- fall ka kay Kenji. At least ngayon, hindi na siya takot magmahal ulit ng iba pagkatapos kong mawala. Alam mo, first time ko uling makita si Kenji na ganyan kasaya dahil sayo. Salamat sa pag- aalaga at pagmamahal mo sa kanya. Ikaw lang ang nakakarinig sa akin. Ikaw lang din ang nakakausap ko ng ganito."

I started looking for the place na pinanggagalingan ng boses. Nung lumingon ako sa kanan ko, nakita ko ang isang babaeng kamukhang kamukha ko na nakasuot ng puting floral dress. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya. "I'm Kylie. Your long lost sister." Sagot niya. "Oh my gosh paano nangyaring nandito ka? Death anniversary mo ngayon. Alam ko namang isang taon ka nang patay alam ko rin namang mahal mo si Kenji at baka gusto mo siyang dalawin at kumustahin pero wag mo naman akong takutin." Sabi ko. "Kathryn ano ka ba. Hindi kita tinatakot. Narinig ko lang na kinakausap mo ako. Kaya nakiusap ako kung pwede akong pumunta sayo. Wag kang mag alala ikaw lang ang nakakarinig at nakakakita sa akin tsaka wag kang matakot. Naka- freeze tayo. Walang ibang nakakaalam na nakikita mo ko. At walang ibang dapat makaalam nito." Sabi niya. Tumingin ako sa aking paligid upang masigurong totoo ang sinasabi niya. Labis akong nagugulat sa mga nangyayari. Totoo ngang nakahinto ngayon ang oras. "Naninjwala ka na ba sa sinasabi ko?" Tanong ko. "Oo. Totoo nga talaga. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit sa akin ka nagpapakita? I mean pwede namang Kay Kenji. Di ba?" Sabi ko. "Pag nagpakita ako kay Kenji, iisipin niya, ikaw ang kausap niya. Kasi siyempre matagal na akong wala sa mundong inyong ginagalawan kaya malamang ang iisipin niya, ikaw lang ang kausap niya at pinagtri tripan mo siya." Sabi niya. "Alam mo, sana nandito ka na lang para makita natin ang magiging reaksyon niya kapag nakita ka niya ulit." Sabi ko. "Bakit pa? Para saan pa? Baka isipin niya tinatakot ko siya. Tsaka wag kang mag- alala. Binabantayan ko naman kayo. Sinisiguro ko na okay kayo. Nakabantay lang ako parati. Hindi ko kayo pababayaan. Pakisabi kay mommy at daddy miss na miss ko na sila. Tsaka mahal na mahal ko kayo." Sabi niya. "Sana may cellphone na lang sa langit, 'no para kahit araw araw tayong mag- usap okay lang." Sabi ko. "Pwede mo naman akong kausapin anytime e. Tsaka sabihin mo kay Kenji, alagaan ka niya kagaya ng pag- aalaga niya sa akin. Kampante naman akong hinding hindi ka niya sasaktan, paiiyakin at pababayaan. Ibang klase magmahal si Kenji. Nawitness yan nina mommy at daddy nung maging kami ni Kenji nung fourth year high school. Basta alagaan niyo ang isa't isa. Siguro magpapakita na lang ako sa kasal niyo. Alagaan mo ang taong mahal ko. Ingatan mo siya. Mga bagay na hindi ko nagawa noong ako'y nabubuhay pa dahil sa sakit ko. Siguro ngayon masasabi ko nang panatag na ang kalooban ko dahil alam kong nasa mabuti nang kalagayan si Kenji. Salamat at ikaw ang nagustuhan niya. Nahihirapan akong makatawid sa kabilang buhay dahil nahihirapan akong iwanan ang mga taong mahal ko dito sa lupa pero wag kang mag- alala. Ngayon, alam kong magaan na ang kalooban kong aalis sa mundo dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko ang mga taong pag- iiwanan ko sa mga taong pinakaminamahal ko. Salamat, kapatid. Hanggang sa muli nating pagkikita."

Pagkabitaw niya ng mga salitang yaon, bigla siyang naglaho.

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon