IKATLONG KABANATA

83 7 5
                                    

Kenji's POV
"Tito, she vomited awhile ago tapos po nagulat din ako kanina nung nakita ko na kulay dilaw yung suka niya." Sabi ko. "She lost a lot of blood. Halos wala na siyang red blood cells dahil sa pagsusukang iyon." Sabi sa amin ng doktor. "Pero dok ngayon lang naman siya nagsuka ng ganyan." Saad ko. "Kenji maaaring hindi mo or hindi niyo napapansin. Kaya maraming dugo ang nawala dahil hinang hina na siya kanina. Ilang beses na rin to sigurong nangyari pero walang nakakaalam. Pag nagkamalay siya, subukan nyo siyang tanungin." Saad ng doktor. Posible nga kayang nangyari na ito ng ilang beses pero hindi ko alam? "Sige mauna na ako. Kailangan ko pang i- check ang iba pang mga pasiyente." Paalam sa amin ng doktor. "Tito ano pong ibig sabihin ng doktor kanina? Posible po kayang nangyari na to nang maraming beses pero hindi natin alam?" Tanong ko. "Alam mo, nangyari na yan minsan noong wala ka. Naalala mo nung araw na pinauwi ka niya? Madaling araw noon, bandang alas dos, may narinig tunog ng faucet, nagtaka ako kasi nakatulog kami ng tita mo. Nung tinignan ko siya sa hospital bed, wala siya. Then when she came out from the comfort room, I saw a blood on her lower lip. Then I asked her. Sabi ko ano yan? Ang sagot niya, wala to dad, I wiped it using my hand and then I went to the comfort room. Nalaman ko lang na dugo yun nung inamoy ko siya." Paliwanag ni tito. I was shocked. Nangyari na pala to nang hindi ko alam. Sobrang payat na ni Kylie ngayon maaaring dahil na rin sa kadahilanang hindi na siya nakakakain nang maayos. She lost her desire to live. Pati tuloy ako ay nanghihina na rin tuwing nakikita ko ang kanyang sitwasyon.

"Kailangan nating magpakatatag para sa kanya." Sabi ni tito sa akin. "Pero tito, paano tayo magpapakatatag kung siya mismo, unti unti nang sumusuko? Kakayanin ba nating lumaban para sa kanya kung siya mismo pasuko na?" Sabi ko. "Magtiwala ka lang, kakayanin natin to. Kakayanin niyo tong lampasan. Kahit kalaban niyo ang tadhana, pwede niyo pa rin ituloy ang pag iibigan ninyong dalawa. Kung pipiliin niyo Ang isa't isa kahit mahirap, ang importante masaya. Wala namang perpektong relasyon. Lahat tayo maaaring magkamali. Pero ang mahalaga, kahit ilang beses pa siyang magkamali, pipiliin mo pa ring magpatawad. Kaya ikaw, wag ka munang bumitaw at sumuko. Bagkus, dapat mo pang palakasin ang loob mo. Kung nanghihina ka na kagaya niya, magpahinga ka. Pero siguraduhin mong babalik ka. Bumalik ka para sa kanya. Nang sa gayon, makita niya na kahit sinukuan na niya ang kanyang sarili, may taong hinding hindi siya susukuan anuman ang mangyari." Saad ni tito. Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang mga katagang iyon. Halos parehas sila ng mensaheng nais iparating ng aking ina. At ang mensaheng iyon ay ang huwag sukuan ang taong pinakaminamahal ko. "Salamat po. Salamat po sa pagpapalakas ng loob ko." Saad ko. "Kami ng tita mo, napapagod din pero pinipilit naming maging malakas para kay Belle. Kylie is our only child. Kung susuko kaming mga magulang niya, kanino siya kukuha ng lakas at tapang, di ba? Kaya pilitin mong maging malakas para sa kanya." Sabi ni tito. Habang nag- uusap kaming dalawa ni tito Kyle, nagising si Kylie. At sakto namang dumating si tita Beauty. "Dad, did I lost my consciousness again?" Tanong ni Kylie. "Yes.  You were with Kenji when it happened. After you kept on vomiting, you suddenly lost your consciousness and you gained it back just now." Sabi ni tito kay Kylie. Agad napatingin si Kylie sa akin. She uttered, "Thank you..." Kahit mahina ang kanyang pagkakabigkas ramdam ko ang kanyang sinseridad sa pagpapasalamat. Tama nga si tito, mas kailangan kong maging malakas para sa kanya. Bigla akong pinalapit ni Kylie sa kanyang kama upang yakapin. Siniguro ko munang komportable siya sa kanyang posisyon. "Bub, thank you for not giving up. I know you almost gave up on me. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman kong muntik ka nang sumuko. Muntik ka nang bumitaw. Hayaan mo, bub. Magpapalakas ako para sa iyo at para kina mom and dad siyempre at tsaka sa sarili ko. Love, may pagkain ba jan? Samahan mo naman akong kumain, please." Pakiusap ni Kylie. "Sure ka ha? Baka mamaya ipagtabuyan mo na naman ako." Sabi ko sa kanya. "No bub, I want you to stay with me until tomorrow. And I wanted to say sorry to you kasi naputol yung pag- uusap natin earlier dahil sa pagsusuka ko. Sorry talaga." Saad niya. "Ayos lang yon." Sabi ko naman sa kanya. "Sa akin hindi ayos yon. Nag- uusap tayo tapos sa gitna ng pag- uusap natin bigla akong nasuka? That is not really a good one. Let us continue that unfinished conversation now." Sabi niya sa akin. "Ano bang gusto mong pag- usapan natin?" Tanong ko. "Sabi ko kanina nauuhaw ako. Baka pwedeng uminom muna ako ng tubig, bub." Saad niya. Agad ko siyang inabutan ng isang basong tubig. Agad naman niya itong ininom. At pagkatapos nun ay itinuloy namin ang aming naudlot na pag-uusap.

"Ano bub, okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Okay na ako, bub. Salamat. Salamat na rin sa pagbantay sa akin kanina habang wala sila mommy at daddy. Baka hindi ka pa kumakain. Kumain ka muna." Sabi niya sa akin. Agad naman akong nagpaalam pansamantala para bumili ng pagkain sa labas. Pagbalik ko, sabay kaming kumain ni Kylie ng tanghalian.

(Play a chorus part of the song Make it to me by Sam Smith while reading this part. Which says, "And I want you to know that by the way she's safe with me.")
"O iiwan muna namin kayo, ha? Kukuha lang kami ng damit sa bahay. Mag- iingat kayo dito, ha? At if ever na maulit yung nangyari wag naman sana, 'no? Tumawag agad kayo para hindi kami magulat, ha?" Sabi ni tita. "Opo. Ako na pong bahala kay Belle. Ingat po kayo pauwi." Paalam ko sa kanyang mga magulang.

"O alam mo na, alagaan mo ko habang wala sila." Sabi ni Kylie. "Meron man sila o wala, aalagaan at mamahalin pa rin kita." Sabi ko. Dahilan para kahit paano'y masilayan kong muli ang kanyang ngiti. "O ayan, sa wakas ay nakangiti ka na rin." Sabi ko. "Don't lose that smile of yours, Mi Amor." Sabi ko. "I won't, as long as we're together." Sabi niya. Matapos kaming mag- usap, sabay na kaming natulog.

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon