CHAPTER 11

58 7 0
                                    

Kenji's POV
Today, we "almost" lost Belle. But thanks God because the doctors and nurses were able to revive her.

"Dok, thank you po sa pag- revive sa anak namin." Sabi ni tito sa doktor. "Wala pong anuman. Pero kailangan na po nating maghanda. Dahil sa oras na muling maulit ito, magiging mas mahirap na po para sa pasyente ang makaligtas lalo na po ngayon na nasa kritikal na po siyang kalagayan." Saad ng doktor. Nagulat ako. Sa mga pagkakataong yaon, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nagulat ako. Dagli akong tumakbo palabas sa kwartong kinaroroonan ng taong mahal ko. Kasabay ng aking pagtakbo ay ang patuloy na pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata.

Siguro nga talagang kailangan ko nang matutong tanggapin na marahil ay hanggang dito na lang ang lahat.

"Kenji." Tawag sa akin ni mommy. Nalaman din nila ang nangyari kay Kylie. "Ma." Saad ko. "Anak how's your girlfriend now?" Tanong ni daddy. "Okay na ba siya?" Tanong ni mommy. "I hope so, mom. Sana nga okay na siya pagkatapos nito pero malabo." Sabi ko sa kanila. "Malabo? Bakit? Ano bang—" Bago pa tuluyang matapos si daddy sa pagsasalita, nagsalita na ako. "Pag naulit pa ang ganitong insidente, malabo na... I mean, may chance na hindi na siya makaligtas at baka tuluyan na niya tayong iwan at iyon ang ikinakatakot kong mangyari." Sabi ko. Bigla silang natahimik sa gulat. Muntik pang mawalan ng malay si mommy nang malaman iyon. Alam niya kung gaano ko kamahal si Kylie at alam niyang hindi ko kakayanin kapag nawala siya.

"Ma, okay ka lang?" Tanong ko. "Anak natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Alam ko kung gaano mo kamahal si Kylie at kapag nawala siya, alam kong hindi magiging madali para sa'yo ang tanggapin ang kanyang pagkawala." Saad ni mommy. "Pero ma, kahit si Kylie nawawalan na rin ng lakas ng loob. Palagay ko nga hindi na natin kayang labanan ang tadhana. Mapaglaro talaga ang tadhana minsan. Pero Wala naman na tayong magagawa para mapigilan ang tadhana. Ang tanging bagay na lang na ating magagawa para sa kanya ay ang maging matatag."  Sabi ko. "Mabuti pa, pumasok na tayong lahat doon. Maybe Kylie is looking for you now." Sabi ni mommy.

Pagdating namin sa kwarto ni Kylie, nanghina ako nang makita ko ang sitwasyon niya. Habang nakikita ko siyang nahihirapan, naaawa ako sa kanya.

"Hi tita, tito." Bati ko sa mga magulang ni Kylie. "O, Kenji. Kasama mo pala ang mga magulang mo." Sabi ni the tita. "Ah, yes po. Kararating lang po nila. Si Kylie po ba okay na?" Tanong ko sa kanila. "Natutulog na siya. Nagwala kaninang wala ka. Buti na lang napakalma namin siya." Saad ni tito. Tinabihan ko siya. Kalmado na siya ngayon at kahit papaano nakakangiti na siya. Hindi katulad kaninang bago ako umalis na parang anumang oras ay kakainin na niya kaming lahat ng buhay anumang oras.

"Tinakot mo naman kami." Sabi ko sa kaniya. "Paano nga kaya kung yun na pala yung oras ko? Anong mararamdaman mo?" Tanong niya sa akin. "Matatakot, malulungkot, masasaktan, madudurog. Ikaw ang bumuo sa akin e." Sagot ko. "Lahat ay may tamang panahon. Marahil kaya hindi muna ako kinuha ng panginoon sa ngayon ay dahil alam niyang hindi niyo pa kaya. Kapag dumating yung araw na alam niyang handa na kayo at kaya niyo nang tanggapin, doon pa lang siguro niya ako susunduin." Sabi niya. "Love naman, wag ka namang magsalita ng ganyan. Huwag mo naman akong takutin." Sabi ko. "Babantayan pa rin naman kita. Maaaring tayo pa rin naman. Yun nga lang, sa susunod na habang buhay na. Kung saan pareho tayong malakas, malaya, walang iniindang sakit, yung pareho tayong walang iniisip na problema." Sabi niya. "Ngayon kasi, hindi pa natin kakampi ang tadhana. Wala pa tayong alam sa mga posibleng mangyari sa hinaharap. Sabi ko nga, I may not be your The One That God Allowed, always bear in mind that  I Love You Since 2015, I trust and love you & maybe God Gave Me You to learn a lesson about love." Sabi ni Kylie na ngayon ay muli na namang nanghihina.

A/N: The stories mentioned above(The One That God Allowed, I Love You Since 2015, I.T.A.L.Y- I Trust And Love You & God Gave Me You is my first ever Tetralogy/Quadrilogy story. Ps. It's a different story and definitely not related to this story entitled Sa Susunod Na Habang Buhay but Donny & Belle has roles in the Quadrilogy. Check the stories to find out. Anyway back to business.  Sinabi ko lang yun para sumegway at mag- promote ng ibang stories ko apart from this.

Tumigil ang mundo ko. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto ni Kylie para tumawag ng Doktor at Nars.

"Dok, nurse, tulong!! Tulungan niyo kamiii!" Sabi ko. Agad naman silang sumunod sa akin.

"Kenji, what happened?" Tanong ng doktor. "Nanghihina na po siya." Sabi ko. "Kylie, kaya mo pa ba?" Tanong ng doktor sa kanya. "Dok, hindi ko na po talaga kaya. Nahihirapan na talaga ako. Hirap na hirap na po talaga ako." Sabi niya. "Pwede po bang humiling o makiusap sa inyo dok?" Sabi niya pa. "Ano bang kahilingan mo?"  Tanong ng doktor sa kanya.

Nagulat ako sa sunod kong narinig.

"Mercy killing po." Sabi niya. Nagulat ako. Hindi ko talaga yun inasahan. Akala ko gusto na niyang gumaling pero nang marinig ko ang mga katagang yaon mula sa kanya, nadurog ang puso ko.

"Love, hilingin mo na lahat wag lang iyan. Alam mo namang hindi pa kami handang pakawalan ka, di ba?" Sabi ko sa kanya habang nakahawak ako sa dalawa niyang kamay. "Love, hindi ko na kaya." Sabi niya. Bigla akong naiyak nang marinig ang sinabi niyang iyon.

"Hindi. Matapang ka, di ba?" Sabi ko. "Matapang ako, oo pero hindi porke't matapang ako, hindi na ako manghihina. Siyempre darating pa rin yung oras at araw na makakaramdam ako nang panghihina. Darating din tayo sa puntong iiwanan at iiwanan ko pa rin kayo." Sagot niya. "Oo nga pero hangga't maaari, wag muna ngayon. If you wanted to have a mercy killing as an option, we won't allow that to happen. Kahit sino sa amin, walang papayag sa kagustuhan mo." Sabi ko sa kanya. "Please let me go." Pakiusap niya. Pagkatapos niyon ay biglang nagdilim ang kanyang paningin kasunod nito ang biglang pagkawala ng kanyang malay at kasabay niyon ay ang pagtunog ng parameter sa loob ng ICU. Pumasok ang mga nars at doktor ng marinig nila ang tunog ng parameter sa kinaroroonan ni Belle. Habang nagdesisiyon ang mga doktor at nars na palabasin kami para i- check ang kanyang vital signs. Nakaramdam kami ng takot kaya nagdesisiyon kaming magtungo sa pinakamalapit na chapel.

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon