Ito po yung part na past Love Story ni Astrid at ni Brandon. Antagal no? Hahaha... halos sukuan ko na kasi to ehh... writer's block.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
11 years ago(7 years old si Astrid at Brandon)
Astrid! Astrid! Andito na ako!!! Sigaw ng sweetheart kong si Brandon. Ngunit katakataka dahil sumisigaw siya at mangiyakngiyak ang boses na kadalasan ay di niya ginagawa. Bigla naman akong takbo pababa para lang makita siya. Siyemore nag aalala ako.
Bakit Brandon?! May nangyari ba? Tanong ko na may haling pag aalala dahil nakita ko siyang nagpupunas ng luha.
Kasi... Astrid... sabi niya sabay hikbi. Lilipat kami sa US. Nanlaki mga mata ko dahil sa gulat. Siyempre ba naman US yun ang layo nun.
Ha?! Hindi ka nagbibiro? US? Eh diba halos sa kabilang parte na ng mundo yun? Sabi ko sabay yakap sakanya at nagpunas na rin ako ng luha. Kinuha naman niya agad yung kamay ko at hinila ako papunta doon sa tambayan namin, yung puno ng narra na inukitan namin ng pangalan namin. Kumuha siya ng pala at hinukay yung lupa. Doon nga pala namin binaon last year yung box. Kinuha niya yung asul na kahon at binuksan. Nakakubli sa loob yung mga larawan namin noon tsaka dalawang singsing at dalawang pirasong papel. Kinuha niya yung mga litrato.
Naalala mo pa ba nung una tayong nagkita dun sa ice cream parlor? Tanong niya sakin. Tumango naman ako habang tumutulo parin yung luha ko.
Yun nga yung dinilaan mo bigla yung ice cream ko diba? Tapos nandiri ako sayo kaya binigay ko nalang yung ice cream. Sabi ko naman sabay tawa.
Eh etong picture na to, yung nagkita tayo uli dito sa punong to? Sabi ko naman sabay lingon sa kanya. Hindi parin siya lumuluha.
Oo, yan nga yung nag away pa tayo kasi naka ukit pareho yung pangalan natin sa puno kaya nag aagawan tayo kung sinong nauna. Sabi naman niya. Tumawa nalang kaming dalawa.
Tapos eto yung nandoon tayo sa bahay niyo kasi hinatid kita pauwi dahil may nambubully sayo. Yun pa nga yung dahilan kaya ako nakipag away eh. Sabi naman niya.
Tapos eto yung unang punta ko sa bahay niyo, yung sinulatan mo ako ng letter para sabihin yung nararamdaman mo. Sabi ko na nakayuko na at lumuluha ulit. Aalis ka na ba talaga? Bigla nalang siyang yumakap sakin at lumuha.
Oo Astrid, aalis na kami. Mamayamaya lang. Sabi naman niya. Pero babalik ako, promise. Kapag Grade 6 ka na babalik na ako dito. Sabi naman niya at nagpunas ng luha. Kinuha niya sa kahon yung dalawang singsing at sinuot pareho sa daliri namin.
Yan, lagi mong isuot yan para maalala mo parin ako. Magkikita tayo ulit Astrid. Sabi naman niya habang naglalakad palayo. Tinatawag na kasi siya ng mama niya. Tumango nalang ako at tinitigan siya habang lumalayo. Bigla nalang siya tumakbo pabalik sakin at hinalikan ako sa pisngi. Napatitig ako sa kanya ng matagal at biglang namula. Siya naman nakangiti lang.
Back to present time
Yun na yung huling naalala ko sa kanya. Leche siya, bago daw kami mag high school samantalang bumalik ngayong fourth year college na ako. Bwiset. Tapos babalik pa siya ngayong iba na ang gusto ko. Bigla naman akong napatingin sa kwintas ko. Ginawa kong pendant yung singsing kasi jusmiyo 11 years tapos iisipin niyong kasya parin sa daliri ko yung singsing? Ano yun? Hindi na ako lumaki? Pero naalala ko nanaman yung nangyari kanina, leche, mala deja vu. Bigla nalang may bumusuna mula sa gilid ko. Nagulat ako ng sobra kaya napatalon ako at nadapa doon sa sidewalk. Sino ba tong lokong to?! Nasa sidewalk na nga ako bubusinahan pa ako?! Leche ah. Tinignan ko siya, kotse ni Brandon to ahh? Binaba niya yung bintana.
HOY BRANDON! BAKIT MO BA AKO BINUSINAHAN?! NASA SIDEWALK AKO OH?! TSAKA BAKIT KA BA NANDITO? sabi ko na galit na galit dahil sa ginawa niya.
Bumusina lang ako para makuha yung atensyon mo, anlalim ng iniisip mo eh. Tsaka sinundan kita para pasakayin ka at ihatid ka sa college mo. Sabi naman niya.
Ihahatid mo pa ako andyan na oh? Sabi ko sabay turo doon sa college. Nakakainis ka alam mo yun? Nadapa pa tuloy ako. Sabi ko sa kanya.
Sorry na, di ko naman sinasadyang gulatin ka eh. Yung tuhod mo nasugatan oh, eto oh, band aid. Sabi niya sabay abot ng kamay niya. Kinuha ko naman yung band aid tapos napatitig lang ako sa band aid. Yun yung pink na checkered band aid na lagi kong binibili dati pag may sugat ako.
Oh diba naalala ko favorite mo? Sabi naman niya sabay ngiti. Hayy, iba parin talaga mag isip to si Brandon. Napaka thoughtful at sweet. Haiist.
Salamat nga pala. Sagot ko naman sabay ngiti. Nag lakad nalang ako ulit pabalik doon sa college. Hayy, naguguluhan parin ako. Sino ba kasi dapat kong piliin? Si Bryan na mahal ko ngayon o si Brandon na matagal nang nasa isip ko? Ang gulo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Waaaah!!! I'm super sorry kung 2 months akong hindi nag update. Sorry po talaga. Pero sino ba sa tingin niyo yung dapat kay Astrid? Team Bryan o Team Brandon? Comment niyo lang. See you guys next update.
BINABASA MO ANG
Into the friendzone
RomanceSi Bryan Mendoza ay isang bagong estudyante sa Philippine College of Science and Arts kasama ang bestfriend niyang si Astrid. Pero mukhang hindi lang siya basta basta bestfriend. Alamin kung anong mangyayari sa dalawang napakabaliw na panauhin nati...