Astrid, Astrid, Huy Astrid! Tawag ko sa bestfriend ko na tulala nanaman.
Ano ba Bryan, hindi mo ba nakikitang nag dadaydream pa ako? Sabi naman niya sabay tawa.
Ano ba yang napakaimportanteng bagay na yan at kailangan mong istorbohin yung napakaganda kong panaginip? Dagdag pa niya.
E, kasi naman nagsimula na yung klase tulala ka parin diyan. Bulong ko sa kanya nang hindi marinig ni Prof. yung sinasabi ko pero mukhang bigo yata ako dun.
Mr. Mendoza, ano yung pinaguusapan ninyo ni Ms. Gomez? Pwede bang paki- share naman dito sa harap ng klase? Sita samin ni Ms. Diana, professor namin sa Biology.
Tumayo kami ni Astrid, gusto kasi ni Ms. Diana na kapag tinawag ang pangalan mo ay tatayo ka na agad. Lahat ng kaklase namin ay nakatitig sa aming dalawa, magkatabi kasi kami sa bandang likuran ng classroom.
Ah, eh- kasi po... yan na lamang ang nasabi ko kasi biglang pinutol ni Astrid yung sinasabi ko.
Ms. Diana pasensya na po, sinabihan lang po ako ni Bryan, nag dadaydream po kasi ako nung nagsimula yung klase niyo, sorry po. Sabi ni Astrid na diretso at hindi man lang nautal.
Mr. Mendoza at Ms. Gomez, pumasok kayo bukas, Sabado 7:30 hanggang 10:00 ang detention niyo. Sabi ni Ms. Diana sa aming dalawa.
O- opo ma- Ms. Sabi ko na nauutal at nahihiya.
Ayan na, may class love team na tayo. Sabi ni Grace, ang tsismosang class officer namin.
Nalimutan kong magpakilala. Ako ng pala si Bryan Mendoza, isang new student sa Philippine College of Science and Arts. Kahit na new student ako, isa naman akong awardee at sanay lang ako na tinatawag ng teacher kapag recitation. Hindi talaga ako sanay at first time ko na magka detention kaya hindi ko pa alam ang sistema doon.
Yung kausap ko naman kanina ay si Astrid, ang bestfriend ko. Isa siyang normal student, average kung baga. Kung minsan ay napunta na siya sa detention, pano ba naman kasi ang hilig mag daydream o di kaya'y matulog. Pero naging bestfriend ko siya kasi napakasaya niyang kasama at kausap, makulit siya tsaka masayahin. Siya yung dakilang tanungan ko kapag may sistema ng school na hindi ko pa alam. Kaya balak ko siyang tanungin tungkol sa detention.

BINABASA MO ANG
Into the friendzone
RomanceSi Bryan Mendoza ay isang bagong estudyante sa Philippine College of Science and Arts kasama ang bestfriend niyang si Astrid. Pero mukhang hindi lang siya basta basta bestfriend. Alamin kung anong mangyayari sa dalawang napakabaliw na panauhin nati...