Chapter 2

47 0 0
                                    

Pagkatapos ng Biology subject namin kay Ms. Diana ay lunch time na. Agad agad kong hinila yung kamay ni Astrid at tinakbo siya pababa ng hagdan papunta sa canteen.

Uy, Bryan, medyo kakaiba ka ngayon ah. May importante ka bang sasabihin? Tanong ni Astrid, madalas kasi siya ang pumipilit sakin na bumaba at samahan siya.

Basta Astrid samahan mo nalang ako sa canteen. Sabi ko sa kanya.

Nang dumating kami sa canteen, nilapag namin agad yung mga gamit na dinala namin sa mesa para walang ibang umupo sa pwesto namin.

Ano na yung importanteng itatanong mo sakin? Tanong niya sakin habang nakapila kami para bumili ng pagkain.

Kasi Astrid, itatanong ko sana kung ... paano ba yung sistema sa detention... pabulong na sabi ko sa kanya, nahihiya kasi ako ehh. Biruin mo, ang ganda ng grades ko sa behavior tapos magkaka detention ako?

WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Malakas na tawa ni Astrid, ang lakas ng tawa niya lahat ng estudyante nakatingin samin, pati nga yung lunchlady nakatitig sa kanya eh.

Shh. Huy, Astrid, ano ba? Hindi ka na ba nahihiya, lahat sila nakatingin na satin o. Pabulong na sita ko sa kanya. Hiyang hiya na talaga ako kasi ansama ng tingin sakin nung lunchlady na tila ba sa akin niya sinisisi yung ginawa ni Astrid.

Sorry, ahaha sorry kasi naman eh ahahahahaha, nakakatawa ka eh ahahaha. Sabi ni Astrid habang tumatawa at nagpupunas ng luha na dahil sa kakatawa niya.

Di nga, seryoso ako. Sabi ko sa kanya.

Sige, mamaya pag nakabili na tayo ieexplain ko sayo. Sagot naman niya.

Nang makaupo kami sa mesa na may gamit namin, tinignan ko siya na may pagdududa, naintindihan naman niya yung tingin ko at ipinaliwanag sa akin yung detention.

Dun sa detention, hinahati tayo sa iba- ibang groups o houses kung tawagin dito. Yung mga house na yun, may specific na gawain at nakadepende sa teacher- in- charge kung anong gagawin niyo, yung iba mag wawalis, yung iba mag huhugas ng pinggan, yung iba naman magluluto ng recess at kung anu- ano pa para sa clubs na may meetings every Saturday. Paliwanag ni Astrid.

Paano naman hinahati yung mga houses? Tanong ko sa kanya.

Yung mga houses madalas binabase sa kung ano yung offense na ginawa niyo. Last time hinati kami sa 3 houses, yung 3 na pangunahing kaharian sa Korea daw ata yun, yung Paekche, yun yung mga taga ayos ng mga gamit, bale tagalinis at tagawalis. Yung Koguryo naman yung parang nasa Media center, sila yung mga tagahatid ng mga gamit na kailangan ng clubs. Tapos kami naman yung Silla, kami yung tagapagluto sa canteen. Sagot niya.

Habang kumakain kami ay maraming tumatakbo sa isip ko. Hindi ko kasi alam kung pano yung gagawin ko sa Sabado. Narinig ko na yung bell ibig- sabihin aakyat na dapat kami.

Tara na. Sabi ko kay Astrid

Sige. Sabi naman niya.

Into the friendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon