Shet... eto na ang araw na pinakaayaw ko... for the first time hindi ako natuwa pagdating ng Sabado. Pakshet naman kasi ehh boset na detention yan. Kung wala sana akong detention ngayon nasa bahay nalang ako at nakikipag trashtalkan sa mga kalaro ko. Pagsakay ko sa jeep papuntang school nakasabay ko si Mark, yung kaibigan ko.
Uy, Bryan! Ikaw pala yan. Sabi ni Mark. Saan ka pupunta? Tanong pa niya.
Ah sa school. Kasi ano- sagot ko sa kanya na nahihiya.
Kasi ano? Nadetention ka wahahahahhahahahah! Yung kaibigan kong pagkatino tino madedetention? Wahahahahahha!!! Panghihiya niya sakin.
Hoy! Mga bata, tigiltigilan niyo yung pag- iingay niyo ha. Paalala lang nasa jeep kayo, wala sa bahay. Sigaw samin nung jeepney driver... buwiset naman talaga oo. Hiyang hiya nanaman ako...
Sorry po kuya, di ko na po uulitin. Sabi ni Mark na tila hiyang hiya sa ginawa niya.
Ikaw, saan ka naman papunta? Tanong ka sa kanya dahil napansin ko lang na bihis na bihis siya.
Kasi... makikipag eyeball ako sa kachat ko... sabi niya dun daw kami magkikita sa Jollibee sa may SM Fairview. Sabi naman niya. Di talaga ako makapaniwala kasi yung kaibigan ko na torpeng torpe sa crush niya noon may nililigawan na pala
********** LE FLASHBACK**********
Huy, Bryan, tulungan mo naman ako. Sabi ni Mark sa akin habang naghohomework ako.Bakit Mark? Anong meron? Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa homework ko.
Kasi yung crush ko, si Cleo, gusto kong ligawan. Yun nga lang, nahihiya ako tsaka natatakot kasi marami nang manliligaw yun na pinatos niya. Sagot naman niya.
Alam mo, diretsuhin mo nalang siya sa nararamdaman mo kapag napalapit ka na sa kanya, yung tipong mapapatawa mo siya at mapapasaya pag magkasama kayo... saka mo na siya ligawan. Sabi ko sa kanya na wala sa sarili dahil nasa home work yung atensyon ko.
********** Back to reality***********
Bakit? Anong nangyari sa inyo ni Cleo? Tanong ko na takang taka.Eh kasi, hanggang friends lang daw kami. Na- friendzone ako ehh. Sabi naman niya sabay kamot sa likod ng ulo.
O sige na... bababa na ako, goodluck sa inyo ng ka eyeball mo ah. Pabirong sabi ko sakanya habang pababa ng jeep.
Habang naglalakad papunta sa school, napag isip' isip ko... Bakit kaya hanggang ngayon single parin ako. Ganun ba ako kapangit para isnobin nila? Di bale na nga. Inalis ko na yung thought na yun mula sa isip ko pero mukhang binubuwiset talaga ako ng mga nakakasalubong ko sa daan...
Labyu be. Sabi ng isang lalaking nakasalubong ko sa babaeng kasama niya.
Labyu too. Sabi naman mung babaeng kasama niya. Pakshet naman oo, ang hilig mang inggit nitong mga to ah. Habang tinuuloy ko yung paglalakad ko nakakita ako ng dalawang estudyante, mukhang Grade 7 ata, na naghahalikan sa daan. Ano ba naman yan, anlandi nitong nga to, maghahalikan na lang sa daan pa habang naglalakad, kaybabata may first kiss na agad... nainggit tuloy ako. Minadali ko nalang yung paglalakad ko at baka kung ano pa ang makita ko.
BINABASA MO ANG
Into the friendzone
RomanceSi Bryan Mendoza ay isang bagong estudyante sa Philippine College of Science and Arts kasama ang bestfriend niyang si Astrid. Pero mukhang hindi lang siya basta basta bestfriend. Alamin kung anong mangyayari sa dalawang napakabaliw na panauhin nati...