Sa wakas nakarating rin ako sa school... nakakapagod yung paglalakad kong yun ahh. Nakita ko yung mga estudyante na nagkukumpulan sa gitna ng hall, kasama yung isang teacher. Nakita ko si Astrid doon kaya lumapit agad ako, nagchecheck na pala ng attendance.
Gonzaga?
Present po. Puro apelyido ng kung sinu sino ang narinig ko, hanggang sa narinig ko na yung apelyido koMendoza?
Present. Tugon ko sa pagtawag sa apelyido ko.Okay sige, kumpleto pala kayo, ngayon, hahatiin na kayo sa houses. Okayyy? Pahayag nung teacher sa harapan namin.
Meron tayong 4 groups ngayon okayyy? Una ang Atama, isang japanese word na nanganga hulugang ulo o head okayyy? Ang gagawin ng mga taga house of Atama ay mag hahatid ng mga gamit sa clubs. Okayyy? Sunod naman ang kata, nangangahulugan naman itong balikat o shoulders okayyy? Ang gagawin ng mga taga kata ay magpeprepare ng recess okayyy? Sunod naman ang Hiza, ang ibigsabihin nun ay knees o tuhod okayyy? Sila naman yung mga tagalinis. At ang huli ay ang Ashi, ito naman ay japanese word for feet o paa... at ang special ng gagawin nila dahil sila yung mag aayos ng mga libro sa library, may mga estudyante kasing nanggulo sa halos thousands ng mga libro doon. Okayyy? Hindi ko nakayanang hindi matawa sa pagsasalita ng teacher nayon, pano ba naman kasi puro siya okayyy... parang tanga lang.
Ngayon, sasabihin ko na sa inyo kung saang house kayo kabilang okayyy? Sabi nung guro. Ahh nalimutan ko nga pala, para dun sa new student dito, si Mr. Mendoza, ako nga pala si Ms. Ara, ang adviser sa detention. Okayyy? Dagdag pa nung guro. Hindi pa nagtagal ay nagsimula nang magturo ng mga estudyante at mga parte ng hall. Napunta kami ni Astrid sa pinakakanang na hanay... at dalawa lang kami doon.
Okayyy, mula sa kaliwa hanggang sa kanan yung pagkakaayos ninyo kaliwa yung Ata, tapos sunod Makata, tapos yung nasa pinakakakanan kayo yung Ashi. Okayyy? Sabi ni Ms. Ara. Gulat na gulat talaga ako at hindi ko alam yung gagawin ko.
Ms. Ara, bakit po dalawa lang kami sa Ashi na mag aayos ng lahat ng libro sa library? Nakakapagod po yun ah?! Sabi ni Astrid na tila gulat na gulat rin. Biglang lumapit si Ms. Ara samin
Okay lang yan... whole day naman kayo dito ehh, at least magkakaroon kayo ng quality time together, if you know what I mean okayy? *wink* *wink*. Pangaasar ni Ms. Ara sa amin.
Ms. Ara, kapag po natapos kami ng maaga, pwede po bang umuwi na kami? Tanong ko lay Ms. Ara.
Hindi pa ehh... ang sabi kasi sakin hanggang 3:00 daw dapat kayo dito. Sabihin niyo nalang sakin kapag tapos na kayo ha? Sagot naman niya. Okay kayong lahat magsimula na. Dagdag pa niya. Dumiretso na kami sa library at nakita namin kung gaano karaming libro yung nakakalat. Akala ko nagmamalabis lang si Ms. Ara nung sinabi niyang libo libo yun... pero ngayon naniwala na ako. Yung buong sahig ng library halos may libro tapos lalong nanlaki yung mata ko nung nakita ko kung gaano kalaki yung library... eh mas malaki pa sa bahay namin yun ehh... dibale na nga, mag uumpisa na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Okay, super sorry kung napaka crappy ng chap 4 and chap 5. Wala po kasi talaga akong idea kung paano ko isusulat ehh... again super super super super sorry...
BINABASA MO ANG
Into the friendzone
RomanceSi Bryan Mendoza ay isang bagong estudyante sa Philippine College of Science and Arts kasama ang bestfriend niyang si Astrid. Pero mukhang hindi lang siya basta basta bestfriend. Alamin kung anong mangyayari sa dalawang napakabaliw na panauhin nati...