Ano Astrid? Umpisahan na ba natin? Aya ko kay Astrid para mag umpisa na kami.
Sige, tara na, para maaga tayo matapos at makapagpahinga pa. Sagot naman niya sa akin na may ngiti.
Dali simulan niyo na para may magawa kayo, if you know what I mean okayyy? *wink* * wink*. Sabi ni Ms. Ara. Hindi namin napansin na nandoon parin pala siya... crap, ang creepy niya, parang si Ms. Diana lang. Nakatitig lang kami sa kanya at nagtataka kung bakit nandoon parin siya at nakasilip.
What? Nakakaistorbo ba ako sa ginagawa niyo? Sige na nga. Aalis nalang okayyy? Sabi ni Ms. Ara na tila ayaw paring umalis dahil hanggang ngayon ay nakadungaw parin kahit na kakasabi lang niyang aalis na siya. Tinignan lang namin siya at bigla siyang nagsabi.
Sabi ko nga, aalis na. Ito namang mga to, manonood nalang sa quality time niyo ayaw pa... hindi ko alam na ganyan niyo kagusto ang isa't isa... anyways, tapusin niyo yan okayyy. Natawa nalang kami habang nag roll eyes si Ms. Ara at naglakad paalis. Agad naman kaming nagsimula. Hindi isa isa ang pagkuha namin sa mga libro dahil masyadong matagal yun. Napansin kong basta lagay nalang si Astrid dun sa mga libro kaya sinabihan ko siya.
Huy Astrid, alam mo ba yung Dewey Decimal system? Tanong ko sa kanya dahil sa napuna ko.
Hindi, ano ba yun? Tanong niya sakin na nakakunot ang noo.
Yun yung pagkakaayos ng mga libro ayon sa uri nila. Ayun nga oh, nakalagay na sa wall. Sabay turo doon sa piraso ng papel na laminated na nakadikit sa dingding ng library.
Aba'y sorry naman, wala akong pake sa mga ganyan ehh, paano ba yan? Tanong niya sakin.
Tignan mo yung binding ng libro, malamang may tape diyan kung saan nakasulat yung number. Kung wala sa binding, tignan mo sa loob. Sabi ko sa kanya.
O tapos? Ano sunod? Tanong niya na medyo wala sa sarili at nakangiti.
Tignan mo dun sa papel. Lahat nung magkakagrupo ang numbers, magkakasama ng shelf. Sagot ko sa kanya ngunit wala sa akin yung atensyon niya kundi sa cellphone niya. Tinapik ko siya sa balikat.
Huy Astrid, Astrid, gising gising. Nakikinig ka pa ba? Tanong ko sa kanya habang tinatapik yung balikat niya pero wala ata siyang pakialam.
Bahala ka na nga diyan. Basta ako maguumpisa na. Sinabi ko sa kanya sabay lakad patungo sa unang shelf. Let's see 00- 99 general reads. Inisa isa ko kada category ng libro. Pero hindi ko talaga kaya mag isa kasi nga lagpas sa daan yun. Habang nag- aayos, napansin ko na wala na sa pwesto niya kanina si Astrid. Nag aayos na din pala siya, pero base sa hitsura niya, mukhang nahihirapan siya. Nilapitan ko siya tapos tinuro ko ulit sa kanya kung paano yung gagawin. Bumalik ako sa shelf na inaayusan ko tapos narinig ko na parang hirap na hirap tapos naiinis.
Hmmp... arrg.. ahh. Narinig ko at nilapitan ko agad siya doon sa shelf niya. Nakita ko na hindi niya abot yung shelf... medyo maliit kasi siya ehh. Niyakap ko siya mula sa likod at hinawakan yung dalawa niyang braso. Tinulungan ko siyang abutin yung shelf.
Habang niyayakap ko siya naamoy ko yung buhok niya. Shet, ambango medyo sinadya kong pabagalin yung pag abot sa shelf para mapatagal rin yung pag yakap ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, pero parang bigla nalang ginawa ng katawan ko yun. Sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko para bang nag soslowmo ang paligid at wala akong ibang nakikita kundi ang mukha ni Astrid na nakatingin sa akin at nakangiti. Bumuka yung bibig niya na tila may sinasabi pero hindi ko marinig kung ano iyon. Lalong lumaki yung buka ng bibig niya, nilakasan niya ata yung sinasabi niya pero hindi ko parin talaga marinig. Bigla nalang niyang tinadyakan ying binti ko, bigla akong nagising sa katotohanan at sinisigawan niya na pala ako.
ARAY KO BRYAN!!! YUNG KAMAY KO NANGANGAWIT NA ANSAKIT SAKIT!!! Sigaw niya sa akin, bigla ko nalang siyang binitawan at kinuha yung librong hawak niya para ilagay doon.
Aray ko Bryan. Shhht. Ansakit nun bwiset ka. Sabi niya sakin habang inaalog yung kamay niya.
Ah- eh S- sorry, hindi ko maabot ehh... ahehehe, anliit mo kasi eh ayan tuloy. Pabiro kong sabi sabay kamot sa likod ng ulo ko para pagtakpan yung hiya ko sa kanya.
Bumalik na ulit ako sa shelf na inaayos ko. Habang nag- aayos, naiisip ko yung nangyari kanina, feeling ko talaga ay nahulog na ang loob ko kay espren... kasi naman ehh... bumalik sa isip ko lahat ng masasayang ginawa namin. Naalala ko na sa lahat ng ginawa namin ay nakangiti ako naiisip ko, matagal na ba talaga akong may gusto sa kanya at hindi ko lang napansin?
Huy Bryan, anong ginagawa mo at natahimik ka lang diyan at nakangiti? Sinong crush ang iniisip mo ha? Spill. Ayieeeeee. Pangaasar sa akin ni Astrid.
Kung alam mo lang na ikaw ang iniisip ko, paano ka kaya mag rereact? Bulong ko sa sarili ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla nalang namula si Astrid habamg nakatingin sa Cellphone niya, malamang tumitingin sa picture ng crush niya. Bumalik nalang ako at nag- ayos.
Uhh, kayong dalawa an- WHAAAAAAAT?!?!?!?! ambilis niyo namang mag- ayos?!?!?!? May powers ba kayo?! Gulat na gulat na tanong ni Ms. Ara.
Ginamit po kasi namin yung timuro sa akin ni Bryan na Dewey Decimal system kaya po napabilis. Pero hindi pa naman kami tapos mag- ayos. Sabi ni Astrid na may malaking ngiti sa mukha niya.
Bryan, talaga bang tinuruan mo siya ng Dewey Decimal System? Ang sweet okayyy? At saka anlaki na ng pinagbago ng library mula ng iniwan ko. Mag lunch na kayo sa baba okayyy? Sabi ni Ms. Ara. Haiist, tanghali na pala. Ano kayang niluto ng kata para sa amin? Solo pala namin ang canteen ngayon... wala na palang tao. Pagbabanamin sa canteen, bigla kaming nagulat. Na-carried away ata si Ms. Ara, paano banaman kasi yung monobloc Na mesa at upuan ay may takip na telang pula at puti at may vase with a combination red and white roses pa sa gitna ng mesa. Pero mas nagulat kami nung tumugtog bigla ng violin si Ms. Ara. Sinenyasan niya kaming dalawa na umupo. Bigla nalang niyang inutusan yung staff na naka waiter clothes ngayon na iserve yung pagkain samin. Si Astrid nakayuko lang at tila nakangiti at namumula pero hindi ko alam kung bakit. Nung dumating yung pagkain samin, nagulat kami dahil napaka sosyal at kumpleto. May appetizer na ginger bread, may wonton soup, ceaser salad, at dessert na banana split. Pero nagulat talaga ako doon sa Main Course dahil Kare Kare ito.
Aheheheh, kami lang ng staff nagluto nung iba, yung kata ang niluto lang nila ay yung karekare... ahehehhe. Nahihiyang sabi ni Ms. Ara. Kain na kayo. Dagdag pa nito. Nakangiti si Astrid habang kumakain at nilalagay sa likod ng tenga ang buhok niya.
Ganyan ka lang Astrid, maganda ka kapag ganyan. Sabi ko. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yung mga sinabi ko basta bigla nalang lumabas sa bibig ko. Bwiset naman.
Eh- S- salamat. Mahinang sabi ni Astrid at bigla siyang namula. Nag- usap kami ng tungkol sa kung anu- ano habang kumakain. Nag- usap kami tungkol sa mga paborito namin. Nalaman ko na mahilig siya sa Kpop at sa mga anime.
Uhmmm. I'm sorry to interrupt but I suggest you finish your meal so you could continue with your work and have more time together okayyy? Sabi ni Ms. Ara in spokening dollars. Napahawak ako sa ilong ko dahil baka biglang dumugo ito.
Sure Ms. Ara, thank you for the great meal you prepared for us, it was definitely, undoubtedly splendid. Bigla namang sabi ni Astrid. Kumuha nalang ako ng tissue, tumayo at nagsabing.
Excusing me, I'm just comfort room going because I am nosebloodening. Sabi ko bigla ng hindi makapagisip. Nagulat nga ako sa mga nangyari dahil madalas ako mag english pero bakit ako nagkaganoon? Shet... inlababo na ata ako ♡♡♡.
BINABASA MO ANG
Into the friendzone
RomanceSi Bryan Mendoza ay isang bagong estudyante sa Philippine College of Science and Arts kasama ang bestfriend niyang si Astrid. Pero mukhang hindi lang siya basta basta bestfriend. Alamin kung anong mangyayari sa dalawang napakabaliw na panauhin nati...