Chapter 5

11 0 0
                                    

Naglakad na ako patungo sa pinto ng College, and as always, tulog nanaman si Manong Eddie, yung guard. Ibig sabihin una nanaman ako.

Manong Eddie, gising na po. Umaga na, papasok na ako. Sabi ko naman sabay tapik sa balikat ni Manong.

Oh, Astrid, ang aga mo nanaman. Alam ko gusto mo na pumasok pero bawal, mamayang 6:30 pa daw pwede mag bukas ng gate simula ngayon. Sabi naman ni Mang Eddie.

Huh? Bakit po? Tanong ko.

Staff palang daw ang pwedeng pumasok mula 5 hanggang 6:30. Para maprepare muna nila yung loob bago ka pumasok. Masyado ka kasing maaga eh alam mo namang 8:00 pa ang start ng regular classes. Sabi naman ni Mang Eddie saabay tawa ng bahagya. Upo ka muna dito, magkuwentuhan tayo. Dagdag pa niya sabay kuha ng upuan. Umupo ako at napaisip ng malalim ukol kay Brandon at Bryan. Ngayon ko lang napansin, magkapareho halos yung pangalan nila. Naalimpungatan nalang ako ng biglang nagtanong si Mang Eddie.

Astrid, may problema ka ba? Hindi ka naman madalas nakayuko ng ganyan ah? Tanong niya.

Ahh, eh, kasi po naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang mas tamang gawin eh. Sagot ko kay Mang Eddie.

Ahh, problemang pag ibig. Sige, handa akong makinig. Sabi niya. Hayy, eto talaga masaya kay Mang Eddie eh, makakausap mo siya na parang best friend mo lang.

Eh kasi po Mang Eddie- hindi pa ako tapos magsalita nang bigla niyang putulin yung sinasabi ko.

Kuya Eddie nalang. Masyado mo akong pinapatanda eh. Sabi naman niya.

Kasi po Kuya Eddie, meron akong childhood sweetheart, umalis po siya 11 years ago para mag aral sa ibang bansa. Sabi niya babalik siya bago pa kami mag high school. Hinintay ko siya pero nabigo ako. Kaya sinubukanbkong limutin siya. Pero nito lang niglang may dumating. Naging best friend ko siya pero may pagtingin talaga ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung ganun din siya sakin. Pero siya yung nakikita ko habang wala si childhood sweetheart. Pero ngayong araw lang, biglang bumalik yung childhood sweetheart ko. Sino ba dapat sa kanila ang pipiliin ko? Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Ganito lang yan, lagi mo lang iisipin kung sino ang mas matimbang para sayo. Yung isang tao na sumalo sayo habang naiwan kang mag isa sa ere, o yung taong nang iwan sayo pero nandito ngayon para bawiin ka. Sabi naman ni Kuya Eddie.

Ehh, Kuya Eddie naman, ang hirap naman pumili eh. Kasi, nakakalito talaga. Parang ako yung mas nasasaktan habang pumipili. NAPAKASAKIIIIIT KUYA EDDIEEE. Leche, napakanta pa tuloy ako. Badtrip kasi to si Author ehh, magjojokoe nalang corny pa. Ako pa tuloy napapahiya. Next time, ayus ayusin mo author ha. (A/N: oo na, alam kong sobrang pilit yung joke at bukod dun napaka corny pa, pagbigyan nuyo nalang please, hahhaa.)

Kung hindi ka makapili ng isa sa kanila, edi wag mo piliin pareho, magsakripisyo ka. Or kung hindi, pagtapatin mo sila para malaman mo kung sino talaga ang dapat manalo sa puso mo. Parang simple Physics lang yan ehh. Yun bang Balanced and Unbalanced forces. Kung pantay lang talaga an timbang nilang dalawa sayo, walang mangyayari, kakailanganin mong bumitaw para lang matapos na ang gulo. Pero kung may isang mas matimbang, siyempre sa kanya ka mapupunta. Sagot naman ni Kuya Eddie. Wow, ang deep, ah. Leche ka Author kanina ka pa. Ayan, kailangan mo tuloy ako bigyan ng tissue. Kanina corny na joke, ngayon naman Sinascience mo ako.

Oh, sakto, 6:30 na. Astrid, pumasok ka na doon. Sabi ni Kuya Eddie sabay bukas ng gate.

Sige po Kuya Eddie, sa uulitin. Sabi ko na may ngiti sa aking mukha. Napakasaya pala niya kakuwentuhan. Pumasok na ako sa gate. Napakalinis na ng loob. May isang teacher na nakatayo lang ng tuwid doon sa hall at ni hindi man lang kumikilos. Nilapitan ko siya.

Umm, Good Morning po. Bati ko sa kanya.

Good Morning. Upo ka nalang dun saglit habang hinihintay natim yung iba pa okayyy? Sabi ng teacher. Weird. Bat may okayyy pa? Naupo lang ako dun at unti unti nang dumami yung mga kasama ko pero wala pa si Bryan. Nagsimula na yung Attendance check.

Ashley Tarantada?
Present.

Carlito Katanggahan?
Present po.

Mark Delahuta?
Present.

Fifi Paratutoy?
Andito po.

Nagtuloy tuloy pa yung tawag sa amin. Nang biglang pumasok sa gate si Bryan at tumakbo papunta sa amin.

Astrid Gomez?
Present.

And, Bryan Mendoza.
Present.

Okay sige, kumpleto pala kayo, ngayon, hahatiin na kayo sa houses. Okayyy? Sabi nung teacher. Hindi ko pa siya nakikita dati ah? Bagong teacher siguro. Nagturo turo na siya at nakagrupo na kami sa apat. Wala talaga akong pake sa mga nangyayari hanggang sa mapansin kong kami lang pala ni Bryan yung nasa grupo namin. Halos mapatili ako sa saya. Waaaahhh... Thank you talaga bagong teacher na hindi ko alam ang pangalan!

Meron tayong 4 groups ngayon okayyy? Una ang Atama, isang japanese word na nanganga hulugang ulo o head okayyy? Ang gagawin ng mga taga house of Atama ay mag hahatid ng mga gamit sa clubs. Okayyy? Sunod naman ang kata, nangangahulugan naman itong balikat o shoulders okayyy? Ang gagawin ng mga taga kata ay magpeprepare ng recess okayyy? Sunod naman ang Hiza, ang ibigsabihin nun ay knees o tuhod okayyy? Sila naman yung mga tagalinis. At ang huli ay ang Ashi, ito naman ay japanese word for feet o paa... at ang special ng gagawin nila dahil sila yung mag aayos ng mga libro sa library, may mga estudyante kasing nanggulo sa halos thousands ng mga libro doon. Okayyy? Wala akong naintindihan sa sinabi niya. In fact narinig ko lang pero di ko pinakinggan. Oh well. Basta ang alam ko lang, kagrupo ko si Bryaaaaaaaaaaan.

Ngayon, sasabihin ko na sa inyo kung saang house kayo kabilang okayyy? Sabi nung guro. Ahh nalimutan ko nga pala, para dun sa new student dito, si Mr. Mendoza, ako nga pala si Ms. Ara, ang adviser sa detention. Okayyy? Napainternal facepalm nalang ako. Nasisiraan na ba ng tuktok to? Nakalimutan yata niyang hindi namin siya lahat kilala. Pero oh well, hayaan nalang.

Okayyy, mula sa kaliwa hanggang sa kanan yung pagkakaayos ninyo kaliwa yung Ata, tapos sunod Makata, tapos yung nasa pinakakakanan kayo yung Ashi. Okayyy? So Ashi kami. Ashi? Ano nga ba gagawin nung Ashi... sinubukan king isipin at isang salita lang ang pumasok sa isip ko... library.

Ms. Ara, bakit po dalawa lang kami sa Ashi na mag aayos ng lahat ng libro sa library? Nakakapagod po yun ah?! Apela ko para di mahalata ni Bryan na crush ko siya at na tuwang tuwa ako sa nangyari.

Okay lang yan... whole day naman kayo dito ehh, at least magkakaroon kayo ng quality time together, if you know what I mean okayy? *wink* *wink*. Pang aasar ni Ms. Ara.

Ms. Ara, kapag po ba natapos kami ng maaga, pwede na kami umuwi? Tanong ni Bryan. Sana hindi, sana hindi, sana hindi, sana hindi.

Hindi pa ehh... YEEEEES!!! Ang sabi kasi sakin hanggang 3:00 daw dapat kayo dito. Sabihin niyo nalang sakin kapag tapos na kayo ha? Sabi pa ni Ms. Ara. Okay kayong lahat magsimula na. Dagdag pa niya. Dumiretso na kami sa library. WOOOOOOOOOOOOHHHH!!! andaming libro tapos dalawa lang kami dito. Let this day begin!!!

Into the friendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon