Before I start the story, I just wanna dedicate this chapter to my best friend, FairyLacrima. Hoy! Happy bertdaaaay! Matanda ka na XD. Heto na yung update na hinintay mo for more than 2 months. Happy birthday uli. I know things are getting rather difficult for you, but, hang in there li'l buddy. Anyways, nakakamindblow lang kasi laging Chapter 7 ako may dedications XD. LET THE FUN BEGIIIIIN~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Umakyat na uli kami pabalik sa library. Tinitigan ko lang siya habang umaakyat kami. Di ko mapigilan na titigan lang siya habang nakangiti, at kinakamot ang likod ng ulo niya, ankyot eh. Pero di ko maiwasang maalala yung sinabi ni manong guard, hayyyy, ang hirao talaga. Pagpasok namin sa library, dumiretso agad ako sa shelf na inaayusan ko, nasa romance essays na pala ako.
"There are Two in My Heart" - Firofuta Nginamotaraga of Japan
"Love's Tug of War Game" - Gag Okha Faarin of Russia
"Paano Kung Dalawa Sila" - Christina Moran
"Love War" - Sali Bugna Mathay
Futa, pinapatamaan yata ako ng mga to eh. Tinuloy ko lang yung pag aayos kahit na todo patama talaga yung mga title.
Uy, yung kanina... ahehehe nakakahiya. Kalimutan mo na lang yun. Ay kabayo! Nagulat ako kasi biglang nagsalita si Bryan. Pero seriously, di parin siya nakaka get over dun?
Ahhh, oo. Hayaan mo na yun. Sabi ko sabay pacute smile, bakasakaling magustuhan niya ako. Pafall ba.
Anong nakain mo at ganyan ka ngayon? Crush mo ako no? Hahahaha. Napayuko ako at naramdaman kong umiinit yung pisngi ko. Shet, nahalata niya, kelangang umisip ng palusot. Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang sinuntok sa braso niya.
Utut mo. Asa ka na lang. Sabi ko. Pero labag sa kalooban ko yun. Oo! Oo yung gusto kong sabihin. Pero di talaga pwede eh.
Eto naman, biro lang eh, umasa ka nalang na magiging crush rin kita. Aray. Masakit. Di ko alam bakit pero masakit. Di dapat ako nasasaktan pero masakit talaga eh. Naglakad nalang ako paalis at medyo mabagal. At bumalik na sa pag aayos.
Natapos ko yung pag aayos ng books, 1:50 na pala. Umupo ako doon sa couch sa likod ng shelves at nanood ng mga vids sa YouTube... naka mobile data ako okay? May password yung wi-fi ng school eh.
----------- Sa Pinapanood ni Astrid-----------Bes, may sasabihin ako sayo, magmeet tayo mamaya dun sa quadrangle. - Riley
Oh sige, aasahan ko yan. - Franco
*maya maya pa*
Ano yun Riley? Ano yung sasabihin mo? -Franco
Kasi, kilala mo naman yung boyfriend ko diba? Si Coulton. -Riley
Oo. Yung Amerikanong yun. Bakit? - Franco
Nakipagbreak na ako sa kanya. - Riley
Hoy! Riley! Okay ka lang? Bakit? Diba patay na patay ka sa kanya? - Franco
Kasi Franco, narealize ko na hindi siya ang gusto ko. - Riley
Sino ba Ri? Sino ba ang gusto mo? - Franco
IKAW FRANCO! IKAW ANG GUSTO KO! Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok araw araw. - Riley
Ri, may sasabihin rin ako sayo. -Franco
Ano yun Franco? - Riley
Thank you so much Riley. - Franco
Bakit? - Riley
BINABASA MO ANG
Into the friendzone
RomanceSi Bryan Mendoza ay isang bagong estudyante sa Philippine College of Science and Arts kasama ang bestfriend niyang si Astrid. Pero mukhang hindi lang siya basta basta bestfriend. Alamin kung anong mangyayari sa dalawang napakabaliw na panauhin nati...