Chapter 2

23 0 0
                                    

Hayyyy... sa wakas. Tapos na yung period ni Regzilla, well yung period ng pagtuturo niya, hindi yung menstrual period. Kakausapin ko dapat si Cleo na nasa kabilang room lang dahil lunch na at gusto kong ipaalam sa kanya na cancelled na yung gala namin. Kaso bigla akong hinila ni Bryan sa kamay.

HINIGIT NIYA YUNG KAMAY KO!!! NAG HOLDING HANDS KAMI!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!! Kinikilig ako... shet. Pero bigla akong may napansin.

Uy, Bryan, medyo kakaiba ka ngayon ah. May importante ka bang sasabihin? Tanong ko sa kanya na nagtataka. Madalas kasi ako ang pumipilit sa kanya... claustrophobic kasi ata yun ehhh, eh maraming tao sa canteen kaya masikip.

Basta Astrid samahan mo nalang ako sa canteen. Oh shems. Wat is da meaning op dis? Rarapin niya ba ako? Mababagito ba siya? Ano kayang pangalan ng magiging anak namin? Asyan? Brastrid? Ew. Ampangit. Hala, kung san san nanaman napupunta tong naiisip ko eh pupunta lang naman kami s a canteen. Hindi sa Sogo.

Nilapag na namin yung mga bag namin doon sa upuan tapos pumila para bumili ng foods.

Ano na yung importanteng itatanong mo sa akin? Tanong ko sa kanya para malaman ko na ang balak niya. Magtatapat na kaya siya sakin??? Eh... kaso question form ehh... OmO tatanungin niya ba ako kung pwede manligaw??? Eh. Hindi pa nga sure kung crush niya ako tapos mabliligaw agad. TATANUNGIN NIYA KUNG PWEDE MAGING KAMI!!! waaaaaaaaaah. Wait, hindi nga manliligaw ehh magnobyo pa kaya? MAGPOPROPOSE NA SIYA TAPOS IKAKASAL KAMI TAPOS TITIRA SA MALAKIG BAHAY TAPOS MAG HOHONEYMOON!!! Ehh... hindi nga mag bf gf kasal agad? Anlandi lang? KYAAAAA!!! Tatanungin niya kung ilang anak gusto ko tapos sasabihin ko 5 tapos sasagot siya ng "gagawan natin ng paraan yan" tapos sabay kindat... wahhhh emeged kenekeleg eke. Tss... hindi pa nga kasal may anak agad? Ano yun, Bagito? Arrghhh... nakakaintriga yung tanong niya, kung saan saan na napupunta yung iniisip ko. Parang baliw tuloy ako.

Kasi Astrid, itatanong ko sana kung... paano yung sistema sa detention... pabulong na tanong niya. Anubayaaaan, grabe yung expectations ko tapos yun lang pala... nakakadisappoint.

Wahahahahahahahahaha!!! Tumawa nalang ako para matakpan yung disappointment ko. Pero napakalakas ata yung tawa ko kasi nakatingin na samin si lunchlady at yung iba pang mga estudyante.

Shh. Huy, Astrid, ano ba? Hindi ka na ba nahihiya, lahat sila nakatingin na satin o. Sita niya sakin ng pabulong. Nahiya ako bigla sa sinabi niya. Nalimutan kong nasa canteen nga pala kami.

Sorry, ahaha sorry kasi naman eh ahahahahaha, nakakatawa ka eh ahahaha. Sabi ko habang nagpupunas ng luha at tumatawa. Kasi naman ehh, ambabaw niya... XD.

Di nga, seryoso ako. Sabi niya sakin. Ayieeeeeee... seryoso na daw siya sa relasyon namiiiin kyaaaaa... ahahahah. Nakakabaliw naman talaga magseryoso tong si Bryan, nakakainlab.

Sige, mamaya kapag nakabili na tayo ieexplain ko sayo. Sabi ko sakanya para makabili na kami, sunod na kami sa pila ehh.

Nung nakaupo na kami sa mesa namin, tinitigan ako ni crush. Kyaaaaaaaaaaaa!!! Ampogi niyaaaaaaa. Napansin ko na may pagdududa sa tingin niya. Naalala ko bihla yung tanong niya sakin.

Dun sa detention, hinahati tayo sa iba- ibang groups o houses kung tawagin dito. Yung mga house na yun, may specific na gawain at nakadepende sa teacher- in- charge kung anong gagawin niyo, yung iba mag wawalis, yung iba mag huhugas ng pinggan, yung iba naman magluluto ng recess at kung anu- ano pa para sa clubs na may meetings tuwing Sabado. Paliwanag ko sa kanya. Mesyo nakakadistract lang kasi yung titig niya sakin. Parang ang amo ng mukha niya habang nakikinig.

Pano naman hinahati yung mga houses? Tanong niya. Orz di ba siya marunong maghintay?

Yung mga houses madalas binabase sa kung ano yung offense na ginawa niyo. Last time hinati kami sa 3 houses, yung 3 na pangunahing kaharian sa Korea daw ata yun, yung Paekche, yun yung mga taga ayos ng mga gamit, bale tagalinis at tagawalis. Yung Koguryo naman yung parang nasa Media center, sila yung mga tagahatid ng mga gamit na kailangan ng clubs. Tapos kami naman yung Silla, kami yung tagapagluto sa canteen. O diba? Humihistory ako para lang sakanya... ahahahahha.

Tinuloy lang namin yung pagkain and as usual nakyutan aki sa kanya habang kumakain kaya binuburaot ko yung foods niya kahit na may sariling akong pagkain. Bigla naming narinig yung bell. Kailangan na naming magmadali baka malate nanaman kami, ayoko namang mag whole day detention...

Tara na. Sabi niya sabay abot ng kamay niya. Grabe ang gentleman talaga niya.

Sige. Sabi ko naman sabay hawak sa kamay niya. Shuuucks holding hands ulit kami wahahahhaha!!! Kaya ki namang tumayo pero hinawakan ko na yung kamay niya para lang makapagholding hands. Wahahaha.

Into the friendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon