Disclaimer
This story is a work of fiction. Names, characters, places, events, businesses, and incidents are either a product of the authors imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or to an actual events is just purely coincidental.
_____
Prologue
Minsan talaga ang hirap alamin nang patutunguhan ng isang kwento 'no? Minsan akala natin 'yon na ang happy ending pero may darating pa palang mas malaking dagok sa buhay natin.
A year ago, nagpakatanga ako! Hindi sa pag-ibig ah? Nagpakatanga ako sa pagbuo ng desisyon ko. Akala ko kasi 'yon ang tama, akala ko 'yon ang totoo. But I hate how destiny played in our lives.
Palagi kong itinatanong na 'Bakit hindi man lang niya ako binigyan nang pagkakataon na makapagpaalam?' Bakit kailangan niyang umalis nang hindi ko nalalaman? 'Bakit kailangan niya pa akong iwan? At marami pa! I even questioned her love for me.
Kahit isang beses simula ng umalis siya, hindi ko na nagawa pang maging masaya ng buo. Nabubuhay na lang ako na puno ng 'what if's', na paano kung hindi ko siya ipinagtabuyan noon? What if hinayaan ko siyang magpaliwanag? What if sinamahan ko siya nung mga panahon na binabatikos siya ng lahat? What if... what if pinaniwalaan ko siya? May mababago kaya sa sitwasyon? Maari kayang kasama ko pa siya hanggang ngayon?
Ang daming tanong ang nabuo sa isipan ko na alam kong hinding-hindi ko na masasagot pa. Ang daming pagkakamaling nagawa ko ang hindi ko na maitatama pa. Well that's how destiny played a trick on me. Sana pala hindi ko na lang pinatulan ang paglalaro ng tadhana. Sana mas pinaniwalaan ko na lang ang sinasabi niya noon.
And then it hits me...
Ipinagtabuyan ko siya, kinamuhian ko siya, itinakwil ko 'yong pagkakaibigan namin, at ngayon iniwan na niya ako.
Guilt, longing, pain, and regrets enveloped my system as the memories of her started to play in my mind. How i wish i could turn back time. Kasi miss na miss ko na siya, miss na miss ko na 'yong taong hindi nagsawang intindihin ako simula pa lang.
I missed my bestfriend but i can do nothing but grief. Wala na akong kayang gawin para ibalik 'yon dahil ang tangi ko na lang magagawa ay ang magsisi habang inaalala ang mga alaala naming dalawa noong mga panahong kasama ko pa siya.